Monday, January 12, 2009

regalo

Kung hindi ako nagdidirek sa tv at pelikula, siguro nasa teatro pa rin ako, nagsusulat ng plays. O kaya nasa UST o UP, nagtuturo ng creative writing. Posible ring advertising ang kinabagsakan ko, gumagawa ng copy. Kung none of the above, eh malamang nasa Rustan's ako ngayon, isa sa mga tagabalot dun ng regalo.

Hobby ko ang magbalot ng regalo. Dati, nung dukha pa ako, dahil cheap lang ang gifts na afford ko, dinadaan ko na lang sa presentation. Sabi ng isa kong kaibigan, natunugan niya lang na bading ako nung pareho kaming magninong sa binyag at makita niya ang bonggang-bonggang pagkakabalot ko sa regalo ng inaanak namin.

May isang balikbayan box ako ng gift wrappers. Saka ribbons at iba't ibang burloloy.






Isa sa mga binalot ko.




Kinarir ko pati tag, in fairnez.


Eto pa:






Parang ang dami kong free time diba. Minsan kahit wala akong reregaluhan nagbabalot ako haha. Minsan nga pag napapagod ako sa pagusulat, ilalabas ko yung balikbayan box ko ng gift wrappers at bigla na lang akong magbabalot para ma-relax. Sabagay kanya-kanyang trip lang yan. Saka ang ikli ng buhay. Kaya dapat gawin lang natin kung anong makakapagpaligaya sa atin. Eh nagkataon, isa ito sa happiness ko.

Ultimate dream ko: Magkapag-gift wrap ng grand piano. Hindi nga. Todong happiness na yun!

11 comments:

Anonymous said...

cguro tito jun, mahilig ka din sa mga manika (dolls) noong bata ka pa! kakatuwa talaga ang mga gift wrapping mo, ang landi!

yun lang pero na-aliw ako! Ahahhaha!

Angelique FP said...

Sir Jun :) ang galing nyo po mag balot ng regalo :D

buti na lang po naguupdate na po kayo ulit :) nakakamiss po kasi magbasa ng mga blogs nyo ako po si angelique, yung naginterview sa inyo noon na avid reader nyo :D

aimiff said...

namiss ko blogs mo direk. panay ang check ko dito sa site mo for new posts!

eh yang mga gifts mo, mukhang sa wrapper pa lang eh ang gastos na! at kung ako ang makakatanggap nya, mukhang kahinayang buksan!

ako, trip ko ang magpaikot-ikot sa supermarket. di ko rin alam kung bakit. kahit halang P100 lang ang bibilhin ko, aabutin ako ng mahigit isang oras sa loob kakaikot at kakatingin ng kung anu-ano.

korek. kanya-kanyang trip lang.

AJ said...

WOW! Pede ng pang sideline yan ha..

*mrsMartinez* said...

Sir Jun ang galing -galing~ Super talentado ka pala~ Pati gift wrapping kinareer mo~ I agreed with Angelique~ nakakmiss magbasa ng blog mo~ kaya I posted a link sa site ko para malaman ko kung nag update na ba kayo sa blog niyo hehe~*feeling stalker* lol

markey said...

parang mas mahal pa ang pangbalot.... super sowsyal!!!

kalansaycollector said...

cool hobby. haha

Anonymous said...

Tama ka Rustan's nga ang dating!
Hindi pang Macy's kundi Nieman Marcus talaga.

Ate Sienna said...

ay, winner, direk! pang-rustan's ang gift-wrapping abilities mo. hindi matawaran. hehehehe

Anonymous said...

me kumpetisyon na si rachy cuna. hehehe. in fairynez, maganda zila (yung mga samples mo.)

Dima said...

Hi Jun,

Malamang hindi mo ako nakilala nung binati kita sa SM Hypermart sa Ortigas Ext. ba 'yun noong nakaraang December? Parang habang nag-uusap tayo (Saan ka nakatira, etc.) ay nababalot ang iyong isipan ng hiwaga kung sino ba 'yung kausap mo hahaha. Sige nga natatandaan mo ba ako? LOL