Tuesday, January 29, 2008

and now meet jay

Hindi lang si Janvier ang artista sa Roxxxanne.


Eto si Jay Aquitania. 19 yo. Mas kilala bilang nakababatang kapatid ni Antonio Aquitania.

2 years ago, sinusulat ko pa lang ang Roxxxanne nasa isip ko na siya. Pero nag-alangan akong kunin siya para sa role ng isang nagbibinatang closeta dahil halos sigurado akong hindi papayag ang manager niyang si Tito Dougs (Douglas Quijano). Una, masyadong bata pa noon si Jay (mukha siyang trese anyos noon kahit 17 na siya), at pangalawa, karamihan sa managers iniiwas ang alaga nilang tumanggap ng gay role. At hindi mo sila masisisi. Oras ma-stereotype ka sa role na bakla (o matsismis na closeta) baka wala nang puntahan ang career mo.

Nag-audition ako ng ilang beses. May ilang baguhan artista akong sinubukan pero maraming aberya. Muntik nang ma-shelve ang project, at nung matutuloy na, dalawang linggo bago ang shooting, wala pa rin akong makuhang artista na gaganap kay Marlon, ang nagbibinatang may lihim na pagtingin sa kaibigan niya.

Isang beses napanood ko sa TV si Jay. Nag-mature na ang hitsura niya, at may lalim na siyang umarte. Pakiramdam ko, hinintay lang siya ng project.

Pero hindi pa rin ako sure kung aaprubahan ni Tito Dougs na gumanap ng role na closeta si Jay. Kaya ang ginawa ko, sinulatan ko ng “love letter” si Tito Dougs. Nakiusap ako, nagsumamo, kulang na lang manikluhod. Kasama ng letter pinadala ko ang script ng Roxxxanne.

Nung sumunod na araw, tumawag sa akin si Tito Dougs. Maganda daw ang script, at kelan ang first shooting day? Siyempre tuwang-tuwa ako. Nag-thank nang nag-thank you. Saka nakipagtawaran sa talent fee. Hehe.

(Post ko ibang pics ni Jay sa susunod. Pero hintayin n’yo rin sa Manilagayguy. Salamat pala kay Migs na nagtiyagang manood sa pictorial, at kumain ng cheap kong pa-merienda.

Di ko alam ang kalalabasan ng pelikulang ito sa takilya, sa totoo lang. Sana kumita kahit paano para makagawa pa kami ng projects sa labas ng mainstream. Para hindi kami nakakahon. Pero ngayon pa lang gusto ko nang pasalamatan lahat ng taong tumutulong sa amin: Ms Cristy Fermin and Jobert Sucaldito, Jojo Gabinete, Dinno Erece, Ogie Diaz at maraming marami pa. Sa susunod na ako maglilitanya ng mga pasasalamatan.

I swear, karir mag-promote ng indie. Para kang nagtayo ng isang sari-sari store sa tabi ng SM Hypermart. May bibili sa yo ng patingi-tingi, may ilang tatambay sa puwesto mo, pero 99% ng mga tao didiretso sa SM. Pero sana sa Feb 2, daan muna kayo sa Galleria.)

12 comments:

Anonymous said...

cute but janvier is the one that sells. people say they're tired of him but he makes the headlines. and let's be honest, gay men dont watch indie movies to support the arts. it's all about sex sex sex. the interview is spot-on: we all see janvier as a walking dick and every faggot wants to suck him. that's the only thing we gay men are after, sex. we think about it every second, we’re obsessed with sex and getting laid and seducing straight guys, let’s not be prententious. so give us more of janvier please!

JUN LANA said...

hi anonymous, di ko mapigilan ang sarili kong ipublish ang comment mo at sagutin. ok lang kung nanonood ka ng indies dahil sa sex. ikaw yun eh. pero wag mong lahatin. at yung statement mong "we’re obsessed with sex and getting laid and seducing straight guys"? bakla, konting respeto sa sarili. yes, we all think of sex. pero ang maging obsessed? hello. wala kang work, ateng?

Anonymous said...

Yes Jun, I'm sure walang work si anonymous. Kung meron man, I'm sure minimum wage ang sweldo ng lola.

-Marky

Chinito said...

Ay, antaray ni Jun Lana. Sinopla si anonymous, hahaha! :P

I admit I'm a hybrid of the two genes -- I do have work but I think about sex every time, hehe! :)

Cute ni Jay sa pic na yan.

Anonymous said...

