Thursday, March 26, 2009

PAHABOL

Nakalimutan kong banggitin: may cash prize yung screenplay/s na mapipiling i-produce. Tumataginting na 100,000 pesos.

Di ba ang gandang incentive para magsulat?

Ipo post ko ang lahat ng detalye sa April 12. Ihanda n'yo na ang screenplays n'yo.

Good luck!

screenwriting clinic

After Holy Week ko pa mailalabas ang press release at ibang detalye pero para sa mga hindi na makapaghintay, eto ang dapat n'yong malaman. 1) Libre siya. 2) One week ang writing clinic. Bawal ang late, bawal ang absent, no excuses. 3) At ito ang pinaka-importante: Kailangang mag-submit ng unproduced, unsold and unoptioned original screenplay (yung mga nanalo sa Palanca at ibang writing contests, as long as unoptioned, pwedeng isali. PERO hindi dahil nanalo sa contest ang screenplay n'yo, hindi na kayo ookrayin ha.) Linawin ko lang uli: hindi storyline, hindi concept, at hindi treatment ang kailangan n'yong i-submit. Kundi buong screenplay.

Ang objective ng workshop: Maibenta at ma-produce ang screenplays n'yo (at i-launch ang inyong maningning na career sa pagsusulat hehehe).

May dalawang phase ang workshop: Days 1-5: Lectures re screenwriting, industry practices, at kapihan/tsikahan with filmmakers and producers. Pero siyempre ang pinakamahalagang part ng workshop eh yung masusing pagbabasa at pagbusisi sa screenplays. Day 6-7: Presentation ng bawat writer kung ano ang mga plano niyang gawing revisions sa screenplay- o kung ayaw niya (taray naman).

At the end of the workshop, at least one screenplay will be optioned for production.

10 slots lang ang available. Eh yun lang kasi ang kaya ng powers kong tutukan sa workshop. Good luck.

Monday, March 23, 2009