Monday, October 11, 2010

UPDATE


Para sa lahat ng nagtatanong: Bago mag-first week ng November, ilalagay ko dito sa blog (at tatawagan isa-isa) lahat ng mapipili kong applicants na dadaan sa interview. Mula sa interview, doon ako pipili ng tatlong ime-mentor ko.

Alam n'yo, naisip kong gawin ito kasi 1) tumatanda na ako. bilang 28 na ako (hehe), naisip kong ibalik lahat ng tulong at paggabay na nakuha ko noong nagsisimula ako at 2) gaya ng nabanggit ko sa unang blog, hilig ko talaga ang magturo.

Masuwerte ako dahil napakagagaling ng naging mentors ko. Sa larangan ng pagsusulat, si Rene O Villanueva ang talagang gumabay sa akin. I-google n'yo kung sino si Rene kung hindi n'yo siya kilala. Pero sigurado akong milyon-milyun sa inyo ang nakarinig, nakapanood ng mga gawa niya sa telebisyon, hindi n'yo lang namalayan, bilang siya ang Creative Director ng Batibot noon. At eto lang naman ang ilan sa mga naging istudiyante niya: writer-filmmaker Chris Martinez, tv and film director Mark Reyes, TV 5 Creative Consultant Elmer Gatchalian (screenwriter din ng "Rosario" na sigurado kong hahakot ng maraming awards sa Manila Film Festival ngayong December), Palanca hall of famer Nick Pichay, at maraming marami pang iba. Bukod sa pagiging TOYM awardee, si Rene rin ang isa sa kauna-unahang Pinoy na naparangalan ng Ten Outstanding Young Persons of the World. World! Pero kahit napakaraming achievements ni Rene, hindi siya nawalan ng oras para magturo sa mga baguhan na gaya ko noon.

Sa larangan ng pelikula, napakapalad kong maging mentor si Marilou Diaz-Abaya. Kung may isang taong nagsilibing fairy godmother ko at binago ang takbo ng buhay ko, siya yun. Lahat ng pinto, pati bintana ng industriya, pelikula man o telebisyon, nagbukas para sa akin dahil sa tulong niya. Sa 4 pelikulang ginawa namin (Sa Pusod Ng Dagat, Jose Rizal, Muro-Ami, Bagong Buwan), talo ko pa ang dumaan sa film school. Walang oras, walang sandali na wala akong natutunan sa kanya.

Hindi ko alam kung matutumbasan ko ang paggabay na ginawa nila sa akin sa 3 aplikanteng mapipili ko, pero susubukan ko. Hindi ko lang babasahing mabuti ang lahat ng ipapadala ninyong CV at essays, kundi ipagdadasal ko ring mabuti na karapat-dapat talaga ang mapipili ko. Sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung magagawa ko pa uli ito, karir e, kaya isasagad ko na ang pagtulong na pwede kong gawin.

Good luck sa inyo! :-)

11 comments:

herbigfatmouth said...

Super like. We'll keep our fingers crossed. :)

iaPs aspillaga said...

Very inspiring, Sir Jun! :)

Lasher said...

That's really nice. Kakainggit. Good Job, Jun!

fierywoman said...

Ang tawag dito ay



pagmamahal.

cha marcelino said...

Nakakatuwa... kahit pala ang katulad kong alang background sa ganitong field may pag-asa pa... SUGOD! hehehe... Maraming salamat po, sir jun...

PGrande.pogiako said...

sir jun.. can i ask kung kailan maiipapasa ung scrip? or from the CV and Essay kaw pipili ng magpapasa ng knilang mga play?

chad_06 said...

nkakainspire tlaga smali.... i hope that is the oppurtunity 4 us....

chad_06 said...

nkakaispire smali.. it's nice to have this opputunity

Anonymous said...

it's nice to this oppurtunity

chad_06 said...

i love this

Anonymous said...

>> hi po .. super idoL po kita .. mahiLig den po kasi ako gumawa ng mga story .. sana po mag kita tayo sa personal .. hehehhe .. thanks po GOD BLESS .. good heaLth po