Saturday, October 04, 2008

kulam

Nung bata pa ako, lalo na pag summer vacation, halos araw-araw may naisusulat akong stage play o screenplay. Dati, naging hobby ko ang magbasa ng dictionary, at pumili ng mga salitang pwede kong gawing title. Yung una kong gay play, akala ng mga tao sinulat ko dahil gusto ko nang magladlad. Ang totoo, sinulat ko yun dahil natuwa lang ako sa salitang nakuha ko sa Tagalog dictionary: Kuwan. Na title rin ng blog ko.


Sa dami ng naisulat ko, literally meron akong baul ng scripts ngayon. Karamihan hindi pa napo-produce. Ngayon taon, dalawang lumang scripts ko ang biglang naproduce. Una dito ang “Torotot” na sinulat ko noon pang 1999. Nung bigla nga akong tawagan ni Direk Maryo J delos Reyes at sinabing matutuloy na raw ang “Torotot”, at tinanong ako kung may gusto akong irevise sa script, seriously wala akong maalala. Ni wala na akong kopya ng script, at siya pa ang nagpadala ng hard copy sa akin.


Pangalawa dito ang storyline ng “Kulam” na ang title dati ay “Mariang Hatinggabi” at sinulat ko noon para kay Direk Mel Chionglo. 7 years ago ata yun. Gusto niyang gumawa ng horror movie at si Maricel Soriano daw ang bida. Kaya kahit horror, dapat daw acting piece. Naisip kong gawin siyang kambal. Yung isa baliw. Kung di pa naman acting piece yun ewan ko na lang. Kaso walang nangyari sa project. Nung maging direktor ako, at hinihingan ako ni Mother Lily ng concept, isa ito sa pinadala ko sa kanya.


Grateful ako na kahit nagsisimula pa lang akong magdirek, hindi nagdalawang-isip si Judy Ann Santos na tanggapin ang pelikula. Malay ba niya kung ano ang kakayahan ko. In fairness napakagaling niyang artista. At alam kong sandamakmak ang fans niya. Eh dalawang beses papatayin si Juday sa pelikula. Baka awayin ako ng fans! Nangyari na yan sa kaibigan kong writer nung awayin siya ng fans ng Marimar dahil hindi natuwa sa itinakbo ng kwento. Kaya naman tinutukan ko ang project. Nung panahong ito, may offer sa akin ang GMA na magdirek soap. Malaking opportunity sana yun pero tinanggihan ko. Wrong move. Dahil halos isa’t kalahating taon ko palang pagdudusahan ang Kulam. Sa dami ng aberya, pakiramdam ko ako ang kinukulam. Minsan dumating ako sa set, walang production designer dahil nagkatampuhan daw ni Mother, kaya walang kalaman-lamang props yung opisina. Para lang matuloy ang shooting, umuwi ako sa bahay at hinakot ko lahat ng gamit ko para yun ang gamiting props. Yung climax na originally dalawang araw ko dapat kukunan, nauwi sa kalahating araw dahil nagkabuhol-buhol na ang schedule ng mga artista. Sa dami ng problema, kahit kami ng co-writer kong si Elmer Gatchalian, naging superstitious na. Sinisisi namin yung title ng pelikula sa dami ng kamalasang sinapit ng project. Actually nahawa lang kami kay Mother. Sobra siyang worried na baka may bad vibes ang title. Weeks bago ipalabas ang pelikula, ilang beses niya akong tinawagan, nagtatanong ng iba pang title. Eh nung time na to, yamot na yamot na talaga ako sa pelikula. Sabi ko kay Mother, para talagang safe, wag na lang kaming mag-title. Hahaha. Nabwisit ata sa akin si Mother, hindi na ako tinawagan. Tapos nalaman ko na lang, ang bagong title na pala ng Kulam ay “Mag-ingat Ka Sa… Kulam”. Huwaw.


Dumating ako sa point na gusto kong sabihin kay Mother na wag nang i-release ang pelikula at gawing straight-to-video na lang. Ang rason: Isang beses habang nag-e-edit kami, napansin ko may mga nawawalang eksena sa pelikula. Nalaman-laman ko, may naburang 45 minutes worth of footage. 45 minutes! Katumbas niyan, halos dalawang araw ng shooting. Ang daming nawawalang shots. Halos panay master shots ang natira. At yung iba, buong eksena ang nabura. Kasama yung dalawang crucial scenes sa ospital na hindi na kami pinayagang i-reshoot sa original location dahil sobrang mahal. Ending, sa lumang bahay kami ni Mother nag-reshoot. Buti na lang mukhang ospital ang bahay ni Mother. Yung ibang missing shots, di ko na rin nakunan, dahil nagbago na ang hitsura ng mga artista. In fact, kalagitnaan ng shoot ng Kulam simulan din ni Judai ang Ploning. Natapos, naipalabas, at napiling Philippine entry sa Oscars ang Ploning, hindi pa rin tapos ang Kulam.


Sa totoo lang, sa panahong ito, hindi praktikal para sa isang direktor ang gumawa ng pelikula. Mapa-indie o mainstream, hindi ka kikita. Lalo na siguro kung isa’t kalahating taon mong ginagawa ang pelikula. Sasama lang ang loob mo. Pero sa tinagal-tagal ko sa industriya, kahit gaano pa kalaki ang kinikita ko sa telebisyon, para sa akin iba pa rin ang paggawa ng pelikula. Ke nagsusulat ako o nagdidirek, ke mag-flop o lait-laitin ang mga gawa ko, pelikula talaga ang buhay ko.


