Sunday, September 06, 2009

Mars Ravelo’s Darna

Ibang klase ang fans ng Darna. Maabilidad. Mula yahoo hanggang facebook hanggang dito sa blog ko, nagpapadala ng comments. May ilan, pati cellphone number ko nakuha.
Nakakatuwa kasi talagang sinusundan nila ang show. Pero minsan, nagbo-boarder na sa pagka-stalker ang iba. Minsan may nag-text: Greetings po from Darnamites! Kayo po ba si Mr Lana writer/director na nakatira sa Ortigas?

Diba medyo kakapraning? Pati address ko, nakuha ata. Pakiramdam ko tuloy, magkamali lang ako ng konti sa paghi-headwrite ng Darna, may dudukot na lang sa akin bigla. Hello.

Sa totoo lang, sa lahat ng genres sa television, isa sa pinakaiiwasan ko
ang mag-headwrite ng mag-soap. Kahit sa pagdidirek, marami na akong tinanggihang soaps. Ibang klase ang commitment na hihingin sa yo nito. Halos wala ka nang buhay. Nakita ko yan sa isa mga kaibigan kong writers. Si Suzette Doctolero, nung buuhin niya ang Encantadia, halos isang taon naming hindi makausap nang matino ang babaeng yun. 24/7 wala siyang nasa isip kundi kung paano mapapaganda ang show niya.

Hindi inoffer sa akin itong Darna. In fact, wala ako sa radar ng mga headwriters na kino-consider para dito. Pero hiningi ko siya. Hiningi ko siya dahil na-challenge ako kung paano ito ikukuwento uli. Kung paano ito iibahin sa unang Darna.

Nagpapasalamat ako at napaka-open minded ng Ravelos. Bukas sila sa suggestions na inihain namin sa kanila. Kung ako talaga ang masusunod, mas gusto kong Narda ang title ng show. Kasi kilala na ng lahat kung sino si Darna. Pero yung probinsiyanang isinakripisyo ang lahat para maging isang superhero, palagay ko sobra siyang misunderstood; wala talagang nakakaintindi sa pinagdaraanan niya. In a way, kasing outcast siya gaya ng mga kalaban niya.

Ang una kong tanong dati: Kung ikaw si Narda at sinabi sa yo ang mga sakripisyong kailangan mong gawin para maging isang superhero, tatanggapin mo ba talaga ang bato?

Sa totoong mundo, kung ikaw si Narda, puyat ka na pakikipagbakbakan sa mga maligno, araw-araw ka pang nagda-diet dahil naturingang bikini ang costume mo tuwing magta-transform ka. Imagine kung me bilbil si Darna, kumusta naman yun? Tapos hindi ka pa pwedeng gumimik, at malaking goodluck kung makakarir mo pa talagang magka-love life. Sino naman ang gugustuhin ang ganung buhay?

Kaya dito sa pinakabagong reincarnation ng obra ni Mars Ravelo, tinanggihan ni Narda ang bato.

Ngayon, nauunawaan ko kung bakit naging obsessed si Suzette nung sinusulat niya ang Encantadia. Kapag mahal mo ang show, wala kang pinapalampas na possibility. Lahat ng pwedeng puntahan ng kwento, pag-aaralan mo. Pero nakakapagod! Direktor din ako, at kung ikukumpara ko ang pagod ng pagdidirek sa pagsusulat, masasabi kong milya-milya ang pagod ng paghi-headwrite ng show. Lagi kang nakatutok. Walang pack-up sa pagsusulat. Walang pahinga. Kahit pagtulog mo, dala-dala mo siya.

Sa tinagal-tagal ko bilang writer, kahit pa nung panahong sinusulat ko ang Jose Rizal, ngayon lang nangyari na may katabi akong notebook sa pagtulog ko. Kasi madalas, kahit antok na antok na ako, ang dami ko pa ring naiisip na ideas para sa show, kailangan ko silang isulat para hindi ko makalimutan. Kumakain ako, naliligo, jumejebs, Darna ang nasa isip ko. Nung isang gabi, alas sais na ako ng umaga nakatulog. Malamang hanggang February meron pang Darna, pero nagka-bright idea ako bigla kung ano pa ang pwedeng gawin sa franchise sakaling gawin uli siya. Tumambling talaga ako sa naisip kong idea. Pero saka na yun. Malamang after 4-5 years uli yun, at iba na ang hahawak. Ewan ko kung nasa TV pa ako nun. Kaya isi-secret ko na lang ang idea ko hahaha.

Eto lang ang gusto kong iparating sa fans ng Darna: Wala pong personalan. Trabaho lang. Basta ang promise ko, hindi namin papabayaan ang kwento.

At sa mga hindi mapakali at makapaghintay kung kelan maghahalikan sina Narda at Eduardo (dinagsa ako ng email tungkol dito!), ba’t naman kayo nagmamadali? Magyayari yun. Nang bongga-bongga with matching fireworks at parada!

