Wednesday, September 29, 2010

mentorship


LAST CALL FOR ENTRIES!!! CLOSING DATE: 12 MIDNIGHT, OCTOBER 15, 2010!!!

Jun Lana Writing Mentorship for TV and Film

Award-winning writer and youngest Palanca Hall of Famer Jun Lana is offering a FREE writing mentorship program for aspiring screenwriters. Interested applicants must submit their CV and a one-page essay (in Filipino) on why they want to pursue a career in screenwriting to junlana@rocketmail.com. Only 3 applicants will be chosen to participate in an intensive 3-month individualized mentorship aimed to refine their craft and expose them to career opportunities within the entertainment field. Deadline for submission is on October 15, 2010. For more details log on to www.junlana.blogspot.com.




Nami-miss ko na talaga ang pagtuturo. Kung maluwag-luwag lang ang schedule ko, matagal ko na sanang tinanggap ang alok na magturo uli ako sa UP. O kaya sa UST.

Dati nakakapagbigay pa ako ng libreng workshop. Kaso ang problema sa workshop, kahit libre, karamihan sa participants hindi nagtatagal, wala ring maibigay na oras dahil may iba pa silang trabaho. O di kaya hobby lang ang pagsusulat para sa kanila. Yung iba namang naka-graduate sa workshop, wala namang makuha oportunidad para makapagsulat talaga sa industriya. Alam ko kung gaano ka-frustrating yun.

Kaya eto ang naisip ko.

Sa halip na workshop, writing mentorship ang gagawin ko.

3 months ang itatakbo ng writing mentorship na ito. Pagsusulat para sa pelikula at telebisyon. Ang hanap ko, mga taong hindi lang basta may talento kundi may passion talaga sa pagsusulat.

May 1 requirement lang: Dahil passion n’yo ang pagsusulat, kailangang may nagawa na kayong teleplay o screenplay- maaaring na-produce na o sinulat n’yo lang para sa sarili ninyo. Hindi importante kung graduate kayo o out of school, o kung semi-professional writer kayo o nangangarap lang makapagsulat sa TV at pelikula. Ang mahalaga, may nasulat na kayong script na pwede kong basahin para makita ko ang kakayahan ninyo sa pagsusulat.

3 hanggang 5 participants lang ang pipiliin ko para matutukan at masubaybayan ko sila nang husto. Ang objective ng mentorship na ito ay hindi lang ang turuan sila ng pagsusulat, kundi magabayan sila hanggang sa pagpasok nila sa industriya.

Libre ang buong mentorship program. Pero kung makakasagabal lang ito sa trabaho o pag-aaral ninyo, o kung hobby lang ito para sa inyo, wag na kayong mag-apply. Malaking oras ang iguguol ko para dito kaya hihilingin ko ring magsakripisyo ng oras ang sinumang mapipili.

Para sa lahat ng interesadong sumali, mag-submit muna ng 1) curriculum vitae na may ID photo at 2) 1-page essay kung bakit gusto n’yong maging screenwriter. I-email ang mga ito sa junlana@rocketmail.com. Curriculum vitae at essay lang ang ipadala ha, wag muna ang script n’yo.

October 15, 2010 ang deadline ng submission.

40 comments:

Ms. Chuniverse said...

i like. ;-)

yel said...

nawindang ako bigla...

Anonymous said...

Gandang Araw po sa inyo :) gusto ko po Sanang mag join sa workshop kaya Lang po Ang problema ko, un pagbyahe. May way po b na matuto sa inyo online? I can dedicate long hours, kahit po walang tulugan ok po sa akin :) Ty po

JUN LANA said...

anonymous, siguro kung ordinaryong workshop ito pwede ang online. pwede ring gumawa na lang ako ng libro para basahin ninyo sa oras ninyo. pero hindi lang basta lecture at exercises ang kabuuan ng mentorship na ito. pinakamahalagang aspeto nito ang career pathing. susubukan kong gabayan ang bawat isa sa tatlong mapipili hanggang sa makapasok sila sa industriya. kung pangarap n'yo talaga ang maging screenwriter, kailangang magbigay kayo ng oras para matupad yun.

Damicaye said...

Very interesting,sayang naman i cant dedicate my fulltime kasi ako nagwowork for my family...

ron joseph said...

