Tuesday, November 23, 2010

Congratulations

Wala nang fanfare. Wala nang paliwanag. Matapos ang mahaba at masusing pag-aaral, eto ang tatlong napili ko na sasailalim sa mentorship:

1. Nathaniel Manuzon Arciaga
2. Renei Patricia Esteban Dimla
3. Anna Levita Macapugay

Congratulations sa inyo. Hindi ko pa kayo tinatawagan para naman magkaroon ng silbi ang anunsiyo dito sa blog ko. Surprise!

Dinner tayo next week.

May applicants pa akong pipiliin para sa satellite workshop. Yun ang pinag-iisipan ko pa. Basta tatawagan ko kayo bago matapos ang linggo.

Salamat!

15 comments:

Anonymous said...

Maraming salamat Sir Jun. Sorry, hindi naman masyadong obvious na wala akong ginawa the whole weekend kung hindi abangan ang results dito; 4:46 ng madaling araw talaga nagco-comment ako. Wala akong mapagsidlan ng saya at hindi ako mapakali, kaya pagkatapos nitong pagpopost na 'to, paplantsahin ko lahat ng damit ko. Maski 'yung mga plantsado na.

Hindi po kayo magsisisi.

-Nathan

biancaresse mendoza said...

Wow! First to comment? Congrats sa inyong 3!!! Grabe salamat sa opportunity sir jun, antayin po namin ang announcement ng mga kasama sa satellite
Workshop! Sana kasama po ako doon. :)

Anonymous said...

Nadurog ang puso kasabay ng itlog at hotdogs sa almusal ngayong umaga ng Martes.

Pilit pinatatamis ng catsup ang nararamdaman, pero nangingibabaw ang pula ng nagdurugong puso.

Hindi ako napili.

Baka mas masarap ang almusal bukas.

minatots said...

Congrats sa mga napili! Ako rin sana makuha sa workshop. Hahaha. :)

Anonymous said...

Pabasa naman ng mga entries na pinagbasihan ng pagkapanalo...plis? Sabi nga "a work of art no longer lives if the experience of it is not shared."

Anonymous said...

-online
-check sir jun lana's latest post
-wala name ko
-type anonymous comment *with tears*
-sign out
-magsumbong kay mommy

*CONGRATS SA 3 NAPILI

Anonymous said...

sumikip ang dibdib ko sa sobrang tuwa!!! Salamat po Sir Jun! :)

Anonymous said...

napaluto talaga ako ng champorado pagkabasa nito! nakadagdag ng linamnam yung ligaya! salamat po sir jun!

nika layson said...

Wow, inspirasyon ko narin kayong tatlo. Aabangan ko ang pangalan niyo at mga gawa niyo. ^_^ Idolo ko na din kayo!

Crossfingers, satellite workshop.. ^_^

cha marcelino said...

Ako din tatandaan ko din kau kasi for sure magiging isa na rin kau sa mga filmmakers... Thanks Sir Jun! And congratz sa mga napili! ^__^

kaBatchuyan said...

MALAKING BAGAY NA ANG MAPASAMA SA 50 SHORLISTED FINALISTS OUT OF 500 APPLICANTS...WALA AKONG PINAGSISIHAN. NANG MAPASAM AKO SA 50 NA YUN LUMAKAS ANG LOB KO NA SABIHIN NA "ABA NAKAKASULAT NA PALA (TALAGA) AKO"

SA MG NAPILI CONGRATS...

Arvin U. de la Peña said...

congrats sa kanila...............more success in life..........

michelle said...

Yahooooooooo maraming maraming salamat po sir Jun...gusto ko po sanang magpasalamat sa inyo kanina kaya lang po nahiya lang po ako...hindi ko po kayo bibiguin, SALAMAT PO ULI SA PAGKAKATAONG IBINIGAY PO NINYO!
hindi ko po makakalimutan sa buong buhay ko.

Anonymous said...

Isang minatamis na congratulations sa mga napili! Minatamis dahil nag-roll over muna ako sa asukal para mawala ang pagka-ampalaya ko dahil di ako napili.

May kasabihan nga "don't get bitter, get better"...kaya mga kapatid humayo tayong lahat, magkulong sa kuwarto at ituloy ang pagsusulat, with or without Jun Lana.

Bang the keys!

ilovedominicluca said...

hi Sir Jun! How are you? Just wondering if you have any free time to post new blogs. See, I've been lonely in like the last four years since your last blog.

Or do I have to make harana to you to the tune of Ewan by Apo, yung chorus part.."mag-blog ka na mag-blog ka na, hindi ito bola, mag-blog ka man lang sana akoy nasa langit na, mag-blog ka na mag-blog ka na hindi ito bola, sumagot ka wag lang naman 'let's try another day'"