Tuesday, January 06, 2009

pirata

Buti na lang may blog ako. Dito ko na lang kaklaruhin ang kumakalat na tsismis. 2 days ago nagtext ang isang kaibigan kong nagbabakasyon sa Hong Kong. Nabasa daw niya online na lilipat na ako sa ABS CBN. Huwaw. Di ko na lang pinansin. Pero kanina, tumawag na yung kaibigan ko. May thread daw ako sa pinoyexchange.com. Basahin ko raw. Eh di siyempre na-curious na ako. Eto ang naka-post:

JUN LANA - LILIPAT NA sa ABS CBN 2?
Jun Nardo

Pinipirata raw ng ABS-CBN si Jun Lana na bahagi ng creative team ng GMA 7, na biglang naging box-office director sa movie ni Judy Ann Santos na Mag-ingat Ka Sa…Kulam! Eh, sa TV lang naman daw exclusive ang kontrata ni Jun pero pagdating sa movies, non-exclusive siya.

Kaya ang balita namin, thinking over daw si Jun sa offer ng Dos kung papatulan niya ito lalo na’t wala pa namang offer sa kanya ang Regal Films na bagong project.


Apparently lumabas pala ito sa tabloid. Abante ata. Ang kamangha-mangha, may mga pumatol at nag-react sa post.

Eto ang isa:

Baka nagpapa-presyo at nagpapansin sa Star Cinema si Jun Lana. Star Cinema has a lot of homegrown directors already, they should give them a chance. Tapos yung mga new directors naman na iba is usually galing sa mga advertising/commercial directors and even indie.

One hit pa lang naman siya from Kulam. I think he is the creative overseeing Obra and that show is definitely not on the same level as MMK.
ALthough, I dont doubt his talent, but ABS/Star Cinema has their own pool of writers and directors.

Pang Regal/GMA muna siya.


Eto pa:

^If he moves, it's obviously because ayaw na niya sa GMA, It takes two to tango ;]

At eto pa:

jusko sino ba naman ang makakatiis sa mga movies ng GME Felms na laging FLOP!!!

Kakawindang. Wala akong kamalay-malay, nahusgahan na ang pagkatao ko, nalait pa ako, pati GMA Films.

Hindi ko alam kung sino ang source ng balitang ito.

Kaya lilinawin ko na:

1)Sa December 31, 2009 pa mag-e-expire ang tv contract ko sa GMA. Kaya imposibleng lumipat ako anytime soon sa dos. Ang tanging project na nagagawa ko sa labas ng GMA, yung “Incredible Tales” na isang TV show sa Singapore. Dahil international yun, at hindi sakop ng kontrata ko.

2)Hindi totoong walang offer sa akin ang Regal pagkatapos ng Kulam. May exclusive 3-picture contract ako sa Regal na noong 1999 ko pa pinirmahan. Pangalawang pelikula ko pa lang ang Kulam. Kaya gustung-gusto ko nang gawin yung pangatlo para maging freelancer na ako. May dalawang project na binigay sa akin si Mother. In fact, bukas, may meeting uli kami para i-finalize ang cast nung isang pelikula.

3)Last December 29, sa isang meeting namin ni Mother, nagpaalam ako kung pwedeng simulan ko na ring i-consider ang ibang projects na ino-offer sa akin sa labas ng Regal. Tutal naman, patapos na rin ang kontrata ko sa kanila. Naintindihan naman yun ni Mother at pumayag siya. Actually last year pa, nakikipag-meeting na ako sa Viva. Medyo itinago ko muna yun kay Mother dahil baka hindi ako payagan. May indie rin akong gustong iproduce ng isa sa dating producers ng Jose Rizal. Pero lahat ito hindi ko masimulan dahil hinihintay kong matapos muna yung 3rd movie ko sa Regal. Kaso naisip ko, eh paano kung 1 year in the making din ito gaya ng Kulam? Sayang naman yung oportunidad na makagawa ng ibang proyekto. Kaya minabuti kong magpaalam na. Baka ito yung balitang na-pick up ng tabloid, at napalaki na lang.

Sa totoo lang, sabik akong sumubok ng kahit ano, ke indie o mainstream, basta bagong experience. Buong buhay ko sa industriyang ito, nakatali na ako sa isang istasyon. Kaya pagdating sa pelikula, gusto ko namang maging freelancer na. Dahil sa totoo lang, minsan sa halip na maging security, nakakasakal ang kontrata. Lalo na kung artist ka. Marami kang gustong gawin pero nalilimit ang outlet mo. Kaya eto, kinakarir ko talagang makipag usap sa ibang producers. Bukas na bukas na po ang tindahan 24/7. At hindi ko kailangang magpapresyo dahil wala namang lipatang mangyayari. Gusto ko lang sumubok ng bago.

Yun lang.

15 comments:

Anonymous said...

good for you, mr lana. tv and film would really be much better off without labels. no kapuso or kapamilya. just real talented people like you working for the industry.

katrabaho said...

