Tuesday, February 05, 2008

sagot sa comments

Pasensiya na hindi ako nakakasagot lagi sa comments nyo. Eto subukan kong humabol:

1. Blogger Quentin X said...
Will we get to see this film at the Brisbane Queer Film Festival this year? (February 4, 2008 5:01 AM)

JL: Sa totoo lang, di ko pa talaga alam kung saang festival isasali ang Roxxxanne. Tiningnan ko minsan ang listahan ng festivals sa withoutabox.com at nawindang ako sa dami. At mahirap ding mag assume na matatanggap siya.

May nag-iwan ng message na ito sa blog ko recently: “hi jun. my name is xxxxx and I’m the programming director of xxxxx. our website is xxxxx, in case you want to check it out. i saw the trailer in youtube and was instantly intrigued. i’m originally from the Philippines so I can understand Tagalog. i was wondering if you can send me a dvd screener for consideration in the festival. i assure you, once you get into one of the festivals, you will definitely get noticed and you might even get US distribution or at least dvd rights. send me an email at xxxxx and we can chat more. oh and please don’t publish this comment since it has my email addy.”

Siyempre naflatter ako nung matanggap ko ang message. Pero nakaisang linggo ata bago ako nakapag-email. Medyo na-tense ako… na-tense ako sa gagastusin haha. Hindi biro gumawa ng screener. Gagastos ka sa subtitles. At medyo mahal din magpadala ng entry. 3k din per package sa Fedex. Imagine kung sampung film festivals ang padadalhan mo, 30k na yun. Tapos hindi lang pala matatanggap. Tingnan na lang natin. Bahala na si Batman.

Pero amazing ang youtube no? Me balita nga ako, yung “Daybreak” daw ni Adolf Alix, napanood ng isang foreign distributor ang trailer sa youtube, at sa basis ng napanood na trailer, binili na agad ang pelikula. Wow! Siyempre tsismis lang yan, at di pa confirmed, nasagap ko lang mula sa isa sa mga producers ng “Sikil” habang nagtsi-tsismisan kami sa MTRCB.

2. Anonymous said...

sir jun ang galing ng roxxxane! pero may galit ba kayo sa ust? parang nega kasi ang ust sa pelikula nyo. (February 4, 2008 6:01 PM)

JL: Nega ba ang image ng UST sa Roxxxanne? Parang hindi naman. Ang sinabi lang naman ni Oropesa sa pelikula: “Mabuti na lang talaga at sa UST ka namin pinag-aral. May breeding na, may takot pa sa Diyos.” Pero nung sinusulat ko ang “Jose Rizal” aaminin ko, marami akong hinanakit sa UST, at mukhang lumabas yun sa pelikula hahaha. Pero love ko ang UST. Diyan kaya ako nagdalaga.

3. Anonymous said...

Congratulations mr lana. I just saw the movie with my friends this afternoon. We all loved it. That girl playing roxanne's bestfriend stole the show from sheree. Is she a theatre actress? Jay was also very good. And the ending was really moving. I hope you make more movies like this. All the best to your career! (February 3, 2008 10:59 PM)

JL: Si Hanni Miller ang gumanap na bestfriend ni Sheree sa pelikula. At magaling talaga siya. Isa siya sa paborito kong artista. Para siyang Jacklyn Jose at Cherry Pie Picache nung bata pa sila di ba? May screen presence, magaling bumitaw ng dialogue. Kung pwede nga lang, isasama ko siya sa lahat ng projects ko.

4. Cha-Cha said...
Napanood ko na din sya last Sunday. Congratulations JL! :) More films like this please! (Medyo nde ko rin nga pla naintindihan yung last line ni Janvier... what did he say?) Anyway, more power ulit! :)(February 5, 2008 12:36 PM)

JL: Yan ang tanong sa akin ng lahat. Ang makakahula, ililibre ko ng dinner.

5. Blogger Chinito said...
Hi, Jun. Di ka na sumagot sa email ko. Malamang nakukulitan ka na sa'kin. Sensya na, huhuhu! :'( Anyway, congrats! (February 5, 2008 12:54 PM)

JL: Sensya na hindi ako nakakasagot agad, lalo na pag email. Ate, hindi biro mag-maintain ng blog, at magsulat, at magdirek. Tapos next week, hindi ko naman alam kung ba't ko naisip, may sinalihan akong workshop kung paano gumawa ng prosthetics, at hindi na ako pwedeng umatras. Nagkabuhol-buhol tuloy ang schedule ko. Pero mukhang masaya yun e, matututo akong gumawa ng halimaw! Although marami na akong kilalang ganyan sa industriya.

10 comments:

Arvin U. de la Peña said...

hi, jun kumusta ka..sana lalo ka pang magtagumpay sa work mo..lagi ko pong titingnan ang blog mo everytime na mag internet ako para mag post din sa blog ko.

Chinito said...

Tnx sa message, Jun. Naiisip ko naman na busy ka (obvious bang sobrang busy ka? Hehe!), pero syempre iba pa rin yung galing sa'yo mismo ang sagot, hehe!

Obsessed na 'ata ako sa'yo. Mahal na 'ata kita, hehe!

God bless. :)

kalansaycollector said...

tiya jun since gagagradweyt na ako sa marso habang naghihintay ng trabaho, if ever pwedeng magprod assistant sa mga shoots mo for racket purposes habang wala pang work? hehe

just a thought lang naman. ;p

Agent Boytoy said...

yung binulong yata ni janvier nun eh di daw siya masama. parang ganun. hehe.

Agent Boytoy said...

pero di natapos ni j.d. ang linya. basta ang sabi eh di daw siya masamang tao... hehe. kahet walang dinner oks lang.

mrs.j said...

naku kc.. unahan ba akey?

haha..

congratz tita jun,, comment me sa nega ba ang dating ng USTE? nedio,,,

my ibng implication lang lalo na parang ang hilig pala ng tomasino sa scandal haha!

Agent Boytoy said...

mas negatib pa nga yung "mga inchik ambabastos. dura ng dura kong saan saan" hehehe...

pero nakakatuwa. :) di naman sgro moralista si jun kaya di niya kelangan iplease lahat ng sectors op society... hehehehe. :)

ex covergirl said...

watched roxxxane last night. maganda siya mr. lana! i rarely watch pinoy films and if i do its even more rare for me to like them. so congrats!
anyhow, ang huling line ba ni janvier ay... "tol...hindi ako bakla?" :)

Anonymous said...

sa pagkarinig ko ang last line ni jonas(janvier) ay "hindi ka bakla."

Jay Quiambao said...

is the line "hindi nga siya" or "hindi nga si roxan?"

pwede ng price sken a night with you. hehe