Sunday, June 15, 2008

the ring

Sabi ng friends ko magpalit na raw ako ng cellphone. Bakit kaya?


Hahaha. Cellphone ko yan 5 years ago. Sobrang favorite ko kaya tago-tago ko pa. Yung gamit ko ngayon, medyo jurassic na rin.

Hindi talaga ako mahilig magpalit ng model. Hindi rin ako mahilig mag text. O mag-check ng text. Bilib nga ako sa mga taong pag tinext mo, nakakasagot agad. Eh ako madalas nasa bag ang cellphone, naka-silent pa.

Dati, gigil na gigil sa akin si Mother Lily pag hindi ko nasasagot agad ang tawag niya. Eto yung panahon na lima-lima ata ang cellphones ni Mother. Minsan sa gitna ng meeting namin, sabay-sabay na magri-ring lahat. Sabay-sabay niya ring kakausapin. Yung isang kausap, maririnig mo, minumura niya. Yung isa, kinakantahan ng happy birthday. Siyempre meron din siyang ini-Instik. Tapos minsan magri-ring din yung landline, at sasagutin niya rin yun. Mamaya gulung-gulo na siya kung sino ang kausap niya. Yung may birthday minumura na niya, at yung kaaway kanina bigla na niyang kinakantahan.

Nung bata ako, sobrang traumatic sa akin ang paggamit ng telephono. Hiwalay ang parents ko, at araw-araw pag bakasyon, Lunes hanggang Biyernes, ako ang inuutusan ng mommy kong tawagan ang daddy ko sa office para humingi ng pera.

Sasabihin ng daddy ko, walang pera. Pagbalik ko sa mommy ko, magagalit siya. Tawagan mo uli ang daddy mo at sabihin mo sa kanya, ang dami niyang kotse tapos wala siyang pera? Gago siya, gago, gago! At para eksakto ang sasabihin ko, isusulat pa ng mommy ko sa papel lahat ng pagmumura niya sa daddy ko para basahin ko sa telepono.

Alangan namang hindi ka sumunod. Eh di babasahin ko yun sa daddy ko. Papa, sabi ni mama gago ka raw. Gago, gago, gago… po. At least magalang di ba? Saka walang emotion para maintindihan ng daddy ko na hindi ako ang kaaway niya. Kaya isa sa favorite actresses ko si Jacklyn Jose. Nakaka-relate ako sa underacting technique niya. 8 years old pa lang ako na-master ko na yun. Pa, hayup ka raw. Magsama daw kayo ng kabit n’yo sa impiyerno… po.

Siyempre kahit anong galang ko, magagalit din ang daddy ko. At mumurahin niya rin ang mommy ko. Ma, sabi ni Papa gaga ka rin daw. Gaga, gaga, gaga… po. Eh di lalong titindi ang away. Talo pa nila ang nagpi-pingpong. Ako yung bola.

Buti sana kung may sarili kaming telepono. Kinse minutos ang nilalakad ko papuntang palengke para lang makitawag. Hindi ako pwedeng mag-tricycle kasi sakto lang sa pambayad sa telepono ang dala kong pera. Imagine, trenta minutos ang roundtrip. Nakakailang balik ako, at minsan tinatakbo ko pa pag tanghali para maabutan ang daddy ko bago mag-lunch break. Minsan gusto ko nang mag-collapse sa sobrang pagod at ngarag. Kaya hate ko ang bakasyon nung elementary ako. Pero in fairness, dahil sa training na yun, tuwing may sportsfest sa school, ako ang laging pambato pag may marathon.

Ambilis ko kayang tumakbo.

22 comments:

kalansaycollector said...

panalo.

hay buhay nga naman. ako naman yung cell phone ko nagmamakaawang palitan ko na raw siya kasi naman pag nagchacharge niloloko ako paminsan na puno na siya yun pala one bar na lang at kapag tinatawagan suplada namamatay bigla. eh good luck. bilang isang fresh grad na napasok sa mundo ng media na kailangan na kailangan ang cell naloloka mga sp at ep ko kapag hindi nila ako makontak. shet baka masisante ako dahil doon.

