Sunday, February 17, 2008

pssssst… your puwet is showing

1. Buong araw akong nasa Tagaytay nung Feb 14, hindi para mag-date kundi para maghanap ng locations para sa Singapore project na ididirek ko. Halos 7 pm na nang makabalik kami sa Makati. Wala kaming planong mag-date ng partner ko pero dahil pareho kaming nasa area nag-decide kaming magkita at magdinner sa Greenbelt 5. Soft opening nung restaurant na kinainan namin. Pumuwesto kami sa may balcony para may view. Mula sa kinauupuan ko, kita ko rin ang glass partition wall ng restaurant, at ang mga taong kumakain sa loob, ang iba nakatalikod sa akin. Kabilang ang isang celebrity at ang model friends niya. Itago natin siya sa pangalang JJ. Bakla si JJ. At fashionista. Nang gabing yun, naka-baby tee siya na puno ng glitters at super tight na low-waist red pants. Mga kapatid, alam naman nating maganda lang pang-rampa ang super tight at low waist na pants… pero karir i-carry oras na umupo ka kasi 1) sa sobrang sikip, pag-upo mo, siguradong luluwa ang bilbil mo at 2) sa sobrang low waist naman, luluwa rin ang puwet mo. At dahil nakatalikod sa akin si JJ, kitang-kita kong naghe-hello ang crack ng puwet niya. Lalo na pag humahagalpak sila ng tawa ng friends niya. Lalong naghe-hello. Hindi lang basta hello. Naha-how-are-you din. Ganun kalala. Siyempre distracting. Kasi parang wala siyang suot na brief. O baka naman naka t-back ang bakla. Lalo ring distracting kasi parang hindi pantay ang kulay ng puwet niya. May part na medyo maputi, may part na parang nangingitim. O baka an-an lang yun. Hindi ko tuloy makain nang maayos yung hototay na inorder ko. May puwet ba namang nakaharap sa akin. Gusto ko talaga siyang katukin, “Excuse me po, your puwet is showing.” O di ba. At least magalang pa rin ako.

2. Dahil puwet na rin lang ang pinag-uusapan, naalala ko tuloy, minsang nasa Jollibee kami at kumakain ng chicken joy, tinanong ako ni Rene (Villanueva) kung kumakain ako ng puwet. Sabi ko, hindi. Wings at legs lang. Sagot niya, matututo rin daw ako. Masarap daw ang puwet. Tapos nagtawanan sila ng friends niya. Rene, nasaan ka man ngayon, hindi pa rin ako natututong kumain ng puwet. At sa na-experience ko sa Greenbelt 5, parang di naman siya appetizing.

3. Sabagay kanya-kanyang trip lang talaga yan. Rule ko nga sa buhay: Walang basagan ng trip. Gusto mo ng puwet, by all means. Wala ka namang tinatapakan eh, kumakain ka lang ng puwet. Hahahaha.

4. Maiba naman ako. Nakatanggap ako ng text mula sa Creative Writing Center ng UP. Inimbitahan akong maging Fellow for Drama sa 47th UP ICW National Writers Workshop. Tinanggap ko agad. Di ko lang sure kung gaano kangarag kasi parang kinagabihan pagkagaling kong Tokyo diretso agad akong Baguio. At di ko rin sure kung anong screenplay ang isa-submit ko: “Kung Ako si Kris Aquino” o “Mr & Mr Lee”. Eto ang problema: nag-crash ang macbook pro ko 3 days ago. At mukhang hindi ko mareretrieve lahat ng files ko. Kaya kung anuman ang isa-submit ko sa workshop, parang isusulat ko uli from scratch. Hello.

5. Finally magre-resume na raw ang shooting namin ng Kulam. Ewan ko na lang talaga kung anong kalalabasan ng pelikulang ito. Baka sumabit kami sa continuity. Kalahati ng staff ko nung sinimulan ko ang pelikulang ito, wala na. Yung iba, sumampa na sa barko para magtrabaho sa ibang bansa. Hindi mo naman masisisi. Siyempre kailangan nilang kumita.

6. May deadline ako sa sarili ko ngayong March 15. Pag hindi kami nagkasundo at hindi ko nakuha ang hinihingi ko, malamang hindi na talaga. Eto na yun. Excited ako na kinakabahan na hindi ko alam. Pero ready na ako. As in.

7. Pag hindi, eh di hindi. Eat my puwet.

6 comments:

Anonymous said...

hehe! That's the problem Jun pag hindi ka nagba-backup ng files mo!

Mojo Potato said...

aba.bongga ka po direk jun at aakyat ka dito sa baguio this summer...galing niyo po talaga

Anonymous said...

hahahahahaha!!!

trinity said...

sir jun, sobrang natawa ako sa kwento mo, hahaha! ilang araw pa siguro bago ako maka-recover sa kakatawa. buti na lang mag-isa ako dito. sana madalas po kayong magsulat ng comedy kasi galing nyo pong magpatawa.

Anonymous said...

based on my experience with mac, nagkaka-crash siya after 1 year! you're not the only one who experienced that! mine crashed after 1 year and 2 months, a co-worker's crashed around a year also. Lhat tayo biktima ng nawalang files! Pogi points lang talaga ang mac!

Myk2ts said...

nakakaloka ngang kumain ng may kaharap na pwet. parang isang presentation ng pinapasukan ng pagkain at labasan.

mapagpalaya ang sining..

mabuhay ka direk.