Friday, January 30, 2009

crisis management video

Niloko ka niya. Iniwan. Ilang gabi mo siyang iniyakan. At kahit sinasabi mo sa friends mong naka-move on ka na, sa puso mo alam mong may puwang pa rin siya. Hanggang isang araw, hindi inaasahan, nagkita uli kayo. Sa mall. O kaya sa church. O kung talagang minamalas ka, sa jeep. Guwapo pa rin siya. Nakakatunaw pa rin ang ngiti. Kung pwede lang, gusto mo siyang yakapin uli. In fact, kung magso-sorry lang siya, baka matukso kang makipagbalikan. Kaso... may kasama siyang bagong jowa! At sweet sila sa isa't isa, nagbubulungan, naghahagikgikang parang mga probinsiyanang birhen. Samantalang ikaw, nag-iisa.


Anong gagawin mo? Maghe-hello at magpe-pretend na ok? O magdarasal na sana kainin ka na lang bigla ng lupa?


Walang dapat ipangamba. Narito ang instructional video sakaling dumating nga ang araw na kinatatakutan mo. Panoorin at pag-aralang mabuti ang step-by-step demo ng mga bagay na dapat mong gawin oras na magkita uli kayo ng ex mo. Pramis, siguradong wagi ka dito.


11 comments:

Anonymous said...

the best ka talaga Sir Jun! -jayaureus@yahoo.com

Anonymous said...

naku paano kung sa mall nga kami magkita at gawin ko yang step-by step instructions na yan, worried ako baka maraming madamay na civilian kasi dami tao sa mall, pwede kayang yayain na lang mag-coffe sa starbucks at saka lasunin?

*mrsMartinez* said...

bwahaha napaka morbid naman niyan sir JUN~

Anonymous said...

YES. YAN TALAGA ANG GAGAWIN KO.
LECHE SIYA. MAMATAY NA SIYA AT ANG DYOWA NYANG KASINGLANDI NIYA!

the spy in the sandwich said...

this is the best, best, BEST, BEST blog post ng Kuwan EVER!

nyahahahaha!

thanks, jun! :)

madz said...

hahaha, wagi nga :)

Anonymous said...

hi mr. jun. aka: bob ong. wazzzzakkkkk!

Anonymous said...

hi direk. just saw you on the latest issue of yes mag. congrats for making it to the 50 most powerful celebrities! ikaw ata ang pinakabata sa lahat ng executives! taraaay!

Joaqui said...

I enjoyed the video so much! :) hahaha I was laughing so hard watching this. Thanks for sharing.

UrbanBoy said...

mainam to teh

magamit nga mamaya to sa kulugong nanloko sakin

Anonymous said...

u just gave a good laugh - from now on - idol na rin kita (aside from Gov. Vi etc etc)