Anonymous said...

i'm falling in love with your writing. and maybe with you as well. ;)

hastydevil said...

tawa ako ng tawa. candid!

Danica said...

TAWANG TAWA PO AKO SA ENTRY NA 'TO
NASIGAWAN AKO NG NANAY KO DAHIL SA KAKATAWA KO

Richard the Adventurer said...

Ganun talaga....

Kailangan syempre makisabay sa uso...

Hello po Jun!

Anonymous said...

oo nga naman po mr jun, talagang nakaka-aliw ang entry nyo na ito lalo dun sa parte na tinatawagan nyo ang daddy nyo!

Tanong ko lang po, ano po ang reaksyon ng mga nakakarinig sa inyo sa palengke? just curious lang po, hehe!

thanks po mr. jun dahil napaligay nyo na naman kaming mga readers ninyo!

f i l l i b u s t e r o said...

bwahahahaha... po.

Anonymous said...

that was touching. i hope u've stopped running away from whatever nightmare or demons these episodes unleased...and oh happy father's day. :)

bebot808 said...

bongga ang karanasan mo day ha!!..xoxo

maroon said...

sobrang naaaliw talaga ako pag nababasa ko ang blog mo... akala ko nakakatakot yung entry mo.. kasi the ring yung title.. hehe

ako rin.. jurassic ang cellphone ko.. naalala ko dati.. sinabihan ako ng kasamahan ko sa office (well.. parang assistant ko) na pag sumuweldo daw sya.. bibilhan daw nya ako ng bagong telepono para di daw masyadong nakakahiyang tignan.. ang punto ko naman.. basta nakakatext.. nakakareceive ng calls.. ok na yun.. pero mukhang malapit ko na iretire ang telepono ko, kasi naghihingalo na sya minsan eh. :(

Anonymous said...

malungkot ang kwento mo. kung nakilala kita nung araw pa, siguro aampunin na lang kita. pero masaya naman ang "married" life mo ngayon. at least, love smiled at you.

JUN LANA said...

anonymous (june 19), that is the sweetest comment! thanks!

anonymous (june 17), onga pala, father's day ng ipost ko to. happy happy father's day to my mom. saka siyempre sa daddy ko na rin.

anonymous (june 16), monotone ako magdeliver ng line sa daddy ko, para ngang si jacklyn jose. minsan sinasabayan ko pa ng ngiti. para isipin ng mga taong nakapila sa likod ko, nakikipag tsismisan lang ako. magaling ako diyan. hanggang ngayon talent ko yan. marami akong kwento tungkol sa sari-sari store na tinatawagan ko dati. artista ang may-ari nun. at ang sungit!!! next post ko na yan ichichika.

hastydevil, nasa akin pa rin ang prize mo. check your mail.

anonymous (june 15) huwaw! yun lang.

salamat sa inyo! :D

Kimraiza said...

this is by far the funniest blog i've read! haha i kept on laughing my kuya gave me a raised brow! sobrang enjoy! this is sooo going to my favorites! :)

gibo said...

naaliw ako sa kwento. nalungkot din...po.

mrs.j said...

i remember my papa post!

hay p well.. nicely done..

bet ko cryola ka while typing choz!

Anonymous said...

kaya lang ang tagal mag-update ni kuya jun ng blog nya! i'm sure hectic ang schedule nya! hahahaha!
tama ba ako kuya jun?

jeremy said...

sana you already had a regular column. so we won't have to wait too long for your next post! :c

kat said...

lol. i enjoyed this post a lot. :)

romy said...

hey mr. jun, kailan ba talaga magbubukas ang tindahan mo? bankcrupt na ba? joke lang po!

seriously, sabik na kaming mga readers mo sa susunod na ipo-post mo! hahaha!

kapamilya said...

direk may nagpapatanong lang po. exclusive ka pa rin ba sa regal? pwede ka bang magsulat/mag-direk sa iba?

meganhahaha said...

sheeeet, natawa ako dito as in!

Anonymous said...

direk sobrang busy mo naman. magpost ka na uli. please!