Sunday, October 31, 2010

Pasasalamat

May romance novelist. May Palanca Awardee. May nurse. May cinematographer. May istudyante. At marami pang iba. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumali sa inaalok kong mentorsip program. Last week, nagbakasyon ako para salain ang 525 entries na natanggap ko mula October 1 hanggang October 15, 2010. Mahirap, matagal ang proseso. Paulit-ulit kong binasa ang bawat CV, bawat essay na ipinadala ninyo.

Gaya ng nasabi ko, 3 lang ang mapipili para sa mentorship.

Pero dahil sa dami ng nag-apply at nagpamalas ng potensyal at talento sa pagsusulat, nagdesisyon akong bumuo rin ng isang satellite workshop (sa tulong ng ibang kaibigan kong manunulat) para mas marami ang mabigyan ng oportunidad. Bagama’t hindi ako ang nakatutok dito, nakasubaybay pa rin ako sa paggawa ng modules, at paminsan-minsan magbibigay din ng lectures sa grupong ito.

25 ang napili kong dadadaan sa interview, ito ang mga aplikanteng hindi lang may matagal nang background sa pagsusulat ayon sa CV nila, kundi klarong-klaro rin ang tinig at istilo sa mga sanaysay na sinulat nila. Para sa gaganaping interview, bawat isa sa kanila ay hiniling kong magdala ng kopya ng anumang script na naisulat na nila.

1. Andrew Camandang
2. Anna Karenina Ramos
3. Anna Levita Macapugay
4. Christina Pangan
5. Dan Villegas
6. Darwin Empeno
7. Dennis Raymund
8. Janis Narvas
9. Jay Quintos
10. Jed Patron
11. Joie Cortina
12. Juan Antonio Luna
13. Kristoffer Brugada
14. Liberty Trinidad
15. Louise Lamsuyan
16. Maria Poquita
17. Michelle Ramos
18. Nataniel Arciaga
19. Natividad de Leon
20. Ronniel Niko Halos
21. Rafael Canete
22. Renei Dimla
23. Ria Gonzales
24. Richard Faller
25. Robby Roxas

Bukod dito, may isang batch pa ng mga aplikante (25 din sila) na sa halip na magdala ng script ay inimbitahan kong kumuha ng diagnostic test para subukan at lalo kong makilala ang kakayahan nila sa iba’t ibang creative exercises.

1. Aldwin Bonggao
2. Anna Margaret Patagnan
3. Antonio Pelon
4. Biancaresse Mendoza
5. Carmina Mones
6. Charina Marcelino
7. Charina Nola
8. Dominique Ng
9. Don Santella
10. Doods Maglaqui
11. Erica Ngui
12. Jasper Obillo
13. Jaylord Langbayan
14. Jessehyro Aguinaldo
15. Loren Marcojos
16. Lukas Pascual
17. Mark Sayat
18. Marvin Corachea
19. Nika Layson
20. Norbet Natano
21. Omar Arsenal
22. Ritchie Ysulat
23. Roderick Frago
24. Ronrick Alegre
25. Roxanne Tobias

Magkita-kita tayong lahat sa November 7, 2010. Salamat uli.

20 comments:

HG said...

gusto kong umiyak... hindi ako napili.

Anonymous said...

sir, you tweeted 55 people were shortlisted. Yet the total number in the list is 50. What happened to the other 5? (Still hoping...)

Emmanuel said...

huhuhu, wala ako sa shortlist.
OK lang, Thank you very much na lang po sa contest. Minsan kasi, mga contest yung nagbibigay ng push para mambugbog ako ng keyboard, hehe. Thanks so much and good luck to this noble project of yours.

Anonymous said...

I walk into a Booksale shop earlier, after not visiting one for months. Then I saw an issue of Creative Screenwriting magazine. Sabi ko sa sarili ko, sign ito. Tapos nung tiningnan ko list ng shortlisted applicants...tantananan! Wala ako. Hayy...