Graded “A” ng Cinema Evaluation Board ang Kulam. At may victory party sa Regal ngayong Miyerkules dahil kumita siya. Pero sa totoo lang, mas ipinagpapasalamat ko na natapos din siya. Finally. Pwede na uli akong humugot sa baul ko ng ibang script na pagkakaabalahan.

17 comments:

solidjudai said...

direk anong eksena sa pelikula makikitang ung 1st pic? parang wala yun. congrats po sa kulam!

mhiko said...

congrats direk jun..
i hope makasama ko kayo kahit
isa lang sa magiging projects mo soon..
goodluck and more power..

Anonymous said...

congrats po sa kulam!!! kelan po kayo magkakaworkshop uli??? :)

john said...

congarts po sa inyo nakita ko po yong kulam na movie ang ganda maxado.

Anonymous said...

kaya pala ang tagal walang bagong post! :)

Ate Sienna said...

ay direk, natutuwa ako sa entry mo kasi nagbring back ka ng memories for me...

naaalala ko yung mga days kapag pinaguusapan ng mga showbiz connections ko si Mother Lily... talagang very superstitious yan sya, diba? Dati gustong-gusto nyang nakikita ang kapatid ko kasi kamukha raw ng asawa nya, si Father, swerte raw sa kanya kapatid ko. And who can ever forget the "magic kamison" na napasuot na ata sa halos lahat ng leading ladies ng pelikula nya dati?

I've seen her a couple of times nung nakakasama ako sa kapatid ko papuntang Regal. Aliw na aliw ako sa kanya. Kasi ang simple-simple lang nya pero ang business acumen nya hindi mo matatawaran.

Ilalagay ko sa "list of things to ask my sisteraka" ang pelikula mo. Siempre, winner :)

Anonymous said...

my dear dear jun, happy birthday! your talent is phenomenal and even way back in college i already knew you would be a great success. you have worked so hard at your craft, and great things have happened, and tremendous things are still in store for you. i am so proud of you!!! but know that you are also very fortunate. you are living a charmed life, my friend. keep up the passion and excellence! may God and his angels always watch over you. love always. -you know who-

TILTY said...

lola jun, kailan ba erereleased sa dvd ang roxxxane? lam mo naman mga lola mo na ofw hinihintay yan sa dvd like me...

alimuom.atbp said...

welcome back direk. at congrats sa "Kulam..." wish ko lang may DVD na available na dito para mapanood naman namin.

Anonymous said...

hi jun.. im a regular of "kuwan".. did you know that, for a while, your "kulam" entry was subject of (heated) discussions in the filmbug threads of maricel and sharon (and juday).. madalas mag-talo ang mga fans (matatalino ang iba sa kanila) ng dalawang ito.. nung may mag-post ng excerpt ng entry mo about "kulam" originally intended as "mariang hatinggabi" for marya, nagalit ang ilang sharonians (na kampi kay juday) at inakalang nag-imbento ang mga maka-marya.. i believe the debate ended when someone posted the link to your blog.. sosyal ang "kuwan" pinaguusapan! more power!

Anonymous said...

Hi jun. wat cn u say about Jessica zafra's very bad review of kulam?

http://jessicarulestheuniverse.com/

Tokugawa said...

Hi Direk Jun, iniisip ko lang, siguro kahit gaano pa katindi ang eco crisis, kapag gumawa ka ng pelikula para kay Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya na a la Brokeback Mountain, siguro panalong panalo ito sa takilya. Sana, kahit katuwaan lang, makasulat ka ng screenplay nito.

KEL said...

kailangan ko lang sabihin, na-miss ko ang blog mo. ang tagal mong nawala. kaya naman pala....

p.s. yung ofcmate ko mahilig manood ng pinoy horror movies, nasiyahan naman sya sa kulam. :-)

Anonymous said...

Uyyy, ang ganda, 13 comments na before my comment. Ang masasabi ko lang, there's comedy in tragedy. Napa-smile mo ako sa kwento mong ito. Medyo matagal ka din di nakapagblog ha! Congrats direk, you have a baul of gold in the making. Mwahhh! Mishu!

kids bedroom said...

Wow! Ikaw pala ang writer and the same time direktor ng KULAM? Congrats! You made it! I've seen the movie with my boyfriend and it was my first time and I said- "Aba! Nice tong movie nato. Sino kaya ang direktor at siya pa lang ang nakakagawa na Philippine Movie na horror na "matatakot" ka talaga. Ang sound effect, the story goes, and etc. So now, accidentally as I collecting blog urls, I found your blog. :) It's my pleasure to write here: CONGRATULATIONS!

-HT-
4oluse@gmail.com

Diwata said...

helo po.. na curious lang po ako dun sa part ng movie na the doll was called "anteguar". Was it made up or meron talagang research involved? Kasi i cant find any information regarding this anteguar eh. And im studying witchcraft so this info would be of great help... sana masagot po.. tnx

*funnybone* said...

congrats kuya jun?!!!!!!!!!!!!!!
galing- galing mo naman!!!!!!!!
keep up the good work and god bless and good luck!!!!!!!!!!!!!!!