Sunday, February 03, 2008

Wagi

Ate kuya maraming salamat! Waging wagi ang 1st day ng Roxxxanne kahapon. 10:30 pa lang nasa Galleria na ako, inaayos ang projector. Tapos nag-lunch, nakipagtsismisan sa cinematographer ko. Saka ko lang na-realize nagsimula na ang first screening. So go kami sa sinehan. Pero iniisip ko wala pa masyadong tao. Hello, tanghaling tapat eh. Pero pagpasok namin, ang dami nang bading! Siyempre dahil gay film, hindi lang basta nanonood ang mga tao. May audience participation! May mga nakatayo, may palipat-lipat ng upuan, merong palakad-lakad, may ilang nag-a-eyeball, kulang na nga lang dancers para ka nang gumimik sa Bed. In fairness, may mga cute, at ang gaganda ng ayos ng hair, gulogulo, kunwari wa care pero kinarir. I'm so proud to be bading, I swear. Malalaman ko ang exact figures today. But as of 5 pm yesterday na-exceed na niya ang target namin. Sa mga nagtatanong ng screening eto: 1:20/ 3:25/ 5:30/ 7:35/ 9:40. Wish ko lang magtuloy-tuloy hanggang last day. Kaya sa mga hindi pa nakakapanood, join na kayo!

Try kong magpost uli mamaya pero medyo ngarag ang lola. May kinakarir akong lenten drama at nagkacasting din para sa dalawang episodes na ididirek ko para sa isang TV show sa Singapore.

Isang still galing sa TV show, ang galing n’yo pag nahulaan n’yo:


Oo nga pala. Worsh-worsh ang drama dito. Kailangang fluent mag-English. As in.

Sa mga interesadong mag-artista, eto na ang pagkakataon n’yo!

CASTING CALL FOR AN ASIAN TV SERIES TO BE SHOT IN MANILA. MINIMAL PAY BUT TREMENDOUS EXPOSURE TO TOP PRODUCERS. APPLICANTS MUST BE FLUENT IN ENGLISH.

EPISODE 1

JAKE – 20s, handsome (as in guwapo ha, mga ate kuya wag ipilit ang sarili kung hindi kaguwapuhan, fair naman si Lord I’m sure may iba kayong talent)

RICA – 20s, the pretty and sexy but sickly and secretive girlfriend of Jake

PAOLO – 20s, good-looking, happy-go-lucky and talkative Filipino-American

GRETCHEN – 20s, pretty Fil-Am. Paolo’s pregnant wife.

AMELIA– mid 30s, sensual, dark and mysterious.

OLD LADY – 60s, kind of scary and suspicious-looking.

PREGNANT WOMAN – 20s or 30s.

EPISODE 2

ROMMEL – 20s or 30s, righteous and helpful newbie cab driver

PRECY – 20s or 30s, Rommel’s loving fiancĂ©e

ARNOLD – 30s or 40s, the cab-driver friend of Rommel

BERT – 20s or 30s, also a cab-driver friend of Rommel.

LYNETTE– 20s, innocent looking, pretty; intensely dramatic role

OLD FRANK – 50s

YOUNG FRANK – 20s

TWO DRUNK MEN – 30s

ITALIAN GUY – 30s or 40s, generous client of Rommel.

CAB DRIVER 1

CAB DRIVER 2

SECURITY GUARD

OTHER CAB DRIVERS

If interested, please email your photo (can be a non-professional shot) and your contact information to manila_auditions@yahoo.com. The actual audition is private and by invitation only.

Oy nood pa kayo ng Roxxxanne ha.

6 comments:

Jay Quiambao said...

Di pa ako nkakapanood. But I really wanted to. Baka friday after my prelims. Pesteng UST yan eh. Hiwalay pa prelims ng college namen sa ibang department. Ampf.

Anonymous said...

Congratulations mr lana. I just saw the movie with my friends this afternoon. We all loved it. That girl playing roxanne's bestfriend stole the show from sheree. Is she a theatre actress? Jay was also very good. And the ending was really moving. I hope you make more movies like this. All the best to your career!

kalansaycollector said...

oooh interesante ano ba iyan walang pasok na role. pero interested akong makaexperience umarte sa isang keme. experience kumbaga.

papasa na akong sekyu. o kaya cab driver.haha

Anonymous said...

maganda sha, mejo dark ang approach... honestly i was expecting a lot of "kembot scenes" pero wla ako nakita. shempre im excited na makakita ng action from the characters. and i dont understand the last line of janvier ang hina kc.,.. anu sabe nya?

Cha-Cha said...

Napanood ko na din sya last Sunday. Congratulations JL! :) More films like this please! (Medyo nde ko rin nga pla naintindihan yung last line ni Janvier... what did he say?)

Anyway, more power ulit! :)

Chinito said...

Plano ko panoorin 'to kaya lang wala namang makasama. Sana kasi palabas s'ya sa lahat ng sinehan para mabilis mapuntahan ng mga tao.

Hi, Jun. Di ka na sumagot sa email ko. Malamang nakukulitan ka na sa'kin. Sensya na, huhuhu! :'(

Anyway, congrats!

:)