Anonymous said...

maraming salamat po sa ibinigay n'yong pagkakataon. :)

Anonymous said...

sana lang hindi sa CV o experience ng nag-apply ang ginawang basehan sa pagpili. kasi kapag may talent na, makakahanap at makakahanap din yan ng screenwriting job. kumpara sa mga wala pang experience pero mas willing matuto at may kakayahan din magsulat. goodluck sa kanila. sana lang wag nila sayangin ang opportunity at wag magbackout isa-isa dahil kaming mga hindi napili ang unang madidisappoint sa inyo

kaBatchuyan said...

NATUTUWA PO AKO KAHIT DAHIL NAPILI AKO NAGALAK AKO SA TUWA DAHIL SHORLISTED AKO SA MGA KUKUHA NG EXAM.

kaBatchuyan said...

natutuwa ako kasi isa ako sa mga 50 na shorlisted na posibleng magundergone ng workshop.kahit na kasma ako sa mga magte-take ng exam ay ayos na sa akin yun atleast nakasama ako sa 50 out of 500...first time nangyari sa akin yun...

kaBatchuyan said...

kaya lang mali po spelling ng name ko pero nakakasiguro ako na ako yun...dahil nakatanggap ako ng tawag from mr. jun. instead of Nobert...Norberto po tananannanan.thanks

vida de leon said...

gusto kong maiyak. totoo ngang napili ako. number 19. Natividad de Leon. ngayon alam ko na ang feeling ng mga nagsikuha ng board exams at pumasa. Salamat po, Sir Jun sa paniniwala at pagtitiwala sa kakayanan kong makapagsulat. Dagdagdagan ko pa ang panalangin. For now, magpapaluto ako ng pancit sa nanay ko. May dahilang magcelebrate dahil nashortlist ako. Ü Salamat muli.

cha marcelino said...

tnx po! ^____^

herbigfatmouth said...

Hihihi.

YES!

Yun. Yun ang una kong nasabi after kong ibaba yung telepono pagkakausap sakin ni Sir Jun. Nae-excite ako na kinakabahan. Three days na kong napapangiti pag naaalala ko to. Hehehe.

Salamat po at nasama sa shortlist. Kitakits. :)

fierywoman said...

Ito ay isang humbling experience. Pagkatapos magwear-off ng euphoriang dulot ng pagiging isa sa 25 na i-iinterviewhin mula sa 525 na aplikante, ma-re-realize mo - puwedeng may 24 pa na mas magaling sa'yo.

Gayunpaman, salamat, Sir Jun. Salamat sa pagbasa pa lang ng essay. At gaya ng sabi ko dati, ito pong ginagawa ninyo, ang tawag dito ay


PAGMAMAHAL.

angel chiutena said...

hndi po ako napili.. iiyak na dapat ako.. pero ok lang.. k2lad ng cnav q sa snaysay q, unang pgibig ko ang pgsusulat. first love never dies.. hndi ko hhyaang mamatay ang pngarap ko dhil lang hndi ako napili ngaun. slamat pa rin po mr. jun lana sa pgbibigay ng inspraxon. good luck sa lhat ng napili.. God bless sa kin..

DHON REPUESTO said...

gudpm sir sana naisama nyo ko sa mga napili nyo ksi matagal ko pong hinintay to,galing pa kong probinsya nakitira muna ko sa pinsan ko para hintayin lang announcement nyo.marahil sa ibang mga napili nyo laro lang ito o dagdag ekperyensya pero ako pangarap ko talaga to pero wala po akong magagawa uuwi nalang po ako goodluck po sa mentorship nyo sana nga makadiskubre ka sa kanila ng isang magaling na manunulat,

Anonymous said...

Dear Diary

Kwarto - Oct 30 '10, 9PM
Hindi na tumawag si Sir Jun. Maglalaslas na lang ako. Grabe na ang pang-aapi sa akin ng mundo. Pero hindi pa siya nagpopost ng mga pangalan sa kanyang blog. I-popostpone ko muna ang aking attempt sa pagpapakamatay.