Pero kung maiiwasan, wag na po muna kayo gumawa ng muvi sa gma. Bka ikasira ng karir nyo. Peace!

Anonymous said...

Goodluck sa projects! :D

T'reb Malate said...

pardon my ignorance, pero anu po ba yung mga projects nyo sa GMA na flop? or something that did not help ur career as an artist, for that matter?

i really pity people labeling GMA as second-rater compared to ABS. i think they shud watch tv shows and movies more often or at least read the broad sheet ng malaman naman nila ang latest sa mga ratings.

im an ABS-cbn fanatic pero inaamin kong mas bago ang mga ideya ng GMA think tank ngayon. kodus to them.

di ko na kailingan manlait ng wlang basehan jst to spite my fave network's rival.

pinoy nga naman.


sir jun, bkit pinalabas ulit yung obra ni JC de vera na macho dancer sya? naubusan po ba ng material? sana i feature ulit si sunshine dizon ng whole month!

world peace po.

Ronald said...

Gusto ko yung last line:
"Gusto ko lang sumubok ng bago"

Malaman. Tapos kung kakalikutin mo pa nang kaunti ang isipan mo, parang may gustong ipahiwatig na hindi sa surface-level. hehehe. Sorry, neurotic lang po.

AJ Salazar said...

Ano ba yan? Mga mapaggpaniwala na; sa TABLOID pa? HELLER?!

Ang creative outlet po ay walang BRANDING! Ke gawin sa KAPUSO O KAPAMILYA, is irrelevant..

AS long as it is good by its own merits!

Anonymous said...

hahaha nasama pa yung kinomment ko sa PeX... actually totoo naman sino ba ang makakatiis sa mga movies ng GME Felms (sinadya kong ganyang ang spelling for some personal reason) eh lagi namang FLOP.

mr. lana actually talented ka naman yun nga lang nakatali ka sa isang production na walang kwenta pag dating sa mga movies. try mo rin sa iba para mas maenhance mo pa yang talent mo.

goodluck sayo.

Anonymous said...

re: T'reb Malate

sa panahon ngayon nagpapaniwala ka pa sa ratings na mula sa AGB.

haller yung movie nga ng sinasabi ng AGB na Primetime King and Queen... ni hindi man lang umabot ng 100M sa box office to think na sila ang may pinakamataas na ratings sa primetime. hello One True Flop!!! mas kumita pa ang Supahpapalicious ni Vhong at Valerie... hahaha.

buti pa yung mga 20% lang ang ratings naka 170M+. si John Lloyd to think na ang Maging Sino Ka Man nya 20%+ lang pero tingnan mo naman kung ano ang narating ng A Very Special Love kinabog ang Primetime King and Queen.

yun lang... share ko lang po mr. lana.

Anonymous said...

Nag-aral ka ba sa UST high school Mr. Lana? Parang ikaw kasi ung kaklase ko dati...Magaling na writer kasi un...Kuwan nga lang....Parehas ng blog name mo hehehe...

mhiko said...

hi direk,
we haven't met personally pero idol ko na kayo..
may hawig yung nangyari satin..
marami talagang ganyan..
obviously,because of insecurities..
hindi naman magrereact ang isang tao kung hindi insecure!hehehe (personal thinking ko lang po!)for me,you are a very good writer and director..maraming opportunities for you!payo lang..wag ka tatanggap ng project from dos..i mean it dun ka masisira..(based on my experience!)anyway,goodluck po sa magiging movie mo!take care and godbless!sana makasama ko kayo sa ibang magiging projects nyo..

noreen said...

ay, akala ko pa naman makakasama na kita sa network. ehehehhe

sabi nga ni direk joey, siya ay hindi kapuso o kapamilya, siya ay katrabaho. tama naman...

pero hoping ako to work with you someday, kahit na magkatapat ang mga shows natin ngayon ;)

you will always be one of my fave teachers in UP. ikaw, si butch dalisay at si franz arcellana :)

JUN LANA said...

mangyayari din yan, noreen. magkakatrabaho din tayo. pramis. at tama si direk joey! hay naku. titigil na ako at baka kung ano pang masabi ko hehehe.

Anonymous said...

branding is not bad. and competition is good. it makes people strive to do better. Kung walang vilma nung araw, magiging malamlam ang karir ni nora. Kung walang Pepsi, hindi magsisikap si Coke na pagandahin ang kanyang produkto. Kung walang GMA, aakalain ni ABS na puro tama ang kanyang ginagawa. Dahil may branding, may kumpetisyon, may choice tayong mga manood. GMA ba o ABS? Star Cinema ba o GMA Films? Mabuhay ang Kapuso! Mabuhay ang Kapamilya! Mas marami, mas masaya. Panalo ang consumer!

the_empr3ss said...

kahit saan naman me piratahan nagaganap pero kung sa tingin mo na maganda ang opportunities bakit hindi. pero maganda na ang nasimulan bakit hindi mo duon subukin gawin ang pag babago.

Anonymous said...

sana po sa abs-cbn ka na lang kase overpaid pero not overwork dun.