Monday, October 13, 2008

sagot

Para sa mga nagtatanong.

1) sharon blanche said...
sa profile mo ung mga tsuktsak tienes eh in dutch do you speak the language? wla lang nman just want to know??
September 15, 2008 9:54 AM

SAGOT:
Hindi. But I love Dutch guys hehe. Miss ko na ngang mag-Amsterdam eh. Makabalik nga. Huwaw.

2) Anonymous said...
congrats po sa kulam!!! kelan po kayo magkakaworkshop uli??? :)
October 5, 2008 11:22 AM

SAGOT:
Baka hindi ko makarir mag-workshop dahil sa schedule ko. Ang plano ko, mentorship. Kukuha ako ng isa o dalawang writer na iti-train. 6 months silang sa bubuntot sa lahat ng meeting, brainstorming, taping at shooting ko. In short, hindi lang talent ang kailangan, kundi stamina. Lalo na’t puyatan to the max. At marami akong hihinging exercises. Kaya hindi ito para sa mga taong hobby lang ang pagsusulat. Para ito sa mga taong desidido talagang magtagal sa industriya. Baka itaon ko ang mentorship sabay ng shooting ng susunod kong pelikula. I-a-announce ko dito.

3) Anonymous said...
Hi jun. wat cn u say about Jessica zafra's very bad review of kulam?
October 13, 2008 9:47 AM

SAGOT:
Ambait pa nga ng review niya. May nabasa na akong review na mas malala. Sa clickthecity ata yun. Kanya-kanyang opinyon yan. Thankful pa nga ako na nagbayad sila para panoorin ang pelikula ko. Mas marami namang natuwa sa Kulam. Tapos kumita pa. Hello, magrereklamo pa ba ako? Saka ganyan talaga ang kalakaran. Pag naglabas ka ng pelikula, dapat handa ka. Hindi lahat, pupurihin ang gawa mo. Basta plano ko gumawa ng marami pang pelikula.

4)kengkeng said...
sana ganito kasaya magreview si nestor torre! wala ka bang column?
June 12, 2008 12:58 PM

SAGOT:
Nasagot ko na ata to? OK na ako sa blog. Wala pang censorship.

5) Anonymous said...
ha ha ha! funny! totoo bang maraming daw nahahada sa gym?!!!
April 22, 2008 1:57 PM

SAGOT:
Naman.

6) Anonymous said...
ikaw ba si bob ong?

SAGOT:
Ang dami nang nagtanong nito. Hindi sabi. Mas cute ako.

7) April 23, 2008 1:36 PM
Anonymous said...
sir, may naka-encounter ka b na same sex sa gym mo? just asking coz it is a normal occurence na sa mga fitness clubs e. accdg sa mga tao sa opis. i dnt go there e.
another question, naging type mo b si don michael perez b4?
btw, he was my teacher sa ricky lee scriptwriting workshop nung late 90's.. hehehe
May 8, 2008 4:23 PM

SAGOT:
You mean kung may nakasex na ako sa gym? Wala. Anobayun. Ba’t naman ako hahada sa lugar kung saan ako regular na nagwoworkout? Ampanget. Pagkatapos na lang ng gym. Hahaha.

Kaibigan ko si Don pero hindi ko siya naging type. Siya talaga? Di ko ma-imagine. Ikaw, type mo si Don? Talaga? Bakit? Hahaha. Joke lang, Don.

Saturday, October 04, 2008

kulam

Nung bata pa ako, lalo na pag summer vacation, halos araw-araw may naisusulat akong stage play o screenplay. Dati, naging hobby ko ang magbasa ng dictionary, at pumili ng mga salitang pwede kong gawing title. Yung una kong gay play, akala ng mga tao sinulat ko dahil gusto ko nang magladlad. Ang totoo, sinulat ko yun dahil natuwa lang ako sa salitang nakuha ko sa Tagalog dictionary: Kuwan. Na title rin ng blog ko.


Sa dami ng naisulat ko, literally meron akong baul ng scripts ngayon. Karamihan hindi pa napo-produce. Ngayon taon, dalawang lumang scripts ko ang biglang naproduce. Una dito ang “Torotot” na sinulat ko noon pang 1999. Nung bigla nga akong tawagan ni Direk Maryo J delos Reyes at sinabing matutuloy na raw ang “Torotot”, at tinanong ako kung may gusto akong irevise sa script, seriously wala akong maalala. Ni wala na akong kopya ng script, at siya pa ang nagpadala ng hard copy sa akin.


Pangalawa dito ang storyline ng “Kulam” na ang title dati ay “Mariang Hatinggabi” at sinulat ko noon para kay Direk Mel Chionglo. 7 years ago ata yun. Gusto niyang gumawa ng horror movie at si Maricel Soriano daw ang bida. Kaya kahit horror, dapat daw acting piece. Naisip kong gawin siyang kambal. Yung isa baliw. Kung di pa naman acting piece yun ewan ko na lang. Kaso walang nangyari sa project. Nung maging direktor ako, at hinihingan ako ni Mother Lily ng concept, isa ito sa pinadala ko sa kanya.


