Tuesday, January 22, 2008

why watch on feb 2

Korek. February 2 na ang Roxxxanne. Nagback out ang Endo kaya biglang napaaga ang playdate. OK na rin. 10 days na tatakbo sa Galleria ang pelikula.

Kanina galing akong MTRCB. Dalawang beses akong pinatawag ng panel habang nagpi preview sila. Pakiramdam ko college student uli ako, talo pa thesis defense. Tinanong ako kung bakit dapat nilang bigyan ng R-18 ang Roxxxanne. Gusto kong sumagot: Hello, kasi pag binigyan nyo ng X hindi siya maipapalabas?

Pero siyempre behave ako. Nagpaka Miss Universe sa sagot. In fairnez na-convince naman sila. Approved without cuts ang pelikula.

Gumawa ako ng 2nd version ng trailer--actually partner ko ang may idea nito at siya ang nagtiyagang mag-edit. Nandito ang ilan sa rave reviews ng Roxxxanne nung mag-special screening ito sa U.P. last year. Plano ko sanang irepost lahat ng reviews dito, eh kaso karir, ate.

Saka tribute ko na rin ito sa fellow bloggers ko na nanood talaga at nag-abalang mag-comment/gumawa ng post tungkol sa pelikula. Sa totoo lang, dahil sa blogging community kaya umingay ang Roxxxanne. Doon sa mga hindi nakasama dito sa trailer, pasensiya na. Pag may time, gagawa uli kami ng isa pa.

Watch n'yo ang bagong trailer at watch n'yo ang Roxxxanne sa Feb 2!

4 comments:

kalansaycollector said...

shet totoo ba ang nakikita ko? namention ang aking blog sa trailer? omg omg!

ayan hindi na ako makarecover! waaah panalo! ;p

ika said...

si mrs. j din omg.

mark said...

Mr. Jun Lana napanood q n poh ung roxxxane nyo s robinson.. grabeh ang ganda ng story lalo n dun s bandang huli kunsaan nmtay c janvier grabe nkkaiyk and ung ibang line duon grabeh nkktwa tlga totoong totoo ang mga paggnap nila ang gling lhat ng mga cast sna....
sna mgkaroon k p poh ng plbas n 2lad din ng roxxxane tlgang my morral lesson kang mpu2lot!! more power poh s inyo and gudluck s career nyo!!!

jhong said...

i saw it already. sooobbbrrraaannggg ganda! ano ba yan. di ako maka-get over.

galing ng cast, in all fairness