PS
For the time being ni-limit ko muna ang comments sa registered google users. Yung iba parang me sapi eh. Scary.

23 comments:

Angelique FP said...

hahaha :)) direk Jun natawa naman ako sa mga nagtetext sa inyo. hehe anyway, good luck sa Darna :) hit na naman ito, for sure and congrats sa Tarot :)

jeicubs said...

I'll watch Darna na kse ikaw pala headwriter :)

Diosa said...

i ♥ the new Darna!

Sobra!!!!!

Galing ninyo, hanga ako sa takbo gng story at talaga namang kaabang abang!

Milo de Vriez said...

I loved the show because of its consistency about the story and the thrill whenever the show will start is there. I hope na makagawa ako ng mga ganyan kagandang story in the future. I have so many ideas in my mind but I don't know how to write a script kaya I can't write it. :( But, regarding about the show... KUDOS for you, direk. Keep it up. And by the way, madami po pala ang nagpo-protest about sa paggamit ng bracelet to deflect the bullets kasi wala daw sa original yun. Sabe nila, Darna is invincible to those kinds of weapons kahit wala na yung bracelet. Ciao.

mcgrayce said...

Hi Direk,
I just want to congratulate you for doing such a great job on this show. Everything about it is just totally awesome!! Big kudos to you & your co-writers! Thank you for making our beloved Pinay-superhero "more human" this time. Showing us all her self-doubt, fears, regrets and everything else in between. It made me love her even more!

So here's to more compelling story lines and high/er ratings!

Keep it up!

caroline said...

direk jun , for someone who have never watch darna before nor have read the story, i was so happy when i heard that darna will be shown on tv !!! i had to google darna to know the story but your version is way better!!!congratulations and keep up the good work!

Filpinas said...

You are doing marvelous in Darna. The story is a melange of drama, fantasy, sci-fi, action, and comedy. All the elements are blending well together. Each element is executed splendidly. Kudos to you and the whole team of Darna 2009.

LipstickCity said...

Wonderful DARNA story and thank you for sharing it to us! ...

Direct Jun have you been to Mark Anthony Fernandez forum thread in Pinoyexchange.com? Try nyo po basahin mga comments ng mga fans doon about Darna. Tanong nyo po kay Ms. Suzette D. alam po nya ang site na yun.

msroces said...

good morning sir! impressed talaga ako sa totoo, lang buti na lang at ikaw ang naging writer ng darna even si marian herself as i heard impressed sa writing mo (you can ask her for verification)kasi ang ganda ng flow ng story :) di naman kailangan na may kissing scene si narda at si eduardo basta maganda ang story at kung sakali man in the end magkaroon sila ng relationship i know na maipapakita mo iyon in another way na maipapakita nila ang love nila sa isa't isa. kudos to your writing sana di ka magsawa magsulat kung magkaroon ng project together ulit si marian at si dingdong sana ikaw na lang writer.

Canuto said...

eh bakit ung comment ko about the TAROT reviews, di mo inapprove, naka google account naman ako. hmpf!

ipapasipsip ko ang dugo mo sa Babaing Linta pag di mo pa inapprove 'tong comment ko.

Pero maganda talaga ang Darna.

Fan mo ako. May DVD copy ako ng Sa Pusod ng Dagat.

(pero di ako ang stalker mo. di ko alam cellphone number mo eh. pero alam ko sa ortigas ka nakatira.)

MsSeattleWA said...

I must say kaabang abang ang bawat epi. I like the combination of drama,comedy action all in one.
Saan ka pa makakakita nun?
Like ko yung bracelet scene para naman may gamit sya.

Congrats for making Darna a hit!
I'll be waiting for Tarot on DVD.

Thanks JL.

Glowie said...

I love how you handle the story! Wala kang itatapon. Sana ma sustain yung magandang story ng Darna. I can not miss an episode coz sa isang episode, hitik na hitik, so to speak (wow, ganda ng rhyming)!

raffya said...

Hello Direk Jun:

I just wanted to say how much fun the new DARNA TV Series is. It's definitely plotted and conceptualized well. We love the idea (and totally appreciate) of acknowledging the original comics continuity of Darna by having the 4 CLASSIC, Ravelo-Created Villains as her main adversaries.

The dialogue is well done and because of this, IMPY is our newest favorite Villain :-)

I love this whole twist of Roma about to bear Kobra's new mutant snake-people. The fight scenes are pretty good too.

Thanks for using the original version of Valentina for the 2009 TV series as well as the other classic foes.

