Thursday, January 31, 2008

pictorial ni jay

Sa interview ko kay Jay, natuloy din finally ang mala-slumbook Q&A na dapat gagawin ko noon kay Janvier. Simpleng tanong, simpleng sagot, walang drama. Pero makikita n’yo, me lalim ang batang ito.


Isa sa mga tanong ko: Kung may 1 million pesos ka, ano ang una mong bibilhin? Tapos naisip kong idagdag… “Para sa sarili mo.” Kasi baka bigyan ako ng showbiz na sagot. Eh sampu silang magkakapatid, at tatlo pa lang daw ang nakakapagtapos kaya hanggang ngayon tumutulong siya sa pagsuporta sa pamilya. Siyempre puwede niya akong sagutin ng: “Edukasyon. Ibibili ko po ng edukasyon ang mga kapatid ko. Pag-aaralin ko silang lahat. That’s all thank you.”
Kaya diniin ko: “Yung para sa sarili mo lang, Jay. Ano’ng bibilhin mo?”


Ang inaasahan kong sagot, kotse. Kasi hanggang ngayon nagta-taxi pa rin siya. Minus pogi points, di ba? Artista ka nga, pero wala kang kotse. Paano ka na lang poporma sa mga babae?


Pero iba mag-isip si Jay. Kung magkakapera raw siya, gusto niyang bumiyahe nang bumiyahe. At Israel daw ang unang lugar na gusto niyang puntahan. Kasi fascinated siya sa teachings ng Kabbalah. May binanggit siyang tomb na gustong bisitahin doon… tapos nagkuwento tungkol sa red string bracelet (i-google n’yo na lang ate, karir mag-explain)… saka nilinaw na hindi religion ang Kabbalah kundi technology for the soul. O di ba.


Eto pa. Nabasa na rin niya ang halos lahat ng libro ni Paulo Coelho. Lalo na ang The Alchemist. In fact, dahil sobra niyang favorite si Paulo Coelho, ni-research niya ang buhay nito para lalong makilala ang author.


In fairness!

9 comments:

Anonymous said...

akala ko si antonio aquitania ang last pic. delicious!

Chinito said...

Tama ka, Jun. May lalim ang batang ito. Hindi sa inaalipusta ko si Janvier ha, pero gaya nang

nasabi ko na dati (pero hindi na-post dito), "showbiz" ang dating ng mga sagot ni Janvier --

ayun pa ay kung may katotohanan man sa mga sinabi n'ya sa inyong panayam. But please don't

get me wrong. I heart Janvier. Kung pwede nga lang ako magpakasal sa kanya, gagawin ko,

hehe!

Pero si Jay, sa kanyang murang edad, nakakapagbitiw s'ya ng mga ganoong sagot na kahit ako

sa sarili ko ay hindi ko maiisip isagot sa tanong mo. Diba, sa lahat naman ng lugar Israel pa?

Pwede namang Disneyland, diba?

After I read this interview, I couldn't help but be tickled by the idea of developing a liking to

this kid. It's like having a crush on a sixth grader! (Uuuy, virgin ako, hihihi!) Mas hunk na

tuloy ang tingin ko sa kanya kaysa kay Janvier. :)

Sana malayo ang marating ng batang ito. Bihira ang artistang may mukha na, may utak pa, may magandang imahe, at may angking husay sa pagganap. Honestly, I do hope Pinoys appreciate this kid.

Anonymous said...

hala! na-inlab naman ako lalo kay jay!!!

BoobooStrider said...

in fairview direk...

Anonymous said...

so adorable! this kid just grows on you. parang gusto mong bigyan ng pang load hahaha.

Anonymous said...

Ay ang igsi naman ng interview, bitin tuloy! Hahahahaha!

kalansaycollector said...

ooooh so hot naman ni jay.

pananghalian ang drama. hehe

pero hindi lang puro sabaw ang ulam na ito, malaman din. ;p

Anonymous said...

Hi Jun,

Ako nga pala si Marky. Friends tau dati sa friendster pero dinelete mo yung friendster mo (or nadelete mo na ako sa list mo, hehe). Ako po yung nakapanood ng Summer Dreamin' sa Intramuros last 1998 ata yun. Mula noon, naging favorite ko na ang mga projects mo. Muro Ami, boys next door, etc. Andun din ako sa UP nung nag special preview ang Roxxxanne. Sorry ang haba ng introduction. Gusto ko lang makarating sayo 'to. Ang point ko lang, I'm sure aware ka sa http://antimgg.blogspot.com/. Kung hindi, pwes ngayon aware kana. Naisip ko lang na magandang blog entry mo siguro ang tungkol dito sa kontrobersiyang ito. Excited lang akong mabasa kung anong comment mo sa away ng dalawang lola.

Manonood pa rin kami ng mga friends ko ng Roxxxanne bukas! Full support kami sayo! ;-)

-Marky.

JUN LANA said...

anonymous,

sa pagkakakilala ko kay migs, mabuti siyang tao. sa laki nga ng tulong niya sa sa akin, dapat gawin ko na siyang co-producer ng roxxxanne. at hindi lang sa akin kundi sa lahat ng indie filmmakers. hindi matatawaran ang suporta at exposure na nakukuha namin sa blog niya.

pag nakilala nyo si migs in person, makikita nyo kung gaano siya ka down-to-earth. matalino siyang kausap at higit sa lahat, kumportable sa sarili niya.

eto lang yan. may rule sa pagba-blog na dapat nating irespeto: WALANG BASAGAN NG TRIP.

nakita mo dati yung friendster ko di ba, siguro naman na-sight mo yung pictorial ko dun na feeling guwapo? yung nakayellow shoes ako, tapos sobrang photoshop ang mukha para walang eyebugs? kakasuka di ba? pero paki ko. trip ko yun eh. di magyellow shoes din kayo kung gusto nyo.

pag pumasok ka sa isang blog, para ka na ring pumasok sa bahay ng isang tao. hindi lahat ng makikita mo magugustuhan mo. pwedeng may mapansin kang dekorasyon na hindi mo gusto, nababaduyan ka, pero wala kang magagawa. hindi mo bahay yun eh. kung ayaw mo, di wag na lang uling bumisita.

irespeto na lang natin ang isa't isa mga ate. kanyakanyang trip lang yan. walang bastusan.

saka...

one word: karma. minsan ang balik niyan, triple. kaya kung gumagawa ka ng bagay na nakakasakit sa kapwa mo, medyo matakot ka na kapatid.

kay migs,
sobrang sikat ka na talaga! sa yo ipinapataw ko ang koronang kris aquino ng gay blogging community! o mas gusto mong gretchen baretto? nawa'y magkaroon ka ng maraming endorsements. ganda mo, ate!

o siya tama na to, ngarag ako sa pagpopromote ng roxxxanne, pramis. tapos me ganito pa. ano ba!