Tuesday, April 15, 2008

up workshop

Nung 1994 natanggap ako sa UP National Workshop. 2 weeks kami sa Baguio. Sa umaga nasa workshop, sa gabi naglalasing. O kunwari naglalasing. Eh di ba ganun ang trip pag bata ka, kunwari tipsy, para next day kunwari hindi mo maalalang hinalikan ka ng crush mo na akala mo super straight. Eh semi straight pala syet. Saka hindi naman talaga yun halikan. Smack lang. With tongue.




Sa workshop noong 1994 ako unang nakakita ng multo. Saka naligo sa ulan sa Burnham Park. Dun ko rin unang nakilala si Auraeus Solito kasama ang jowa niya- na in fairness, cute. Lagi silang makaholding hands. At minsang gumimik kami sa Spirits, naghalikan pa sila sa harap ko. Dahil closeta—o semi-straight—pa ako nun, na-iskandalo ako kay Auraeus. Tapos nalaman ko, taga-Sampaloc din pala siya, halos magkapitbahay kami. Pagbalik ko sa Manila, madalas tumatambay na ako sa bahay niya. At sa bahay ng iba ko pang nakasama sa workshop.




Nung imbitahan akong sumali sa UP Workshop ngayong taon, hindi ako nagdalawang isip. Lahat ng deadlines, lahat ng trabaho, inusog ko. Nung hindi ko maiusog, tinakasan ko. Kaya ngayon wanted ako.




Kumustahan ang workshop. Writers in mid-career. In short, ngayong tumatanda na kami, ano ba talagang plano namin sa buhay namin? Siyempre ako mas concerned ako sa outfit na isusuot ko araw-araw sa workhop. Hello, Baguio yun, may excuse akong mag-scarf! At kumarir ng buhok. In fact, limang klaseng hair wax ang dala ko. Medyo nahiya lang ako nung may makapansin na ang dami kong dalang sapatos. Kaya hindi ko na sinuot yung isang pares. Baka isipin hindi ako serious writer.





Pero eto ang totoo: sobra akong nagpapasalamat na napasama ako sa workshop. Lahat ng hinahangaan kong writers, andun. Lahat sila, nag-abalang basahin ang sinulat ko. At nagbigay ng opinyon. Ang dami kong natutunan. At ang lalong nakakatuwa, ang dami kong naging bagong kaibigan.

9 comments:

Allan Lopez said...

Ang ganda naman ng kuha mong larawan ni Atty. Pichay. Puwede bang hiramin para ilagay sa writersbloc website?

JUN LANA said...

hi allan, yung pictures nina nick at vim, galing sa workshop. pwede mong hingin ang kopya kay nick. :D

droidz said...

congrats po direk!

kalansaycollector said...

ang saya naman.

sana makaexperience ako ng ganito. hehe

Anonymous said...

ang saya, parang pag ganyan ang mga images mo ng isang writer, gusto mo na ring maging writer by profession! sayang hindi tayo nagmeet nun 1994 :)

Multifuncional said...

Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Impressora e Multifuncional, I hope you enjoy. The address is http://impressora-multifuncional.blogspot.com. A hug.

f i l l i b u s t e r o said...

lupit naman.
sana ako rin.
makapunta ng baguio.
para makapag-suot ng scarf.
hanggang ankles.

mrs.j said...

wow one of the pipz der was our thesis adviser, sir ralph!

hay.. i love baguio!

Ate Sienna said...

so, modir, kelan ko mababasa ang mga gawa mo? ching!