Hay ikaw talaga Tita Jun, very straight-forward ang mga pagsopla mo sa mga critics mo.

Iyan ang gusto namin sa blog mo eh, nakaka-aliw na mga sagot mo sa mga komento ng readers mo!

Marami ang napapali(gay)a mo sa blog na ito! Ayos! I like your witty responses sa mga critics mo!

Keep it up lola and may your tribe increase!

Anonymous said...

for once i agree with you mr. lana. in this day of the would wide weave don't you think gano'n pa rin ka-hayok ang mga bading para makakita ng nota? noong unang panahon siguro, oo. but in this day and age? pullleeezz.

so this type of endeavors are most welcome. gusto ko namang makakita ng nota siyempre, pero dapat bonus na la'ng 'yon. more than anything else dapat brain candy rin siya. nasubukan na ba ninyong mag-surf ng gay porn. after a few minutes nakakauta na siya. nasusuka na ko.

the greatest high is when your brain is firing its neurons. we have higher faculties that separate us from the beasts, hello!!! as if di ninyo alam.

gbic said...

"that's the only thing we gay men are after, sex."

speak for yourself. i usually stay away from people like you. call me idealistic, but while i think sex is important in a relationship, love is much more important.

Anonymous said...

For Anonymous:
I wanna be pleasant to you but i don't think i can. i am really fond of art films. i have seen so many indie/art films produced from all over the world and i have particular interest on european art films. if you really are into movies, you should have the 'eyes' to appreciate the art in it and not the naked boys. with the way how you stated your comment, i think you're a pervert. if you're into sex so much, that's you. and everybody couldn't be like you.
have some respect for yourself. you're attitude is one of the main reasons why the third sex couldn't get wholesome respect from the community and often times, we are tagged as sex molesters, rapists and other horrible sexual criminals. couldn't you get a li'l respect for yourself? if you couldn't do that, than back off because you're an empty-headed mammal. g'luck to you, nevertheless...

kalansaycollector said...

kay guwapo ni jay aquitana... ahihi

ay kay anonymous correction lang hindi lahat ng badaff ganoon kababaw na nanonood lang ng indie dahil sa sex, eh di kung gayon porn na lang ang bilhin hindi ba? o kaya'y xtube dahil bukas naman ito sa lahat ng gustong kumain... chos.

pero syempre dahil opinion mo iyan kyeme lang, i respect individuality naman pero tama si tiya jun, huwag mo namang lahatin. isa akong gay na honestly at walang kaipokrituhan nanonood ng gay films dahil sa story and all syempre bonus na ang mga hubad na lalaki. kasi madali lang namang magsurf sa net ng porn kung gusto ko ng mga hello nota bene... di ba?

madidisappoint ako sa isang gay film na walang puso at puro sex lang ang laman.

Anonymous said...

kuya jun, sana hindi mo na lang ipinublish si anonymous number 1. hahaba lang ang usapan, at kahit paano, me konting talino factor ang blog mo. he will just waste our energy trying to rebuff him. the mere fact that his comment is not to the level of your other readers automatically disqualifies him from posting it. Hindi mo siya target market. Taga xtube siya! Dun maraming nota, kangkangan at kung ano-ano pang hanap niya.

Ted said...

i enjoy your blogs so much, and now lang ako nagkalakas loob na magcomment. sobrang fun.

im based in hk pero im taking some break and flying to manila on the 6-11. nasa itinerary ko na ang manood ng roxxxane. :-)

:-)

Anonymous said...

Baka nag-i-expect ng frontal nudity si Anonymous sa Roxxxane, at nabigo mo siya Jun, kaya siya nabadtrip. Nagiging trend na sa indie films na may ganitong genre ang magtalakay o maglakip ng sex para bumenta ang pelikula, na hindi magandang indikasyon dahil nagkakaroon ng ekspektasyon at standard na nakabatay dito ang manonood. 10 years from now, kung lahat ng indie films ay may kalakip na sex, magiging canon na ito sa pelikulang bakla sa Pilipinas. Sa kabilang banda, nagkakaroon ng exclusivity ang gay films na nagdudulot ng negatibong epekto sa ibang manonood. Ang Roxxxane at Ang Pagdadalaga ay patunay na hindi kailangan ng sex para masatisfy ang manonood. Ayokong maging didaktibo sa pagtanaw sa mga bagay-bagay pero hindi dapat maging batayan ang pagkakaroon ng sex sa mga indie films sa pagtangkilik dito.