Gustong gusto kong matuto. Pangarap ko ito at alam kong kakayanin ko.I am very much willing to participate and gain additional knowledge to boost my creative mind.Thank you sir.

Rhanz said...

Im very interested to your program, and i can give my fulltime on this big opportunity because ive already finish my contract in my previews job ! Im willing to learn about every thing that i need to know ! But theres a 1problem , i dont have any materials to prove that i can be 1 of your student ! ("~)

Marlon said...

Handa kong isakripisyo lahat, matuto lang ako. Matagal na po akong naghihintay ng ganitong oportunidad. gustong-gusto ko pong matuto talaga mula sa pinakabatang miyembro ng Palanca Hall of Fame. 10yrs ago, sumulat ako ng isang script para sa PLAY namin sa school at awa ng Diyos, nanalo! Kaya lang matagal na yun. Isulat ko na lamang ulet, tanda ko pa naman lahat e. Meron din po akong ginawang short film at first runner up sa nakaraang paligsahan na panukala ng Unionbank. Narito po ang link http://www.youtube.com/watch?v=71pobObK1w8.

Anonymous said...

hello po sir...i wanna join the said workshop..i watched the Juicy knina and tita cristy announced it..I'm a graduating mass communication student...

Laarni said...

woo..nalaman q 2 sa tv announcement.when i first heard d word "screenwriting" na overjoyed aq.. kse i have a dream of making a story na ipalabas sa pelikula... den pumunta agad aq sa site na 2 na cnbe.. kaya lang..... para pala to sa mga nakagawa na ng scripts.. but ako.. i want 2 know "how" hmm..baka magtyaga nalang ako sa mga online lessongs d2 bout screenwriting.. o_0

GOODLUck sa mga sasali! use ur talent in making a difference! Godbless u all =)

*GodBless u too sir jun lana on having a good heart,.sharing ur knowledge in screenwriting =)

Rom said...

interesado po akong sumali at magbigay ng buong panahon ko at kakayahan kaya lang po ang karamihan sa naisulat ko na ay mga tula at maikling kwento, hindi po script. pupwede po ba ang ganun? may kaunting karanasan ako sa pagsusulat ng script pero noon yun nung under pa ako ni Ishmael Bernal sa theater acting workshop 1989 pa. kung sakali po narito po ang mga short stories ko :http://karikatuura.blogspot.com/
sana po malaman ko ang sagot kung pwede kahit short stories lang ang naisulat ko.

salamat po

Alfie Orencia said...

Sir, I' am looking forward for you to be my mentor. Actually wala po akong degree or diploma na in-lined sa pagsusulat, pero the right passion to take this path was really with me. For my opinion wala sa tinapos na kurso ang pagsusulat dahil kadalasan ay lately na natin nadidiscover ang ating talents. And I do believe so na lahat ng tao ay maaring sumulat at sa passion to write lang talaga nagkakaiba. I' am looking forward for this once and a lifetime opportunity: Alfie Orencia

Alfie Orencia said...

Sir, follow-up, nga po pala I started to blog some documentary/ short stories and nag direk narin po ako nung college ng isang shortfilm, sarili ko rin pong story ang ginamit don. I humbly suggest po na ipa-visit sayo itong blog ko... its my pleasure po na maipakita ito. thank you...
http://angpahina.blogspot.com/

Anonymous said...

Good day, interesado po sana ako lumahok sa metorship program nyo. I have a day job, pero wala pong problema ako as far as making room for schedule or time, Im an appraiser/credit investigator and field work po lagi un kaya hawak ko ang oras ko ( i only report to office for 2-3 hours, anytime of the day 1 or 2x a week, sometimes buong week wala. My fieldwork consumes only 3 hrs a day). Nakita ko po kasi ung si-net nyo na requirements regarding not being employed dapat, baka exemption po ung sa akin? Sana po ay di agad automatic marked off ang name ko kapag napadala ko na ang application ko po..Natigil po ako sa pagpursue ng karera dito dahil sa circumstances ng bata pa ako (20's). but i never stopped weaving stories in my head, thinking one day mababalikan ko ang gusto ko talagang gawin sa buhay, and now i believe this is my last hurrah. If its an 8hour a day type of mentorship, i guess i can still make room, cause i have a pending Early retirement at my day job anyway-Rommel

dexter said...

