Wednesday, July 06, 2011

Goodbye

Susubukan kong mag-blog araw-araw for the next 100 days. Tingnan natin kung makakarir. Pero todo na yun, dahil after 100 days, isasara ko na ang Kuwan. Wala nang point.

Samantala... andito ang teaser ng pelikula ko. Sa totoo lang, nakaka-5 shooting days pa lang kami. 13 more to go. Sa isang indie production, 2 o 3 pelikula na ang magagawa mo in 18 days. Dapat nga 22 days e. Kaso sa sobrang busy ng mga artista, baka hindi kami matapos kung hihingi pa ako ng additional shooting days.



Samantala... medyo madedelay po ang free workshop ko. Ayusin ko muna ang schedule ko ha. Malay ko ba namang may pelikula rin pala akong ididirek sa MMFF. Sa totoo lang, sa laki ng mga artista ng ibang entries, parang kakailanganin naming i-cast si Justin Bieber para lang makalaban kami for the number 7 spot. Hahaha number 7 lang talaga ang pinangarap. Siyempre nagbibiro lang ako. Baka mabasa ito ng mga producer ko, mabwisit sa akin. Serious masyado?

Anyway kagabi nanood ako ng concert ni Kylie Minogue. Siyempre andaming beki. Beki dito, beki dun, beki everywhere! Parang grand registration lang ng mga bading. Naawa nga ako sa mga closetang gustong manood kay Kylie pero hindi tumuloy dahil sa takot na ma-out sila nang walang sa oras. (Sa mga nakatira sa bundok, si Kylie po ang poon ng mga beki). Siyempre kung beki ka at tumugtog ang "can't get you out of my head", imposible namang hindi ka mapakembot. Eh di huli ka! Aminin, walang straight na lalaking ever kekembot kay Kylie. In fact, walang straight na lalaking ever kekembot. Period.

4 comments:

Anonymous said...

nyeh. straight pala ako. kasi hindi ako kekembot ke kylie minogue. ni wala nga epek sa kin pagpunta niya eh.

Anonymous said...

Why do you have to end something wonderful you have already started? I do believe your blog serves so many purposes. It’s your avenue to promote your work, update your followers, inspire aspiring writers, and share your amusing stories. The last one is the most precious to me. Please don’t say “Wala nang point”. Kung ang paglagas ng dahon mula sa puno ay may kahulugan, mas lalo na itong blog mo. You would not want to end something that gives you the freedom to express yourself, would you?

May tanong lang po ako, bakit gusto ng mga bakla si Kylie? Bakit hindi si Madonna or Lady Gaga ang diyosa ng mga bakla? Anong meron si Kylie?

Anonymous said...

very true! Sino sino ang mga male stars na na syt mo sa Kylie concert? I vera na yan. hahaha.

Seriously Funny said...

Nalungkot naman ako about you closing down your blog after 100 entries.

I do hope you would re-consider. Avid follower ako of your work and of your blog entries...