Friday, July 25, 2008

small talk

Eto yung usapang wala lang. Pampalipas-oras. Pero effort.

Halimbawa, nagwawalis ka sa labas ng bahay, tapos biglang napadaan yung kapitbahay n’yo, bukod sa hi-hello, mandatory ang konting chitchat. Babatiin ka ni kapitbahay: “Nagwawalis ka?” Gusto mong sabihin, “Obvious ba?” pero siyempre magpapaka-nice ka, at dahil pressured ka nang makipag-usap, kahit kitang-kita mo yung bitbit niyang supot ng galunggong, prutas at mga gulay, itatanong mo pa rin, “Namalengke ka?” Siguro ilang minuto ring tatagal ang chikahan n’yo, pero sa totoo lang, wala talaga kayong pinag-uusapan.

Sa lahat ng pinakaayaw ko eh yung small talk sa mga reception ng kasal/binyag. Imagine, nag-abala kang mag-gown, maghanap ng regalo, tapos i-aasign ka sa isang table na halos wala kang kakilala. Talo mo pa ang niru-root canal! Lalo na pag yung katabi mo, sa halip na makipag-small talk, life story niya ang ikukwento sa yo.

Dapat ang small talk parang one-night stand. Ang difference lang, walang orgasm. Asa ka pa eh hindi naman nagpi-peak ang chikahan nyo. Panay foreplay. At ganun lang talaga yun. Forgettable. Walang commitment. Ang problema sa ibang tao, pag nakipag small talk, parang naghahanap ng bestfriend.

Nung istudyante pa ako, sobra akong stressed pag may nakakasabay akong kakilala sa jeep o bus. Dahil bukod sa small talk, mag-uunahan pa kayo sa pagdukot ng pera. At sa unwritten rule ng pakikipag-small talk, pag ikaw ang nilibre sa pamasahe, ikaw ang kelangang magdala ng kwentuhan. At siyempre, ang lagi kong opening line, kung ano ang obvious: “Ang traffic no?” Depende rin sa season, pwede yan maging: “Ang init no?” (pag summer) o “Uulan ba?” (pag rainy season).

Sa industriyang ginagalawan ko, ibang level ang small talk. Madalas, sino-showbiz ka na. Gaya minsan, may nakasabay ako sa elevator ng GMA, hindi ko sure kung taga-ibang department siya o reporter o PA ng isang artista pero pamilyar ang mukha, kaya nag-hi ako. Pwede namang nag-hi na lang siya pabalik, kaso chumika pa ang bakla:

CHICKADORA: Ang ganda-ganda po ng episode n’yo last week, ha! Naiyak ako!

AKO: Thank you. Anong show yun?

CHIKADORA: Yung hawak n’yo po.

AKO: Alin dun?

CHIKADORA: Ang gagaling nga po cast! Napa-clap talaga ako!

AKO: Ah talaga? Sino?

CHIKADORA: Sabagay magagaling naman talaga yun!

AKO: (At this point alam kong sino-showbiz na ako kaya ngumiti na lang ako)

CHIKADORA: Dapat i-submit n’yo po yun sa Asian TV Awards! Siguradong mananalo kayo!

AKO: (Ngiti uli pero kulang na lang malapit ko na siyang tirisin)

Pregnant pause. Ang bagal ng elevator.

CHIKADORA: Ambagal po ng elevator no?

28 comments:

Siege said...

Hi, Jun! Nagblog ka about small talk?

Anonymous said...

ha ha ha.. always worth the wait!

hastydevil said...

sir jun,

true na true ito.

minsan nga parang ayaw ko na lang makipag-small talk.

pero pag ganito naman ang style, masasabihan kang isnabera at masungit.

btw, un po plang powerbooks gc na pa-prize nyo sakin, di ko pa rin nakukuha. may expiration date po ba ng pagkuha un?

AJ Salazar said...

Hahaha that's so true. Those are the moments of your life your never gonna get back...

kalansaycollector said...

hahahaha.

sana makita ko rin kayo sa elevator ng gma since doon naman na ako nagtratrabaho sa news and public affairs. ;)

ang gagawin ko talaga hindi lang small talk! magugulantang at mahaharass kayo sa elevator. parang ganito...

ako: hi sir jun! ako po yung nagkokoment ng kung anu ano sa blog niyo. yung kalansay collector? kalansaysaaparador.blogspot.com po yung blog ko. matagal ko na nga po kayong hinihintay dito eh. buti na lang natiyempuhan ko kayo no? actually nakaabang lang po ako sa labas. gusto ko po kasing malaman niyo na ang ganda ng roxxxane. nagusher po ako run kasi kung hindi niyo alam kasama po ako sa artistang artlets... so magkaorg po tayo? hihi. ang galing no? small world? ayun po.... kayo baka gusto niyong magshare?

*ting*

lalabas na lang kayo ng elevator.

mrs.j said...

natatawa ko sayo kc!

...sir jun, pasensiya na kau...

:P

burrito said...

ang pag-comment din ba sa blog e isang uri ng small talk?

Anonymous said...

yan po ang gusto ko sa blog nyo. lagi akong nakaka-relate. kahit po simpleng topic like "small talk" nahihimay mong mabuti punto por punto. pareho tayong naii-stressed sa small talk. style ko naman ako ang tanong ng tanong para yung kausap ko ang magkwento. mas madali kasi ang magtanong kesa ang magsalita ng kahit ano

marty said...

funny as always! hehehe

the spy in the sandwich said...

bow!

:)

pero alam mo? naalala ko tuloy yung pizza place sa baguio. AHAHAHAHAHA! haaaay naku.

Anonymous said...

makasabat na . . . e yung small talk sa kasal, burol, at iba pang family gathering na . . ."Kailan ka mag-aasawa?" samantalang obvious naman kung ano ang sexual preference mo. Siyempre showbiz din ang sagot ng mga PLU - "Busy po sa trabaho eh" hay naku!