Sir, I'm interested in your workshop and mentorship. kaso may problema po tungkol po dun sa mentorship, yung oras po, willing naman po ako magbigay ng mahabang oras, I'm a very patient person, kaso wrong timing po eh, may ibang bagay pa po kasi akong mas importanteng aasikasuhin, request ko lang po sana magkaroon ulit this summer. and tungkol po dun sa workshop, anong schedule po nun? please reply nalang po sa aking

fierywoman said...

Mahiwagang tokwa! NA-EXCITE AKO DITO~ buong katawan ko, na-excite, mula split ends ko abot hanggang sa ingrown ko sa paa!

Kaya kong mag-invest ng oras at pagod at (nalalabing) katinuan para matuto. Kung oras at oras lang, handang-handa ako, Sir. Kailangan ko lang din po ng oras paminsan-minsan para magpa-wax ng kilikili, kung hindi po ninyo mamasamain.

Maraming salamat. Magpapakabait ako para mapili ninyo. Hindi na ako manlalait ng mga sablay na spelling. Promise.

Nagmamahal,

Joie

Anonymous said...

im so exited,im not ganun kagaling..mahilig lang po tlaga magsulat..ang astig

khaelle said...

paano po ba mag join kci interesado po acouh...en i love writing different stories and i want to enhance it til i reach my dream in writing a story in t.v or movies...and i also think that my talent can help me in my financial problem in scool and also to help my parents...i hope you can help me...thanks a lot...for giving me a ones in a lifetime chance like this...

Mangyan Adventurer said...

Salamat Sir Jun Lana....

I'll try po. Salamat po kasi sa sobrang dedicated kayo... Gusto ninyo pang i share sa iba ang mga nalalaman ninyo.

Salamat!

PGrande.pogiako said...

i will join ^_^
and do what i can and what i really like to do.

^_^ visit my youtube acc for my short story

killerTian04 = youtube

PGrande.pogiako said...

when i heard na magkakaroon ng ganitong contest.. nabuhay ang dating ako sir.

im a 4th yrs student of BS Nursing. sa ngayon stop ako.. dahil i can't see myself as a nurse.
mula nung elementary palang i write story and songs.. peo nwala itong lahat dahil kala ko di na matutupad ang pangarap ko. dahil ayw d2 ng aking mama.

kaya ngayon mabilis ako humawak ng ball pen at papel para makapag sulat muli.. salamats sainyo nabuhay nyo ang pangarap ko.

^_^

PGrande.pogiako said...

sir can i ask lang po.. kung tama po ba ung format ng ginawa ko..
na pinag sama ko sa isang file ung CV at essay..
sa page 1 ung essay and the others are for the CV

PGrande.pogiako said...

ung email na ginamit ko pla ung mvian9@yahoo.com sir

1-cho Santos said...

Good Morning, naipadala ko na po sa email ninyo ang aking essay. Wala nga lang akong CV, pero i've sent an invite sa inyo sa facebook ko kasi nandun naman mga personal infos and pics ko (o di ba modern at kakaiba ang dating ko - hehehe).
salamat po

Trina said...

Sir Jun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ko ang blog nyo tungkol sa mentorship. Para akong nakabasa ng love letter na naghahanap ng wagas na pag-ibig at feeling ko isa ako sa mga hinahanap mo. May ganung elemento. Basta talaga usaping pagsusulat, mesmerized ako. Kasi greatest love ko ang pagsusulat. Ang problema lang wala ako sa Pilipinas. Kahit magtatatalon ako dito sa kinalalagyan ko buong maghapon sa sobrang tuwa sa nabasa ko hindi talaga ako pwedeng sumali. Sa maikling sandali, nakadama ako ng kaligayahan na agad naman nauwi sa pagkabigo. Pero may gusto po ako sanang itanong sa inyo kung okay lang po. May tinatapos po akong dalawang script, open po ba kayo sa idea na maging script consultant? Pag natapos ko po pareho yung revised draft, gusto ko sanang ipabasa sa inyo kung okay lang po. Open po ako sa kung anuman ang magiging requirements nyo bilang script consultant. At gagawin ko ang lahat para maisapelikula ang mga ito--kung paano? hindi ko pa alam. Naglakas loob lang ako magtanong sa 'yo at nagbabakasakali na papayag ka kahit alam kong sobrang busy ka. Anumang tulong ay lubos kong pahahalagahan.

Sana masungkit ko ang matamis mong “Oo” bilang pagtugon sa aking munting hiling. Salamat!

