Monday, October 13, 2008

sagot

Para sa mga nagtatanong.

1) sharon blanche said...
sa profile mo ung mga tsuktsak tienes eh in dutch do you speak the language? wla lang nman just want to know??
September 15, 2008 9:54 AM

SAGOT:
Hindi. But I love Dutch guys hehe. Miss ko na ngang mag-Amsterdam eh. Makabalik nga. Huwaw.

2) Anonymous said...
congrats po sa kulam!!! kelan po kayo magkakaworkshop uli??? :)
October 5, 2008 11:22 AM

SAGOT:
Baka hindi ko makarir mag-workshop dahil sa schedule ko. Ang plano ko, mentorship. Kukuha ako ng isa o dalawang writer na iti-train. 6 months silang sa bubuntot sa lahat ng meeting, brainstorming, taping at shooting ko. In short, hindi lang talent ang kailangan, kundi stamina. Lalo na’t puyatan to the max. At marami akong hihinging exercises. Kaya hindi ito para sa mga taong hobby lang ang pagsusulat. Para ito sa mga taong desidido talagang magtagal sa industriya. Baka itaon ko ang mentorship sabay ng shooting ng susunod kong pelikula. I-a-announce ko dito.

3) Anonymous said...
Hi jun. wat cn u say about Jessica zafra's very bad review of kulam?
October 13, 2008 9:47 AM

SAGOT:
Ambait pa nga ng review niya. May nabasa na akong review na mas malala. Sa clickthecity ata yun. Kanya-kanyang opinyon yan. Thankful pa nga ako na nagbayad sila para panoorin ang pelikula ko. Mas marami namang natuwa sa Kulam. Tapos kumita pa. Hello, magrereklamo pa ba ako? Saka ganyan talaga ang kalakaran. Pag naglabas ka ng pelikula, dapat handa ka. Hindi lahat, pupurihin ang gawa mo. Basta plano ko gumawa ng marami pang pelikula.

4)kengkeng said...
sana ganito kasaya magreview si nestor torre! wala ka bang column?
June 12, 2008 12:58 PM

SAGOT:
Nasagot ko na ata to? OK na ako sa blog. Wala pang censorship.

5) Anonymous said...
ha ha ha! funny! totoo bang maraming daw nahahada sa gym?!!!
April 22, 2008 1:57 PM

SAGOT:
Naman.

6) Anonymous said...
ikaw ba si bob ong?

SAGOT:
Ang dami nang nagtanong nito. Hindi sabi. Mas cute ako.

7) April 23, 2008 1:36 PM
Anonymous said...
sir, may naka-encounter ka b na same sex sa gym mo? just asking coz it is a normal occurence na sa mga fitness clubs e. accdg sa mga tao sa opis. i dnt go there e.
another question, naging type mo b si don michael perez b4?
btw, he was my teacher sa ricky lee scriptwriting workshop nung late 90's.. hehehe
May 8, 2008 4:23 PM

SAGOT:
You mean kung may nakasex na ako sa gym? Wala. Anobayun. Ba’t naman ako hahada sa lugar kung saan ako regular na nagwoworkout? Ampanget. Pagkatapos na lang ng gym. Hahaha.

Kaibigan ko si Don pero hindi ko siya naging type. Siya talaga? Di ko ma-imagine. Ikaw, type mo si Don? Talaga? Bakit? Hahaha. Joke lang, Don.

17 comments:

kengkeng said...

*palakpak* *standing ovation* talo pa miss universe! bilib!

alimuom.atbp said...

wahahaha! welcome back sa blogosphere direk. hope makuha ko autograph mo pag-uwi ko dyan...

Anonymous said...

It's good to know that you;re still very humble despite your success. Good luck on your future projects. Btw, I really enjoyed Kulam.

Trinity said...

hi sir jun, willing din po ba kayong mag-mentor online? nasa abroad kasi ako pero gusto ko sana magpa-coach sa yo sa screenwriting kahit through internet. lahat ng discussions at submission of exercises through internet. kung sakaling papayag ka, magkano naman ang magiging fees mo kasi interested talaga ako. thanks po and goodluck sa mga projects mo.

martin dapore said...

naging fan ako ng blog mo last week lang, at super ang saya lang talaga basahin. at parang mahal na kita. pede ba yun? hihi. :) ang cute mo pa. :)

Anonymous said...

hello magandang hapon. ukol sa mentorship kung may isang tao na mas nag le lean towards directing kesa pagsusulat ang interes. pero gustong gusto rin naman nya talaga ang pagsusulat, at marami rami rin namang kwentong malapit na umexplode sa utak nya di lang nya alam panu ilagay sa papel. i co consider nyo rin ba sha sa mentorhip program nyo?

nagbabakasakali lang.
maraming salamat

margaret

Joel Wijangco said...

Can't wait for the mentorship program. I imagine there'll be a mad scramble; and there's nothing more invigorating than a good stomp on the instep.

Anonymous said...

ngayon pa lang kinakabahan na ako sa mentorship program nyo. sana mapili ako.

yetkl said...

congrats direk sa success ng kulam... can't wait for the dvd!

Anonymous said...

Mr. Jun, very honest ang mga sagot nyo sa tanong. Iyan ang ikinagusto ko sa inyo. Talagang iba kayo! Beauty with a purpose!

ronald said...

sir! interested po ako sa mentorship. pano po magapply? kelangan po ba nanalo na rin ng palanca? maganda siyang idea na show--parang 'project screenplay' o 'the jun lana project', pero imbes na magdesign ng clothes o mangarag ng assistant para kumuha ng isusuot ng artista sa awards night, pagsusulat ang challenges. pero sinu kaya ang manonood ng mga taong nagbabatuhan ng ideya sa isa't isa? mga bakla sinu pa!! hahahaha, sa etc! o sa tv5, para mass-ified. :)

Anonymous said...

gusto ko rin yang mentorship program!

pinoychatter said...

pano po mag-apply sa mentorship na gagawin niyo? i love writing po!

Anonymous said...

Direk sana magpost ka ng tungkol sa Lalola. Nakakaaliw ang show nyo. Lalo na ang character ni Gary. Sobrang galing ni Keempee. Request lang please. Sana tantanan na ang patayan at kidnapping sa soaps!

Arvin said...

ang galing mo direk..pag nag internet ako para tingnan ang blog ko ay tinitingnan ko rin ang blog mo. ang dami ng post mo..ito po ang blog ko
www.arvin95.blogspot.com

mahilig din ako magsulat kaso hanggang dito lang ako..kung sa ibon mahirap ng makalipad ng mataas..good luck na lang lagi sa iyo at hayaan mo lagi pa rin kitang susubaybayan dito..

Anonymous said...

sir, would you be willing to read through some short stories and assess if they can be developed into a full feature/mainstream pinoy film? i have written a few stories and i wonder if i can share these with filipino screenwriters who can turn these into screenplays, and eventually, movies. thanks. look forward to your reply

arvin said...

hi direk, kumusta ka na..congrats po uli sa bawat tagumpay mo..