Tuesday, June 29, 2010

hello

Nyek. Ngayon lang uli ako ng nag-blog. Ang dami palang nag-iwan ng messages dito. Kumusta na kayo- kung sino man kayo, at kung may nagbabasa pa ng blog ko. Sana masaya kayo, kung ano man ang nakakapagpaligaya sa inyo, basta hindi ilegal at wala kayong sinasaktang tao. Tanong nga sa Q&A ng isang gay beaucon na napanood ko: What makes you happy? Sa totoo lang para na-shock yung mga bakla sa tanong. Walang nakasagot nang maayos. Palagay ko, maraming tao, kasama na ako dun, hindi talaga alam kung ano ang makakapagpaligaya sa kanila. Nung bata ako, ang pangarap ko lang, magkaroon kami ng ref. Yes, ref. Para makagawa ako ng ice candy. Mahirap lang kami e. Para makainom ng malamig na tubig, bumibili pa kami ng yelo sa kapitbahay namin- si Aling Nora. Sa pagkakaalala ko, tanod din yata sa lugar namin si Aling Nora. May anak siyang nag-madre. Pero lumabas din agad ng kumbento kasi na-in love sa tomboy. Hindi ko alam kung nakilala niya yung tomboy sa loob din ng kumbento. Basta dumating na lang siya sa bahay nila kasama yung tomboy. Siyempre na-iskandalo si Aling Nora. Saka ang buong Salvatierra compound ng Sta Mesa. Araw-araw nagsisigawan sila ng anak niya. Tuwing bumibili na lang ako ng ice candy sa kanila, may pinagtatalunan sila ng anak niya. Minsan hinabol pa niya ng kutsilyo yung tomboy palabas ng bahay. Ako hindi ko maintindihan kung bakit sila nang-aaway, bakit hindi sila masaya, eh may ref sila! Nakakagawa sila ng ice candy! Siyempre bata ako, iniisip ko na basta may ice candy, masaya ang buhay. Ice candy ang rurok ng kaligayahan ko. Kaso Grade 4 na ata ako nung nagka-ref kami. Nung time na yun, iba na ang pangarap ko: game-and-watch. Yun ang PSP ng generation ko. Lahat ata ng kaklase ko, may game-and-watch. Ako, nakikilaro lang. So anong natutunan ko tungkol sa happiness bukod sa pagiging fleeting nito? Hmmm... Wala masyado. Naku wag kayong mag-expect ng life lessons sa blog ko. Trip ko lang mag blog ngayon. Sa dami ng ginagawa ko, naisingit ko pa talaga ang mag-blog di ba? Eh kasi, happiness ko rin ito.

6 comments:

Arvin U. de la Peña said...

welcome back sa pag blog..

Ate Sienna said...

direk, pinag-isip mo rin ako bigla kung ano ba para sa akin ang happiness. mabuti na lang talaga hindi ako sumasali sa mga gay beaucon, kundi, luz valdez ako sa sagot.

sige na nga, world peace na lang ang sagot ko.

Anonymous said...

Hi Sir Jun,

Finally, nag-blog ka rin ulit. Akala ko nakalimutan mo na kaming mga followers mo dito sa blog mo. Sana palagi kang mag-blog kasi nami-miss ko yung mga blog mo na humahagalpak ako sa tawa, 2 yrs ago pa yata yun

Pwedeng share ko rin yung tanong mo na "What makes you happy?"... Yun ay nang makita ko ulit ang HS crush ko sa Facebook acct nya...di ako nagkamali ng pagpili sa crush ko noon kasi lalo akong naglaway sa looks nya ngayon...sir Jun, sa tingin mo okay lang ba na mag-send ako ng message sa Facebook acct nya at mag-confess ako sa kanya na sobrang crush ko sya noon...hindi kami magkakilala pero di ba ako magmumukhang cheap pag ginawa ko yun? ano bang dapat kong gawin, pls help me...

Michelle Lana said...

Kuya, you're so funny. I loved ice candy. Parati din kaming nag tinda sa bahay. 25 centavos ata. Thank you for making me remember the good ol' days! Ingat Kuya. When can we hang out :)

Anonymous said...

Wala talagang mintis. Palagi talagang nakakaaliw basahin ang blog mo Jun! Wala talagang kupas, kahit may katagalan kang di nakapag post hehehe....

Mabuhay! At pagpalain nawa tayong lahat ng Maykapal!

noble and famous king said...

I remember nong bata pa ako, happiness for me is a TV, kasi grade 3 na yata ako nang magka-TV kami (lagi lang ako nakikinood sa kapitbahay namin). So now, I have 2 TV set in my small apartment.

Pero it's really hard to answer what makes me or someone else happy.

Pang-Miss Universe level na question ito.