ROBERTO LUMEN said...

ang galing! nakakainis na nakakatuwa...

aimiff said...

i missed this!

marlon said...

ba't mo inalis yung profile pic mo? crush pa naman kita hehe

kenwajapan said...

direk, congrats and goodluck sa showing ng torotot ikaw pala ang sumulat. san mo kaya kinukuha ung mga ideas mo. ken here.

Ysip said...

jun, what a wonderful post at cinematic siya(i can just imagine the successive shots). however, i'd beg to disagree (just a bit) because i know that small talks can sometimes be meaningful. last night, on my way home nakatabi ko sa D train ang isang middle aged na babae. she was busy perusing her book and was obviously doing her homework on her way home. typical to sa mga working students just like me years ago. usually, may binabasa akong book or newspaper para maiwasan kong makipagtitigan sa ibang pasahero maliban na lang kung may kasakay kang beauty at mahirap i-ignore. yung tipong pagnahuli ka niyang tinititigan mo siya, bigla mong kakabigin yung tingin mo pretending na iba ang ina-eyeball mo na parang wala lang, but truth be told ay buking ka. pero madalas din di mo maiiwasang makibasa sa binabasa ng katabi mo dahil naiwan mo ang punyetang libro sa drawer mo dahil muntik ka nang mahuli ng boss mo. ako nga pag=alam kong nakikibasa yung katabi ko tinatagalan ko muna sa page bago ko i-turn to the next one at pinapikaramdaman ko kung tapos na siyang magbasa. reading should be a shared experience after all. so, hindi ko naiwasang basahin ang binabasa ng ale. she seemed stumped on one question, an algebraic equation. i could tell she was worried. i wanted to grab her pen and write the answer for her. nanoticed niya binabasa ko yung binabasa niya. "do you know the answer to this?" napatango na ako. so, inexplain ko sa kanya yung steps ng computation. tapos nagtanong din siya about fractions kung kelan ba binabaligtad , sa multiplication o division? - it doesn't usually go beyond 20 mins from herald square to 125th st. "how far are you going?", she asked. "gotta get off on the next stop, ma'am!" "i wish i knew how to thank you enough." "the pleasure is mine. and don't worry, you're gonna make it." she reached for my hand and clasped it tightly. i knew what she meant. i have seen her before. maybe not her, but another middle aged single mother. she was in my film class. she took it as an elective. i don't think she ever missed a class. come rain or shine. i could tell she was dozing off at times whenever the lights go out as the professor proceeds to show the film. she told me how she raised 4 children all by herself - all of them college graduates. she said, it was her time, her turn to learn in a classroom setting, which she wished for herself, but never quite got the chance to do so because she got pregnant at an early age. again and again, year after year, until her husband left her for someone else. i told her with what she had gone through, she should feel entitled. at the end of the semester i said goodbye to her. i told her i know she's gonna make it. i still wish that i gave her my number so she could have called me to let me know when she graduates. last i heard, she did. i wish that i had been there as a witness. papapalakpakan ko siya kahit hanggang mamula ang mga palad ko.
i wanted to tell you about this other passenger the other day, but this would not be "small talk" anymore.
Way to go idol!

cookie-sweetie said...

naku sir jun totoong totoo yan! pag babae ka namang katulad ko ang unang itatanong sa iyo eh kung me bf ka na... tapos pag sinagot mu naman ng oo eh kelan ang kasal o kaya naman pag me asawa ka na eh kung ilan na ang anak niyo... hay naku never ending at walang katapusang chikahang walang kwenta at nakak imbierna!

cookie-sweetie said...

nakupo sir jun talaga naman true to the fact yang small talk niyo! pag babae naman ang unang tanong if me bf na... at pag oo ang sagot eh kung kelan ang kasal. O kung me asawa naman eh kung ilan ang anak. sometime people are too insensitive to ask this very personal questions and they don't know how to respect people's privacy... anu ba ang tamang isasagot sa mga katanungang ayaw mu sagutin lol nagtatanong lang...
michelle

cookie-sweetie said...

grabe sir jun!
para akong loka- loka na tumatawa habang binibasa ang iba't ibang topic sa blog mu. As in, nabasa ko ang buong blog mu oh-k di naman talaga lahat pero hanggang dulo eh tiningnan ko... super duper galing niyo talga mag sulat! all praise...
michelle

Spanky Solomon said...

ui! napanood ko ung latest episode niyo ha. ang ganda-ganda! nadala ako sa acting nung bida. tsaka ang ganda ng script! hahaha!! nice post. =)

Anonymous said...

hey Mr. Jun, kung baga sa tinapay, ina-amag na ang last post mo, wala pa bang bago? naiinip na kami eh! hahaha!

Michelle Lana said...

Hey Kuya, how's it going? sorry I haven't visited in a while...Hope you're well!

dodong said...

very brilliant post. i like it. i'm a fan from now on. keep it up!

dodong said...

brilliant post. i like it. i'm a fan from now on. Keep it up sir!

hanni m. said...

direk jun musta po.. ngtext po ako dunno if un pa num mo po.. gusto ko sana ng copy ng roxxxanne out npo ba sa market? hihi ingats.. lapit na bday natin ulit

sharon blanche said...

tagal ng new entry!!! but always entertaining....
galing mo tlaga mag sulat kahit na super ewan lang ang subject nagagawa mo'ng kasiyasiya...

sharon blanche said...

sa profile mo ung mga tsuktsak tienes eh in dutch do you speak the language? wla lang nman just want to know??

the nomad said...

that paragraph which mentioned someone you know traveling with you is a much dreaded event whenever i commute.

hay. reticence is bliss.