One thing lang sana: DARNA does NOT deflect Bullets with her Bracelets because she's not an Amazon from Paradise Island. "Bullets & Bracelets" is a distinctively a WONDER WOMAN Gimmick. Darna does not have to use her bracelets for bullet deflecting because she;s already invulnerable. Yung Super-Strength and flying is cool. They're very general na powers naman. Pero yung Bullet Deflecting Bracelets is a UNIQUELY WONDER WOMAN element. If we are to claim that Darna is the "Original Pinay Superhero", its better to stick to Darna's own lore/mythology instead of grafting Wonder Woman's identity onto her.

There have already been many criticisms that Darna DAW is a Wonder Woman rip-off. Hindi naman totoo iyon. So sana hyuwag nang gamitin itong Wonder Woman ability with Darna. Thanks.

ayeng98 said...

Hey jun, I really liked this version of Darna, very tight and controlled and flow ng story pinagiisipan talaga, di basta isinalang na lang kung anik anik na kontrabidang walang katuturan dito inisa isa mo sila with matching background of their back story...pinagiisipan tlaga and for that I congratulate you as the writer headwriter for that matter of course Marian is my favorite biases aside...

Congrats again and I wont be tired watching it till February of next year..

Milo de Vriez said...

direk, what if ipasok niyo ang character ni efren sa darna, the original love interest of narda in the komiks, then later on eh malalaman na siya pala si captain barbell. :) para din medyo mawindang si narda kung sino ang pipiliin niya kina eduardo. pati mga tao, may choice. heheh.

raffya said...

Really enjoy the show. Love the pastoral setting, faithful to the komiks version of Darna. Love that you're using the ORIGINAL Mars Ravelo Villains for Darna. Great to see the first ever live action portrayal of BABAING LINTA.

I even like the premise: Darna needing to defeat the villains to reclaim her stolen powers. Im glad that it's NOT the "Mayaman vs. Mahirap" angle of the 2005 tv series.

JUST ONE THING:

Lose the "Bullet Deflecting with the Bracelets" routine!!

It shouldn't be used because this is a DISTINCTIVELY Wonder Woman element.

We hated the portrayal of Darna at Viva years ago because they went out of their way to make Darna a CLONE of Wonder Woman.

She isn't a clone. So let's please preserve DARNA's prestige and integrity as a Classic Filipino character. After all, she's supposed to be the "Original Pinay Superhero"

We'd love it if you guys mined the original Darna Komiks for more ideas instead of Wonder Woman.

Your 2009 Darna TV Series is very well done so it's not necessary to use Wonder Woman's trademark elements.

Ate Sienna said...

aba, at marami ka na palang entry ulit, direk, ni hindi ko alam. hindi kasi ako nakakabisita na madalas, naloloka ako sa mga manyika ko.

hemingweys, hindi ko alam na sa iyo pala ang DARNA. di ko inabangan before kasi isip ko, "what's new sa Darna ni Angel?" pero sige, aabangan ko na sya ngayon. so ang slant ba this time, more kay Narda than kay Darna? gusto ko ata yun. Oo nga, paano na lang kung may bilbil, hahaha!

Gudlak, direk! Na-excite tuloy akong hanapin mamaya lahat ng nakaraang episodes.

alimuom.atbp said...

direk, i love Darna just because its Darna! 'chos. now that wala nang Adik Sa 'Yo, ito na lang inaabangan namin ngayon dito sa Saudi.

one last thing, though. ayoko lang talaga kay Marian~ mas bagay syang babaeng Impakta.

MsSeattleWA said...

fyi


Quote:
Originally Posted by viper>
I highly commend Darna for using their teleserye in taking a strong stance in creating concern and to promote a

higher level of environmental awareness among their viewers, showing the importance of caring for trees.

Tonight's episode is one of my favorite-favorites.


Oh yeah! the episode tonight? I had some feel good moments with Narda and Eduardo's phone conversation scenes.


Kudos to Jun Lana! tonight's episode was just brilliant! you certainly have earned my respect. ...

Agree with you completely.
+++++

One of my fav epi as well. COngrats! Sana lang bawasan bawasan ng pag insert ng San MArino.

laughNtears said...

Mr. Jun lana

congratz po sa magandang feedback sa Darna..:D

kami po ay HIROYAN!

kung pwede po sana magkaron ng love angel si akihiro at si darna kahit konti..
whahahaha

tnx!

tc and God bless you..:D

JanuskieZ said...

Hi... Looking ways to market your blog? try this: http://bit.ly/instantvisitors

Jillian said...

Jun Lana, I love your version of Darna! Super! Ang ganda ng storytelling. Please continue to be a headwriter for future GMA soaps and films. Huwag ka magpa-pirate sa ABS-CBN huh! GMA needs you. Ipa-pirate mo na lang kung sino man ang sumulat ng Rosalinda - it sucks! At pwede ba, paki-advice sina Geoff and Sheryl na huwag masyadong OA pagnagagalit sila. Grrr.

競馬予想 said...

2010 競馬予想 各厩舎・調教師から届けられる最強の馬券情報を限定公開!本物の オッズ 表はコレだ