Internet shop - Oct 31 '10, 8PM
I've been here for 6 hours. Ang mahal na ng bill ko. 6 times 25. Do the math. Wala paring update. Asa pa ako, maraming mas marunong sa akin magsulat. Uuwi na ako. Maglalaslas. Goodbye universe. Why you fucking hate me.

Gate - Oct 31 '10. Past 8
"Hello. Speaking. Yes. (Shit) Opo. Opo. Aw, thank you po. Okay. Thank you. Goodevening. Bye po."

Masarap pala mabuhay. Nag anyong tao ang "pag-asa" sa katawan ni Sir Jun.

Dear Diary,
Sana hindi ka mawala. Wala akong masusulatan. Sana hindi ka mawala kasama ng pag-asa.

Anonymous said...

I have complete and utter faith in Mr. Lana's wisdom and the driving force of his choices. He knows the business and art of writing more than any of us do. Some might argue that his decisions are not perfect, but then, whose decisions are? Let's be assured by the fact that this will be a learning experience for everyone involved, including Mr. Lana himself.

May the Fierce be with us. :)

JUN LANA said...

Sa perpektong mundo, lahat ng 525 na nag-apply sa akin, tatanggapin ko at pagbubuhusan ng panahon para turuan. Kung pwede lang talaga. Pero kailangan kong mamili. Hirap na hirap akong magtanggal sa totoo lang. Sa ngayon, may 50 akong na-shortlist. Pero 15 lang diyan ang matitira. Nakakadurog ng puso isipin na magtatanggal uli ako. Pero kailangan kong gawin ang proseso. Kailangang pagdaanan dahil sa ganitong sistema ako makakatulong ng husto sa mga mapipili ko. Para sa mga hindi pinalad, at mga matatanggal pa, hindi ito kabawasan ng talento ninyo. Maniwala kayo, kahit ako, noong nagsisimula ako, maraming beses akong na-reject, natalo sa mga contest, halos mawalan ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang maganda sa buhay, laging may mga pagkakataong dumadating. Isa lang ako sa mga pagkakataong ito. Marami pang darating. Kaya wag kayong panghihinaan ng loob. Marami pang darating. Maniwala kayo. :-) Salamat sa pag unawa at hangad ko ang tagumpay ninyong lahat! :-)

Maria Poquita said...

Unang una, nagpapasalamat ako sa diyos dahil sa pagbibigay niya sa akin ng isang kakayahang sumulat at ibahagi ito sa ibang tao. Pangalawa ay kay Sir Jun Lana sa pagtitiwala niya sa aking kakayahan. Napakasaya ko nang tumawag si Sir Jun sa akin dahil nabuhayan ako ng loob na isang taga Cagayan de Oro, taga Mindanao ang nakapasok sa top 25. Isang senyales na hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Kahit shortlisted lang, hindi na biro ang makasali ka sa TOP 25. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SIR JUN LANA SA TIWALA NYO! :-)

Maria Angela Gonzales said...

Noong nakaraang linggo ay nagkaharap na kami ni Mr. Jun Lana. Ewan ko lang kung mabibigyan niya ako ng pagkakataon na makasali sa tatlo niyang mapipili pero mapili man niya ako o hindi, hindi ko isusuko ang pangarap kong makapagsulat sa telebisyon at pelikula.
"Kaya ko ito. Naniniwala ako sa aking kakayahan." Ito ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili kaya sa loob ng sampung taon ay nagawa ko ng pasukin ang Precious Hearts at Bulgar. Gayunman, hindi pa ako kuntento sa aking nararating kaya't paulit-ulit aasa at maniniwala na isang araw ay magbubukas na pinto at bintana sa industriya ng penilakang-tabing.
Sabi nga ng isang manunulat sa akin, 'Don't lose hope. The road of being a writer is long and bumpy, with perserverance, I can make it.'
Maria Angela Gonzales