Thursday, March 26, 2009

screenwriting clinic

After Holy Week ko pa mailalabas ang press release at ibang detalye pero para sa mga hindi na makapaghintay, eto ang dapat n'yong malaman. 1) Libre siya. 2) One week ang writing clinic. Bawal ang late, bawal ang absent, no excuses. 3) At ito ang pinaka-importante: Kailangang mag-submit ng unproduced, unsold and unoptioned original screenplay (yung mga nanalo sa Palanca at ibang writing contests, as long as unoptioned, pwedeng isali. PERO hindi dahil nanalo sa contest ang screenplay n'yo, hindi na kayo ookrayin ha.) Linawin ko lang uli: hindi storyline, hindi concept, at hindi treatment ang kailangan n'yong i-submit. Kundi buong screenplay.

Ang objective ng workshop: Maibenta at ma-produce ang screenplays n'yo (at i-launch ang inyong maningning na career sa pagsusulat hehehe).

May dalawang phase ang workshop: Days 1-5: Lectures re screenwriting, industry practices, at kapihan/tsikahan with filmmakers and producers. Pero siyempre ang pinakamahalagang part ng workshop eh yung masusing pagbabasa at pagbusisi sa screenplays. Day 6-7: Presentation ng bawat writer kung ano ang mga plano niyang gawing revisions sa screenplay- o kung ayaw niya (taray naman).

At the end of the workshop, at least one screenplay will be optioned for production.

10 slots lang ang available. Eh yun lang kasi ang kaya ng powers kong tutukan sa workshop. Good luck.

5 comments:

Leonor Rivera said...

sir jun, pwede po ba sumali kahit wala sa pinas?

sana talaga pwede gusto ko kasi yung objective ng workshop mo. at willing ako gawin lahat kapalit ng hindi pag-attend ng lecture/discussion kasi gusto ko talaga mag-submit ng screenplay...thank you po.

Gram Math said...

will there be an online workshop for this one?

JUN LANA said...

lenor rivera> sorry. you have to be there to benefit from the workshop. bonus na lang yung contest.

JUN LANA said...

gram math> i'm very hands-on and really enjoy meeting new writers. i can't imagine doing an online workshop. it's so impersonal.

edmun said...

Mr. Lana, meron po ba nito next year? Wala po kasi ako sa Pinas but i really want to join. Pag meron kasi next year, ngayon pa lang magpapaalam na ako sa boss ko. Thanks po!