Saturday, March 08, 2008

deadma

Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, may isang bagay akong natutunan bukod sa pagtataray. Yan ay ang art ng pandedeadma.

Basic ang pagtataray. Lahat tayo pwedeng magtaray.

Pero hindi lahat kayang mandeadma. Kasi marami sa atin mapagpatol.

Eh sa karanasan ko, madalas mas effective ang pandedeadma.

Wag mong pansinin ang tao. Pabayaan mo siyang mamatay sa ngitngit.

Eto ang ilang exercises para ma-perfect n’yo ang art ng pandedeadma:

1) Magpunta sa Amsterdam kung saan may pinakaraming cute guys per square meter. Kung hindi afford ang Amsterdam, pwede na rin ang Boracay kung saan maraming artista at artistahin tuwing Holy Week. Simple lang ang dapat mong gawin. Maglakad-lakad. Siguradong hindi magtatagal, may masasalubong kang cute. Eto ang challenge: Wag mo siyang lilingunin o hahabulin ng tingin! Kahit nginingitian ka na, kahit nakalabas pa ang dila! Para mandeadma ng isang tao, dapat kaya mong i-resist na mag-react sa kahit anong paraan. Kung kaya mong pigilan makipag-eyeball sa isang super cute guy, chances are kaya mo ring mandeadma.

2) Magsimba. Magsimba nang naka-corset at belong pula. Siguradong pagtitinginan ka ng mga tao, pero bakit ba? Basta taimtim ang iyong pagdarasal at wagas ang iyong pananampalataya, sino sila para husgahan ka? Tapusin ang buong misa sa outfit na suot. Pag nagawa ito sa kabila ng bulung-bulungan, panlilibak at tinginan ng mga tao, ateng panalo ka. Narating mo na ang rurok ng pandedeadma!

3) Pag-ipunan at bilhin ang pinakaaasam na Prada leather bag. O Gucci belt. O kahit anong mamahaling branded item. Tapos ipagkalat mong fake siya at binili mo lang sa Greenhills. Ang tawag dito ay self-denial. Pagpipigil kahit gigil na gigil ka nang ipagyabang na na-afford mong bumili ng sosyal na bagay. Pag nalagpasan mo ang desire na magyabang, siguradong kaya mo ring mandeadma. In short, hindi importante sa yo ang makipagpatalbuhan kahit kanino. Sa sarili mo, alam mo, alam mo ate, alam mooo na totoo ang Gucci bag mo. At yun ang importante syet.

At siyempre, ang pinakamahalagang aspeto ng pandedeadma: Be happy. Magtrabaho ka kung kelan mo gusto. Magbakasyon ka kelan mo rin gusto. Be in total, complete control of your life. Tingnan lang natin kung hindi sila lalong mamatay sa inggit.

One word: Belat.

8 comments:

pat said...

i once went out with this guy director named raya. di ka raw nya trip as a contemporary maybe because he resents commercial crap or something. just the kind of thing na dapat dinedeadma.

JUN LANA said...

hi pat :D

Anonymous said...

hehehe parang me gusto kang patamaan. ganyan talaga pag sikat, maraming inggit sa yo.

Clark Can't said...

Panalo ang number 3! Maski Bench ko, ipinagyayabang ko sa mga kapitbahay naming mga kapwa "difficult" a.k.a. mahihirap. Hehehe. =)

rAzAzO'o said...

... ay true! dedmahin silang lahat, dahil sila naman talaga ang may problema! madaling mangdedma lalo na kung richilda ka... dinededma rin yong mga walang urbanidad... mga hindi marunong rumespeto sa sarili... mga walang pinagtandaan...

... yes! sa boracay, sa amsterdam at xmpre... sa pakil, paete at pila laguna! ang mecca ng mga juding sa laguna and elsewhere!

Anonymous said...

Deadmalaysia! :p hihihihi

Hi direk! Ingat lagi! :)

-Cha-cha

gibo said...

wagi ang number 2. yun nga lang, mapipilitan akong magsimba.

kalansaycollector said...

hindi ko yata kayang gawin ang 1. kasi naman kung mangyari iyon chance ko nang tapusin ang aking vriginity. aba for 20 years wholesome ang image ko. ayaw ni mother lily ng ganiyan.