Saturday, January 17, 2009

hula

Kung nagkataong may color blue ang pang-itaas na suot mo, at may letrang A o kaya E ang first name mo, para sa yo ang message na ito: Iwanan mo siya. Niloloko ka lang niya.

Joke lang.

Pero kung nagkataong swak sa yo ang description, malamang kinilabutan ka na. Malamang, may maiisip ka talagang nanloloko sa yo. Pwedeng jowa, pwedeng friend, relative, neighbor, at kung talagang praning ka, siguro pati pet nyong aso pagsususpetsahan mo.

Nitong mga nakaraang araw, madalas akong magpahula. May ginagawa kasi akong pelikula, at kailangan kong mag-research tungkol sa hula.

Isa sa mga istilo ng panghuhula na na-encounter ko, ganito:

MANGHUHULA: May nakikita akong letrang E sa buhay mo. Babae siya. Mag-iingat ka.

Sus. Kahit sino siguro, malamang may kaibigang babae na may letter E ang pangalan. Siyempre nagtanong ako.

AKO: Bakit ko po kailangang mag-ingat sa kanya?

MANGHUHULA: Pipikutin ka niya.

Muntik na akong masuka.

May iba namang manghuhula, aura ng isang tao ang binabasa. So nag-experiment ako. Nag-aktres-aktresan. Sa isang manghuhula, humarap akong mukhang problemado. Ang sabi ng manghuhula 1:

MANGHUHULA: May mabigat kang dinadala.

Huwaw.

At dun naman sa isa, nagpaka-Ms Friendship ako. Ngiting-ngiti from start to finish. At ang unang reading ng manghuhula 2:

MANGHUHULA: Magaan ang pasok ng swerte sa yo ngayong taon.

Hahaha.

Nonsense di ba? Hindi talaga ako naniniwala sa hula. Ni horoscope hindi ako nag-aaksaya ng panahong magbasa. Pero naiintindihan ko kung bakit marami ang nahuhumaling. Lalo na yung mga brokenhearted at walang trabaho. Kasi lahat tayo, naghahanap ng assurance. Assurance na may darating ding tamang tao para sa atin. Assurance na bubuti rin ang buhay natin.

Ang nakakaloka pa sa ibang manghuhula, huhulaan ka ng masama, tapos bebentahan ka ng pangontra. Yung isang kaibigan kong sumama sa aking magpahula, nagoyong bumili ng bato. Yes, bato. As in, ding ang bato. Kasi may mga dwende daw sa condo niya. In fairness, sosyal ang dwendeng yun ha, naka-condo.

Pero eto, ngayon ko lang isi-share. Gusto mo ba talagang magka-dyowa? As in gustung-gusto na parang pigsa ka nang puputok sa sobrang pangungulila? Pwes bumili ka ng chocnut, kainin mo, tapos yung balat, drowingan mo ng puso, saka mo hatiin sa gitna. Yung isang piraso ng balat na may kahalating puso, kainin mo. Yes, kainin mo. Tapos yung natitirang piraso, isingit mo nang palihim sa wallet o bag ng taong napupusuan mo. In one week, ma-i-in love sa yo ang taong yun.

Ayaw mong maniwala?

Parang pagpapahula lang yan. Ano naman kung susubukan mo? Walang mawawala. Eh kung magka-dyowa ka nga?

And finally, para sa peace of mind ng lahat ng butihing readers ng blog ko, lumikha ako ng pangontra laban sa lahat ng klase ng malas ngayong 2009 (including global recession). I-click lang ang matatagpuang salita sa ilalim ng post. Ingatan ang larawan. I-print at itago sa ilalim ng unan. At wag kalimutang halikan ng tatlong beses bago matulog para hindi mawalan ng bisa:

PANGONTRA

19 comments:

Edwin said...

natawa ako dito sa post mo.. salamat!

Anonymous said...

HAHAHAHAHAHAHA!

Anonymous said...

You never fail to amaze me. Ang galing mong magkwento at magpatawa. Kaya siguro magaling ka ring director. Chuck-chack! :) anyhow, you made my day kahit 18 degress outside. Thanks.

sanasinglekapahehe said...

nyeta!!!! mamamatay matay ako sa kakatawa!!! salamat 100x!!! sana dalasan mong magblog.

kenwajapan2 said...

kuya jun, wow buti naman nag ba blog ka na ulit the best pa rin wishing u all the best this new yeard

the spy in the sandwich said...

lupet! :) love this post, hehehe

emjay said...

tambling naman po yung pangontra
hehe

noreen said...

nagbabasa ako ng tarot card, gusto mo magpa-read? hehe

for fun ko lang naman ginagawa at nagkataon na nagkatotoo....

pero tama ka. people need assurance na gaganda ang buhay nila kaya naniniwala sila sa hula :

Boy De Jour said...

the technical term, actually, is cold reading. it's how "psychics" "read" people, looking for subtle reactions to verify or negate a broad conclusion, whetting it down to a very specific, very particular "prediction" of sorts.

i'm a psych major, that's why i know these stuff, hehehe...

interesting blog, sir! i enjoyed reading it.

Rei said...

naku jun, tawa ako ng tawang mag-isa kakabasa nitong "Hula" blogs mo, at syempre kinarir ko ang pagdownload ng pangontra. Ayun, ang saya ng mga ka-opisina ko bigla. Mabisa, in fairness. :)

Anonymous said...

can't wait for the next entry!

Anonymous said...

alam ko na kung bakit kinarir mo direk ang pag reresearch--ehem kaw pala ang gagawa ng TAROT movie starring MR and Dennis Trillo. gudluk po

Ate Sienna said...

DIREKKKKKK, anoba!!!!!!! talaga bang kapag pinrint ko yan mawawala ang kamalasan ng 2009? eh mamaya nyan matulad ako kay victor wood! mas lalo nang nawala ang karir... hellers!

eliment said...

hahaha...galing naman ng sinulat mo! nakakaaliw

Anonymous said...

Sa truelulu, wagi ang entry nyo tito jun, kaya lang may napansin ako, ung picture mo very formal ang attire at ang gwapo nyo dito (pwedeng makatanso, biro lang poh! hehe!) umatend ba kayo ng oscar awards?

regards po and i never fail to visit your amusing blog!

*mrsMartinez* said...

josko! lol~ Na iimagine ko habang binabasas ko ang tono ng salita mo

marygrace said...

hahahaha!ok ha exactly p ung dress and a,e s name ko kala ko tuloy totoo!tatawa tlg ko khit sandli lng nklimutan ko problem ko lalo n s pangontra mo hahahha!slmt ha sana mg post k p!godbless!

Duduy said...

:)) very enjoyable stuff that you have right here po. More plsss!

Anonymous said...

..bwahaha! akalain mung ntawa q dun?
and2 q s ofc at ksalukuyang tumtanggap ng mga tawag.. mganda 2 site,
prang stress releaver kkaenglish nmin d2, minsan nose bleed pa! haha..
kip up the gud work! -callgurl06