Saturday, October 16, 2010

Announcement of Finalists


Sa October 30, 2010, doon ko ipo post dito ang lahat ng mapipiling finalists (siyempre tatawagan ko rin kayo) para dumaan sa interview, kung saan hihilingin kong magdala ang applicant ng anumang script (teleplay o screenplay--kahit sequence treatment kung walang full script, produced man o hindi) na naisulat niya. Mula doon, pipili ako ng 3.

Paensiya na kung sa October 30 pa. Akala ko nasa 300 lang ang entries. Gabi-gabi dina-download ko agad lahat ng nasa inbox para hindi maipon. Pero 2 nights ago, doon ko lang napansin na may 300 na laman yung spam folder ko. Medyo weird dahil bago lang ang junlana@rocketmail.com (ginawa ko lang para sa contest na ito). Siyempre pag-open ko sa spam folder, nawindang ako. Doon pala pumasok yung ibang applications para sa mentorship.

Pero gaya ng pangako ko, isa-isa kong babasahin lahat. Alam ko kung gaano kahalaga para sa karamihan ang oportunidad na ito. Ganyang-ganyan din ako noong nagsisimula ako kaya pag-aaralan kong mabuti ang lahat ng entries. Kahit yung mga nagpadala past midnight (ewan ko ba naman kasi kung bakit kung kelan deadline saka nagdagsaan ang entries) at nakiusap nang todo-todo na i-consider pa rin sila, sige pinagbigyan ko na, pero mula ngayon, sarado na talaga ang pagtanggap ng application.

Yun muna. At salamat sa lahat ng sumali. Salamat din sa Eat Bulaga, Juicy, Paparazzi, Philippine Daily Inquirer, pep.ph, Journal online, pinoyfilm.com at sa lahat ng kaibigan ko sa press na libre at kusang isinulat ang tungkol sa mentorship program ko. Hindi ko sasayangin ang tulong ninyo.

12 comments:

Anonymous said...

Whew! Akala ko meron ng winners! My heart skipped a beat for a few seconds. Hehe.

cha marcelino said...

hay... sana mapili ako... hehehe... Pero I'm really interested kung ano po ang story nyo kung pano po kayo naging writer... very inspiring e.

Alfie Orencia said...

*cross finger* sana mapasama rin ako... =)

Anonymous said...

di ko alam kung ano ang pakiramdam ng napipili ang alam ko lang ipagsiksikan ang sarili ko.... nakakangatal naman to!!!!!

ewikescalante said...

aw! sayang ito.

Herman said...

Sana po kahit paano may "consolation prize" yung mga kasali sa short list pero hindi kasama sa tatlong mapipili. kahit one day workshop lang. just to let our scripts be read and critiqued.

Herman said...

hehe, I'm lowering my expectation. kahit short-listed lang...

Alfie Orencia said...

Be positive guys!!! kaya natin toh, we are all blessed with talents, sa Inspiration lang nagkakalamangan. =)

Anonymous said...

Tatawag na dapat si sir ngayon. Feeling ko ligwak na ako. :( Super sad. Huhuhu. Pero wait parin ako until makita ko ang 55 na echoserang natanggap.

Anonymous said...

ay nasan na? tsk tsk. kinakabahan na ko!

Anonymous said...

walang pumasa! hhhahaha excited na ko LOL!

Anonymous said...

hi. any developments? =)