Sunday, January 13, 2008

buntis

So buntis si Jennylyn. Siyempre ang daming nanghihinayang. Kasi alam n’yo naman ang kalakaran sa showbiz, pagdating sa mga babaeng artista, oras na mabuntis ka, para ka na ring nag-goodbye sa career mo. Well di naman talaga goodbye. Pero maraming magsasabi sa yo, wag ka nang umasang maging bida. From time to time pwede kang bigyan ng “very important supporting role”… na sa kahit anong anggulo mo tingnan eh supporting role pa rin. Sabagay, maraming magagaling at premyadong artista ngayon, nagsimula sa supporting roles AKA: bestfriend roles. O bestfriend ng bestfriend roles. Gaya ni Ms Cherry Pie Picache. O, tingnan n’yo ang lola n’yo ngayon. Wagi. Pero sa isang banda, andiyan din ang mga tulad ni Mutya Crisostomo- naaalala n’yo siya? Sad to say, hindi naging tapat na kaibigan ang showbiz sa kanya.

Palagay ko iisa ang iniisip ng lahat tuwing may artistang mabubuntis tulad ni Jennylyn, lalo na’t bata pa: ba’t hindi sila nag-condom? Malay ba natin, baka napunit? Eh di sana nag-pills! Kaso baka diet pills ang nainom? Iniisip ko tuloy, bukod sa personality training at acting workshops, dapat siguro isama rin ang sex education sa paghahasa ng mga batang artista. Seriously.

At kung ako ang masusunod, kasama sa sex education ng mga batang yan, ikukulong ko sila sa isang kuwarto at itatali sa upuan para panoorin lahat ng celebrity episodes ng Magpakailanman (kung taga GMA sila siyempre). Manood sila 24/7 hanggang magmakaawa silang kanselin na ang show! Please! Well, na-cancell na nga, pero marami-raming episodes pa rin ang papanoorin nila, simulan natin sa life story ng bawat miyembro ng Sexbomb dancers hanggang sa lahat ng naging bold star ng pelikulang Pilipino! Ewan ko na lang kung hindi sila matuto. Siguro paglabas ng kuwarto, masuka-suka na sila sa moral lessons. I swear, iisa ang kwento ng mga babaeng artistang nalaos. Nagpakagaga sa pag-ibig, iniwan ang career. O ngayon, karamihan sa mga dating artistang na-feature namin sa show, ni hindi mapag-aral ang mga anak nila.

Naisip ko tuloy ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Siyempre iba ang usapin kapag bakla ka at gusto mong bumuo ng pamilya. Meron ding social implications. Ngayon pa lang kailangan mo nang isipin ang stigma na pwedeng harapin ng bata, at kung kaya mong ibigay ang oras mo bilang magulang para siguraduhing handa siya, at magiging matatag. O di ba. Mother role na mother role, kulang na lang magsuot ka ng apron at mag-bake ng cookies. Kaya ako, nasa level pa lang ako kung bibili ng aso o hindi. Dahil natuto na ako noon. Bawat relasyon meron akong aso, parang baby namin ng partner ko. Kaso tuwing magtatapos ang relasyon, nawawalan na rin ako ng panahon sa aso, at iniiwan ko sa mommy ko.

Isipin n’yo na lang kung gaano na karami ang aso ng mommy ko ngayon.

8 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

parang clockwork orange ang workshop. hehehe

re aso-- 98?

alimuom.atbp said...

more power to you, direk. magpa-game ka kaya dito sa blog. hulaan kung ilan na ngayon ang alagang aso ng ermats mo. exciting 'yun. hehehehe!

rj said...

funny :)
totoo ka, puwedeng mapunit ang condom. nangyari na sa akin iyon. dapat yata, dinodoble. pero baka hindi na masarap para sa partner. saka sabi nila, para kang kumain ng kending may balat. keri mo?

peping said...

sabi naman ng kakilala ko pag naka-condom ka raw, para daw nakasuot ng raincoat...ano ba talaga feeling ng nakasuot?

kalansaycollector said...

kawawang jennylyn at patrick iniba na ang boses nila sa trailer ng maging akin ka lamang.

jericho said...

pointed kaya kaya nabutas? nagtatanong lang...

Anonymous said...

ibig mong sabihin, ganun karaming relasyon na ang pinagdaanan mo??? hehehe, playgurl ka pla!

Seriously Funny said...

To RJ, ano yun, White Rabbit na kendi? ahehehehe