Friday, October 30, 2009

fairy tale for ugly kids 1

May isang parallel na mundo na kung tawagin ay Asaimus. Ang Asaimus ay parang earth. Para siyang mirror image ng mundo. Merong buildings, merong internet, merong banana q, merong chips ahoy, kung ano ang meron sa earth, meron din sa Asaimus. Ang difference: sa Asaimus, lahat ng mamamatay ay gumaganda. Merong ipinapanganak na pangit at maganda sa Asaimus, pero kakaiba ang ganda ng mga taong namatay na o yung mamamatay pa lang (lalo na yung may mga taning na ang buhay). Merong silang kakaibang glow ng kagandahan. Anyway, ang kwento ay tungkol kay Leildy. Si Leildy ay isang babaeng pagkapanget panget panget. Yes, ganun siya kapanget. Sa sobrang kapangitan, kapwa pangit din ang mga manliligaw niya (buti nga may nanligaw pa). Ang pinakamasugid niyang manliligaw ay si Wedr. Si Wedr ay isang unano. Isang unanong kuba. Lagi siyang nakabuntot kay Leildy kahit saan ito magpunta. Anyway uli, sawang-sawa na sa pagiging pangit si Leildy. Sa desperation, unti-unting nilason ni Leildy ang sarili niya hanggang ma-damage ang liver niya at magkaroon siya ng sakit na unti-unti niya ring ikamamatay. Binigyan siya ng taning na 1-2 years. Sa loob ng panahong ito, dahil sa may taning na ang buhay ni Leildy, unti-unti din siyang gumaganda. She lives her life to the fullest. In a short span of time, magkakarelasyon siya sa kung sino sinong lalaki. Mga modelo, mga artista, yung isa equivalent pa ni Pacquiao sa mundo natin. Pero matutuklasan niya na hindi sapat ang kagandahan para maranasan ng isang tao ang tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang walang kaparis na ganda ni Leildy, lahat ng makakarelasyon niya, iiwanan siya.

Sa kanyang deathbed, naroroon pa rin si Wedr, nagbabantay sa kanya.

No comments: