Monday, April 21, 2008

gym

Usually umaga ako nasa gym. Para konti pa ang tao. Pag 6 pm kasi ang dami nang rumarampa. Sa dami ng tao parang gusto mong mag-request ng traffic light. Saka fashion police. Ang daming babaeng naka-body suit with matching legwarmers at wristbands. Kulang na lang belt (o kaya shoulder pads, why not!) pwede ka nang mamigay ng award for best in costume. Jane Fonda eez dat yu? Or eez dat yu Olivia Newton-John? Sabagay, nung una din kaming mag-gym ng mga amiga ko, mas napapagod kami sa pagsa-shopping ng outfit kesa sa pagbubuhat ng weights. Isang beses sobra naming kinarir ang pagiging color-coordinated. Talo pa ang star rangers. Favorite show ko to dati sa RPN 9 nung bata pa ako. Red 1! Yellow 3! Green 5! Ayun, nagmukhang kaming christmas tree.

Ang hindi ko talaga maintindihan, eh bakit may mga babaeng kinakarir mag-make up sa gym? Tapos retouch nang retouch pag pinagpawisan. May isa akong donyang nakakasabay lagi sa gym, pati kilay kinakarir. Isang beses pagkatapos niyang mag-retouch, paglabas niya ng CR, mas mataas yung isa. Akala tuloy ng mga tao nagtataray siya. Eh ikaw ba naman ang magdrowing ng kilay pagtapos mong mag-bodyjam. Nakakahilo yun a. Ako nga kulang na lang gumapang pauwi sa sobrang pagod, magdrowing pa talaga ng kilay?

Nung may trainer pa ako, sabi niya sa akin mas nakakagigil daw magbuhat ng weights pag nakikinig ka sa music. Importante daw ang gigil. Eh yun ang wala ako. Kaya napabili ako ng ipod. Kaso pinuno ko ng emote songs. Tuloy, sa halip na manggigil medyo nateary eyed pa ako habang nagba-biceps curl sa Hopelessly Devoted To You.

Ngayon may bago na akong motivation sa paggi-gym. Doon ko pinapanood ang “Barefoot Contessa”. Talo ko pa ang uma-attend ng cooking class habang nagti-treadmill. Kanina lang natutunan ko kung paano gumawa ng potato pancakes. At meron pang tips kung paano gumawa ng isang bonggang picnic basket. Fabulousness!

Para sa lahat ng mga nangangarir mag-gym, eto lang ang masasabi ko: Girl, wag OA. Sabi nga ng idolo kong si Mika...

8 comments:

Anonymous said...

tol..sabi nila if ur able to read a magazine or even watch something sa ipod mo while doing the treadmill, that means ur not maximizing ur effort sa pagtakbo or paglakad...ul get more results by just listening sa ipod mo hehe

Anonymous said...

ha ha ha! funny! totoo bang maraming daw nahahada sa gym?!!!

Marcus: Bading Down Under said...

Hahaha. I agree with your observations.

Parang gusto kong sabihin sa mga ghurls, "Hija! Blackheads ang labas mo if you wear too much Revlon." - especially sa mga "Golden Girls" who are on the prowl for a dip on the side. Kalokring...

rica said...

As usual, tawa na naman ako ng tawa sa post mo! Alam mo ba na I watch Barefoot Contessa everyday??? Kahapon gumawa siya ng roast turkey atsaka creme brulee. Gagawin namin ng daughter ko today. Kaya lang wala ako nung blow torch na maliit para gawin yung burnt sugar sa taas ng brulee so medyo sosyaling leche flan ang dating ng version namin.

Anonymous said...

ikaw ba si bob ong?

mrs.j said...

wala akong masabi natatawa ako.. hhahaah!

Ate Sienna said...

ay... kung nareretouch ang mga girlette ng mga muk-ap habang naggi-gym, ibig sabihin nun, modir, hindi hulas-proof ang mga gamit nila.

pero true, kasi dapat kahit na nagpoproject ka ng pawis at effort kang mag-threadmill dapat beauteous ka pa rin eh. pero wit na ang headband at leg-warmers. mistulang gusto kong kumanta ng "let's get physical", anoba!

Anonymous said...

sir, may naka-encounter ka b na same sex sa gym mo? just asking coz it is a normal occurence na sa mga fitness clubs e. accdg sa mga tao sa opis. i dnt go there e.

another question, naging type mo b si don michael perez b4?

btw, he was my teacher sa ricky lee scriptwriting workshop nung late 90's.. hehehe