JUN LANA said...

@1-cho santos Kailangan ko pa rin ang CV para sa filing. Nasa 150 na ang applicants. Ibig sabihin, kailangan ko nang magprint ng hard copy para mapag aralan ng husto ang bawat applicant at makumpara ang mga gawa ninyo sa bawat isa. Maliligaw lang ang essay mo kung walang CV. Besides, requirement ko yun. Salamat.

JUN LANA said...

@TRINA Pasensiya na pero tatanggihan kita. Maingat ako sa pagbabasa ng script ng ibang tao. Ang payo ko sa yo, tapusin mo ang script, at isali mo sa kung anumang contest o pagkakataon ang magbubukas para sa mga katulad mo, gaya ng Palanca. Good luck!

JUN LANA said...

@pgrande Nakuha ko na ang entry mo, OK lang kahit magkasama ang CV at essay, walang kaso sa akin. Salamat.

iaPs aspillaga said...

Hi Sir. Naipadala ko na po ang aking CV at 1page essay kung bakit nais kong maging screenwriter. Maraming salamat po sa inyong interes na tulungan ang mga nagnanais magsulat.

- iaPs Ü

Anonymous said...

Hello Po Sir Jun,

More on Novel and book writing po ang crafts ko. Hindi ko alam kung pareho lang sila pero gusto ko pong subukan kong makukuha ako

lakandiwata said...

May 1 requirement lang: Dahil passion n’yo ang pagsusulat, kailangang may nagawa na kayong teleplay o screenplay- maaaring na-produce na o sinulat n’yo lang para sa sarili ninyo." sir one of your requirements is having a script made, unfortunately i don't write script. but if that's the necessary can i just write for now? gusto ko po sanang mag take nang chance...thank you sir...^____^...nag-palpitate po ako nung mabasa ko ung ad nio sa people's journal...kinabahan ako bigla...hehehhe

cj orbina said...

gusto ko rin sumali pero ung byahe eh, frm baliwag to manila,, hilig ko tlga ang mgsulat,, specially english poems, :)

neknek said...

Sir Jun Lana. Nakita ko po ang announcement na to sa sideline ko sa essays.ph. Nabuhayan po ako ng loob, pinipolish ko na po ang screenplay na matagal ko na pong sinusulat, gusto ko kasi isali yung sa cinemalaya noon..

Hinding hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito! Tatapusin ko lang po yun, tapos magpapasa na po ako ng CV!

Sana pagkakataon ko na ito. ^_^

H.Aguinaldo said...

Magandang araw po sir!

Interesado po ako sanang mapasama sa mentorship program na ito. I really have the passion for writing since ito po yung isa sa mga career options na kinokonsidera ko after I graduate college. I'm a student from UP Film Institute and most of my colleages say that screenwriting is my strength. Though I have this dilemma since I'll be conducting my thesis film for the next sem. Iniisip ko kung kakayanin ba ng oras ko. Pero gustong gusto ko talaga. And I believe this mentorship would be of great help sa pagdebelop pa ng screenplay ko. Nevertheless, susubukin ko pa rin ang pagsend ng CV at sample work before friday. Gusto ko talaga ito.

:)

Anonymous said...

Greetings, Mr. Lana:

Do you also accept screenplay entries written in English?

mher said...

pwede pa po bang magsubmit ng CV at essay hanggang sa mismong deadline (oct 15) ?

Anonymous said...

omg! nagbalik ka jun! sobrang hintay ako ng hintay sa updates ng blog mo..pls sana naman lagi kang may bago. i love your blog!

your fan from Los Angeles

neknek said...

Nako po sir Jun, kanikanina ko lang nakita yung midnight deadline.. sana nakahabol po ako. Kakasend ko lang po ng resume, gusto ko kasi itong iedit ng iedit sa pinakamaganda bago isend----> nagdadasal po ako ng matinding matindi ngayon.

Lubos na nagpapasalamat at nanananalig, Nika Layson.

Anonymous said...

kainis!nayon na last na submission. i'm ready to submit my essay kaso wla mako picture!! huhuhuhuhu

pilosopa tasya said...

payapang gabi mr.jun lana,i'm a college student and short stories po ang sinusulat ko, minsan po i got it published sa Liwayway... i hope i can try screenwriting..
maraming salamat po :)