Wednesday, February 27, 2008

incredible tales

5th season na ng Incredible Tales sa Singapore. Parang siyang "Nginig" o "Wag Kukurap" dati. Si DJ Utt ang host. Every week, iba't ibang horror stories mula sa Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia at Australia ang ipinapalabas nila. Ito ang first time na may ipapalabas silang kwento galing Pilipinas.

Aktwali wala sa plano kong idirek ang episodes. Na-involve lang ako dahil nagpapatulong maghanap ng writers si Mr J para sa show. Pero nung pumunta ako sa Asian TV Awards last year, na-meet ko ang producers at nung malaman nilang nagdidirek din ako, tinanong nila kung ok lang na magsubmit ako ng sample work. Eh di nagsubmit ako. Siyempre ang pinadala ko yung "Milagroso" kasi na-nanominate yung best tv drama sa Asian TV Awards. Tapos na-realize ko, drama nga pala ang "Milagroso", eh horror ang "Incredible Tales". Haha. Buti na lang natuloy pa rin.

One-cam set-up ang shoot. At ang super high tech ang camerang gamit namin, dinala pa galing Singapore dahil wala pa raw nun dito sa Pilipinas. 5 million pesos yung camera, kaya ingat na ingat kami. In fairness parang pelikula ang rehistro. At hindi matakaw sa ilaw kaya kahit halos 7 pm na, pwede pa rin kaming mag-shoot ng exterior scenes nang hindi nag-iilaw.

Pakiramdam ko, TV commercial ang dinirek ko. Kasi nakadikit sa kin the whole time ang Singaporean producers, laging nakatitig sa monitor, tinitingnan ang shots ko. Talo pa ang me nanonood na ahensiya (ad agency). Buti na lang mabait sila, at hindi pinapakialaman ang pagdidirek ko.

Gulat na gulat ang Singaporean producers nung 1st day. Halos 100 kasi ang tao sa set, pero sabi ko nga, maliit pa yun kumpara sa set ng isang soap opera. Pero sa Singapore daw, 10 lang sila per show. At drama series ito ha. Sabi ko dapat magtayo sila ng school dito.


Ninakaw ko to sa facebook ni Julianna.


7 am the next day, sinabit namin si Julianna sa ibabaw ng kotse habang umuulan. Napakaprofessional ng lola nyo. Walang reklamo.


May dalang mini-ref si Lance Raymundo na puno ng pagkain. Siyempre buong araw naming niri raid.


Reading. Kahit antok na antok pa ako. Dinadaan ko na lang sa projection.


Bisibisihan.


Kodakan habang hinihintay tumigil ang ulan


Anne Garcia. Lahat ata ng projects ko, andun siya.


Waiting. Waiting. Waiting.


Nina Jose (FHM cover girl this month)

5 comments:

Anonymous said...

papa jun ur so cute. pa-kiss! sir paki-post kung kelan palabas to sa SG, aabangan ko.

- Chin

Anonymous said...

Jun, sa itsura pa lang ng mga mukha ng mga gumaganap nakakatakot na! Hahaha! Si lola Basyang ba ung matandang babae? LOL!

Mapapanood ba namin sa youtube yan kahit trailer lang?

kalansaycollector said...

sushal sushal.

pakisabi hello po kay ms. lilia cuntapay! ang tunay na reyna ng pinoy horror movies!

superpaurong said...

ang galing mo talaga direk. hanga talaga ako sa'yo! keep it up.

sinta said...

direk jun! singapore ofw ako. napanood ko yung episode nyo sa incredible tales kagabi. season finale sya. ang galing! proud na proud ako sa pagkakagawa. :)