Tuesday, April 12, 2011

Gusto Mong Maging Writer?

Bakit? Kasi passion mo. Kasi pakiramdam mo, may talent ka talaga sa pagsusulat. OK. Pero hindi sapat yun. Dapat matibay din ang sikmura mo. Kailangang matiyaga ka. Dahil sa totoo lang, hindi laging mabait ang lokal na industriya ng pelikula at telebisyon sa writers, lalo na sa mga baguhan.

Kung gusto mo talagang maging writer, eto ang ilang payo ko:

1. Magsulat ka. At tapusin mo ang sinimulan mo. Kung ikaw yung tipo ng taong hanggang set up lang ng kuwento ang kayang isulat, at tinatamad nang tapusin ang script, wala kang lugar sa industriyang ito. Malamang sa hindi, sasabit ka sa deadlines, at magkakaroon ka ng maraming kaaway. Kaya wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Magsulat ka na lang para sa sarili mo.

2. Manood ka at matuto. Kung gusto mong magsulat sa TV, manood ka ng mga soap opera. Wag kang mag-inarte na nababaduyan ka o nalulumaan sa mga soap operang Pinoy. Believe it or not, may sining ang pagsusulat ng soap. May conventions na dapat sundin, pwede mong baguhin paminsan-minsan, pero kailangang mag-ingat ka, dahil oras na mawala ang mga elementong nagbibigay tatak sa kanya bilang isang soap, iiwanan ka ng audience mo. Ngayon, kung feeling mo mas magaling ka kina Ricky Lee, Roy Iglesias, Jake Tordesillas, Gina Tagasa, RJ Nuevas, at maraming pang multi-awarded writers na sumasabak ngayon sa pagsusulat ng soaps, pwes wag kang mag-TV. Ganun din ang kaso kung gusto mong magsulat ng pelikula. Dapat bihasa ka sa film language. Higit sa pagbabasa ng mga teorya, kailangang panoorin mo ang gawa ng mga master filmmakers na tulad nina Manuel Conde, Eddie Romero, Mike De Leon, Lino Brocka, Ismael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Chito Rono, Brillante Mendoza, at kung sino sino pa, mula mainstream hanggang indie, mula Pilipinas hanggang kasuluksulukan ng ibang mundo, i-google mo na lang. Karir? Ganun talaga. Bago ka magmalaki na babaguhin mo ang industriya sa script na binubuo mo, siguraduhin mo munang wala pang nakagawa niyan.

3. Mag-out ka. Serious. Kung closeta ka at gusto mong magsulat, mahihirapan ka. Lagi kang magpipigil. Napakahalaga ng honesty sa pagsusulat. Paano ka makakabuo ng mga totoo at relatable na characters, kung ikaw mismo hindi mo kayang magpakatotoo sa sarili mo?

Yan muna. Itutuloy ko na lang pag may break uli sa meetings ko. Good luck.

9 comments:

Sal said...

ang galing! very well said sir jun.. :)

Ateh paul said...

Gift ang pagiging magaling magexpress ng nararamdaman sa artistikong paraan ng pagsusulat.Feeling ko hindi ako nabiyayaan ng gift na yon.kaya saludo po ako sa mga kagaya niyo sir na nakakapukaw ng damdamin sa papamagitan ng talento niyong ito.

Arvin U. de la Peña said...

gusto ko ang maging writer..kasi mahilig akong magsulat..kaya ko naman ang magsulat ng mga script kaso hindi ko tinutuloy ang pagsulat..

Anonymous said...

I also love to write but it doesn't love me back that much. And I admire you not only because you're a great writer but you as a person. Mabait ka kase sa akin when we're still classmates in UST AB. I hope you still remember me even though I don't talk much then :)
Congratulations to all your accomplishments. You deserve everything :)

a.k.a. gwapzbaako said...

i like young need mag out para makapagsulat- i think isang malaking factor kung bakit di ako makapagsulat spontaneously.. thanks sir jun....

Roxanne said...

sobrang tinamaan. </3

Anonymous said...

check na check!

michelle said...

Salamat sir Jun sana gumawa ka na lang ulit bagong blogsite hehe =) sana puwede pa ako magtry ulit sa training...

Anonymous said...

Tamang tama itong mensahe na ito para sa akin ngayon. Maliit pa lang ako, mahilig na ako magsulat. Pero laging hanggang simula lang. Kaya pala hindi ako naging Writer!