Wednesday, March 19, 2008

gucci gang

Alam n’yo yung feeling ng pagiging makasalanan? Para kang bumili ng chocolate truffles sa Shangri La. Pagkamahal-mahal pero pagkasarap-sarap. Ilalagay mo sa freezer tapos susubukan mong kalimutan kasi nakakasira ng diet. Pero siyempre hindi mo makakalimutan. Kaya titikim ka. Isa lang. Pero sinong niloko mo? Dahil nakatikim ka na, wala ka nang pigil. Kukuha ka ng isa pa. Hanggang mamaya, nilalantakan mo na yung buong kahon ng tsokolate.

Ganyan ang pakiramdam ko pag binibisita ko ang blog ni Brian Gorell.

Sa halip na nagsusulat ako ng script, hala binabasa ko ultimo comments sa blog. Adik di ba. Eh kasi naman, lahat na ata ng bonggang elements na hahanapin mo sa isang soap, andito: may melodrama, suspense, cliffhangers, unlikely coincidences, excessive lifestyle, love triangles, evil characters, deep dark secrets, pati overheard conversations meron! Ang kulang na lang, isang character na magkaka-amnesia.

Pero tayo na pala yun. Kasi tayong mga Pinoy, sa dinami-dami ng expose at scandal na binalandra sa atin mula Edsa Dos hanggang Hello Garci, eh talaga namang talo pa ang bidang character sa soap na laging nakaka-amnesia. Ambilis natin makalimot. Kaya sigurado ako, next month, wala na to. Next month, baka binibili na natin ang relo na ine-endorse ng isa sa Gucci Gang. Next month, baka nililibing na natin si Lozada.

May eksena sa volume 8 ng Ultimate Spiderman na favorite ko. Tinanong ni Peter Parker ang teacher niya sa klase kung bakit hindi pa rin nakukulong si Kingpin kahit may malakas na ebidensiyang pumatay ito. Sagot ng teacher: “I think that our judicial system has its flaws, but it does serve us well, you have to look at the bigger picture… I guess, well, he does a lot of good for the city as well.”

Eto ang pam-Famas na dialogue ni Peter Parker: “When does it happen exactly? During college? After college? When you turn thirty? When do you just give up? To the point where you can actually look me in the eye and say ‘sure he murders, but he’s got good qualities too.”

7 comments:

Anonymous said...

Malalim. Malalim ang pagmumuni-muni ni Peter Parker.

Anonymous said...

comic book geek ka rin pala!

Grace said...

Hi Direk! I agree with your observation. Para syang chocolate, alam mong masama sa iyo pero kain pa rin tayo. Nakaka-addict nga yung blog. Even if mabigat sya sa loob basahin, still you can't help but visit it again.

Anonymous said...

i love choc-nut

mrs.j said...

ang taray ni peter...

ang tanong nanalo ba sia ng famas?
charot...

tita jun gugustuhin mo bang maging member ng gucci gang?
..
..
..
..
kung ako siguro... oo pero uubusin ko rin ang pera nila! bwahaha...

madaming ng publema sa mundo kailangn natin din ng break...at aminin mo nakatulong ang blog ni papa brian! haha

Anonymous said...

"Ang kulang na lang, isang character na magkaka-amnesia."

panalo. iba ka talaga direk.

ron

burrito said...

hindi ba si dj yung nagka-amnesia? nakalimutan nya na ninakawan nya ng $70k si brian