Friday, November 20, 2009

Graduation

Kasangga, Kakabakaba, Fantastikids, Mahiwagang Baul, Wag Kukurap, Larawan, Magpakailanman, Te Amo, Mulawin, Encantadia, Asian Treasures, Majika, Captain Barbell, I Love New York, Lalola, Zorro, Stairway To Heaven, Darna… hindi ko na maalala ang iba pang shows na hinawakan ko bilang head writer o creative consultant sa GMA. 15 years, kasama ang panahong pikit-mata akong nag-resign sa isang ad agency at nagsimula akong magsulat para sa GMA Telesine at GMA True Stories. Maganda ang kita sa advertising, pero mas gusto ko talagang magsulat ng kwento. Script. Pang TV. Pang pelikula. Andun ang passion ko. Kaya kahit ako ang breadwinner ng pamilya, kinalimutan ko muna ang mga responsabilidad ko. Minsan ka lang mabubuhay, kaya mabuting sumugal ka na di ba? Pagka-resign ko, nilibot ko isa-isa ang mga opisina ng Viva Television, GMA at ABS CBN. Nagsubmit ako ng spec scripts. Walang pumansin. Tapos nalaman ko sa isang kaibigan ng kaibigan ng isang taga-GMA na tumatanggap ng concepts ang GMA Telesine. Eh di linggo-linggo nag-submit ako. Siyempre, lahat rejected. Tapos isang araw, matapos ang matagal na pagkaka-exile, bumalik si Imee Marcos sa bansa. Nabalitaan ko sa isang kaibigan na naghahanap daw ng writers si Imee dahil gustong mag-produce para sa Viva. Siyempre nag-apply agad ako. Halos isang oras atang tumagal yung interview ni Imee sa akin. Actually hindi talaga interview. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga paborito naming pelikula. The next day, naalimpungatan ako dahil nagsisisigaw sa sobrang excitement ang mommy ko. Jun!!! Si Imee Marcos, nasa telepono!!! Akala mo nanalo kami sa lotto. Sa lakas ng boses ng mommy ko, siyempre narinig din siya ng lahat ng kapitbahay namin. At ni Imee sa kabilang linya. Habang kausap ko si Imee, nakasilip sa bintana ang mga amiga ng nanay ko, curious kung si Imee nga ang kausap ko. Gusto kong matunaw sa kahihiyan! Buti na lang, cool si Imee. Nagustuhan niya raw yung isa sa concepts na isiningit ko sa resume. Actually, isa yun sa concepts na na-reject sa GMA Telesine. Gusto niya raw iproduce. Pinasulat sa akin ang script. Ending, sa GMA Telesine rin pinalabas, at sabi pa sa akin ng taga-GMA, ba't hindi ka magsubmit ng iba pang concepts? Eh di sinubmit ko lang uli yung iba pang storylines na ni-reject nila noon hahaha. A year or two later, nanalong 1st place ang screenplay ko sa Palanca. Binili ni Direk Marilou Diaz-Abaya sa akin ang rights ng script nung mismong gabi ng awards. Nalaman ko na lang, GMA Films din pala ang magpo-produce. 15 years. Imagine. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nung senior year ko sa UST, kung saan ako nag-aral mula elementary hanggang college. 14 years din yun ng buhay ko. Ang GMA, 15. Mukhang ga-graduate uli ako.

15 comments:

marvin said...

15 years! wow! curious lang po. how old are you?

Anonymous said...

You're leaving GMA?!!! WHY?!!

Anonymous said...

lilipat po ba kayo ng TV5?? kasi si Manuel Pangilinan gustong maging bongga ulit ang movie industry, alam ko mas passion nyo ang movies kesa tv

sineasta said...

good luck po on your new endeavor!!!

sheilamarie said...

come to think of it panay rehash naman ang ginagawa ng gma, sayang lang ang talent nyo doon maybe it''s a good thing to leave! best of luck!

Anonymous said...

paano na ang darna?!!!!!

Arvin U. de la Peña said...

nabalitaan ko mula sa diaryo na umalis ka na sa gma 7..sa industriya ng showbiz ay wala talagang permamente..kung ngayon ay hinahangaan ang isang artista pagtagal ay hindi na dahil sa may bagong sisikat na artista..saan ka man lumipat na istasyon sana ay maging matagumpay ka pa rin..

Anonymous said...

I'm deeply saddened by your decision to leave GMA. I do hope na pa minsan minsan, submit pa din kayo ng script sa kanila.

TV5 ka na lang wag na sa ABS, mako corrupt ka lang dun-Glowie

Anonymous said...

Why, oh, why? HIndi ba pwedeng daanin yan sa maboteng usapan?

Ok lang to move to Ch 5, wag lang sa Dos, pls!

alice said...

maybe it's time!!! :D goodluck!!!

erl said...

kuya jun, good luck! but i know you have lots and lots of it! :)

Anonymous said...

Paano na ang Darna?

waaaaaaahhhhhhh

denver said...

...wow, ganyan pla tlaga ang pagdadaanan ng isang writer. kumpara sa kin na ilang rejections pa lng sira na ang loob ko.
...good luck sa magiging bago mong tahanan.

Mac Callister said...

andami mo na pala nasulat!and its nice to know that u have a blog!cool!

Anonymous said...

i'm a senior in UST now. sana ma-achieve ko din ang na-achieve niyo in 15 years time. =)