Grateful ako na kahit nagsisimula pa lang akong magdirek, hindi nagdalawang-isip si Judy Ann Santos na tanggapin ang pelikula. Malay ba niya kung ano ang kakayahan ko. In fairness napakagaling niyang artista. At alam kong sandamakmak ang fans niya. Eh dalawang beses papatayin si Juday sa pelikula. Baka awayin ako ng fans! Nangyari na yan sa kaibigan kong writer nung awayin siya ng fans ng Marimar dahil hindi natuwa sa itinakbo ng kwento. Kaya naman tinutukan ko ang project. Nung panahong ito, may offer sa akin ang GMA na magdirek soap. Malaking opportunity sana yun pero tinanggihan ko. Wrong move. Dahil halos isa’t kalahating taon ko palang pagdudusahan ang Kulam. Sa dami ng aberya, pakiramdam ko ako ang kinukulam. Minsan dumating ako sa set, walang production designer dahil nagkatampuhan daw ni Mother, kaya walang kalaman-lamang props yung opisina. Para lang matuloy ang shooting, umuwi ako sa bahay at hinakot ko lahat ng gamit ko para yun ang gamiting props. Yung climax na originally dalawang araw ko dapat kukunan, nauwi sa kalahating araw dahil nagkabuhol-buhol na ang schedule ng mga artista. Sa dami ng problema, kahit kami ng co-writer kong si Elmer Gatchalian, naging superstitious na. Sinisisi namin yung title ng pelikula sa dami ng kamalasang sinapit ng project. Actually nahawa lang kami kay Mother. Sobra siyang worried na baka may bad vibes ang title. Weeks bago ipalabas ang pelikula, ilang beses niya akong tinawagan, nagtatanong ng iba pang title. Eh nung time na to, yamot na yamot na talaga ako sa pelikula. Sabi ko kay Mother, para talagang safe, wag na lang kaming mag-title. Hahaha. Nabwisit ata sa akin si Mother, hindi na ako tinawagan. Tapos nalaman ko na lang, ang bagong title na pala ng Kulam ay “Mag-ingat Ka Sa… Kulam”. Huwaw.


Dumating ako sa point na gusto kong sabihin kay Mother na wag nang i-release ang pelikula at gawing straight-to-video na lang. Ang rason: Isang beses habang nag-e-edit kami, napansin ko may mga nawawalang eksena sa pelikula. Nalaman-laman ko, may naburang 45 minutes worth of footage. 45 minutes! Katumbas niyan, halos dalawang araw ng shooting. Ang daming nawawalang shots. Halos panay master shots ang natira. At yung iba, buong eksena ang nabura. Kasama yung dalawang crucial scenes sa ospital na hindi na kami pinayagang i-reshoot sa original location dahil sobrang mahal. Ending, sa lumang bahay kami ni Mother nag-reshoot. Buti na lang mukhang ospital ang bahay ni Mother. Yung ibang missing shots, di ko na rin nakunan, dahil nagbago na ang hitsura ng mga artista. In fact, kalagitnaan ng shoot ng Kulam simulan din ni Judai ang Ploning. Natapos, naipalabas, at napiling Philippine entry sa Oscars ang Ploning, hindi pa rin tapos ang Kulam.


Sa totoo lang, sa panahong ito, hindi praktikal para sa isang direktor ang gumawa ng pelikula. Mapa-indie o mainstream, hindi ka kikita. Lalo na siguro kung isa’t kalahating taon mong ginagawa ang pelikula. Sasama lang ang loob mo. Pero sa tinagal-tagal ko sa industriya, kahit gaano pa kalaki ang kinikita ko sa telebisyon, para sa akin iba pa rin ang paggawa ng pelikula. Ke nagsusulat ako o nagdidirek, ke mag-flop o lait-laitin ang mga gawa ko, pelikula talaga ang buhay ko.


Graded “A” ng Cinema Evaluation Board ang Kulam. At may victory party sa Regal ngayong Miyerkules dahil kumita siya. Pero sa totoo lang, mas ipinagpapasalamat ko na natapos din siya. Finally. Pwede na uli akong humugot sa baul ko ng ibang script na pagkakaabalahan.

Friday, July 25, 2008

small talk

Eto yung usapang wala lang. Pampalipas-oras. Pero effort.

Halimbawa, nagwawalis ka sa labas ng bahay, tapos biglang napadaan yung kapitbahay n’yo, bukod sa hi-hello, mandatory ang konting chitchat. Babatiin ka ni kapitbahay: “Nagwawalis ka?” Gusto mong sabihin, “Obvious ba?” pero siyempre magpapaka-nice ka, at dahil pressured ka nang makipag-usap, kahit kitang-kita mo yung bitbit niyang supot ng galunggong, prutas at mga gulay, itatanong mo pa rin, “Namalengke ka?” Siguro ilang minuto ring tatagal ang chikahan n’yo, pero sa totoo lang, wala talaga kayong pinag-uusapan.

Sa lahat ng pinakaayaw ko eh yung small talk sa mga reception ng kasal/binyag. Imagine, nag-abala kang mag-gown, maghanap ng regalo, tapos i-aasign ka sa isang table na halos wala kang kakilala. Talo mo pa ang niru-root canal! Lalo na pag yung katabi mo, sa halip na makipag-small talk, life story niya ang ikukwento sa yo.

Dapat ang small talk parang one-night stand. Ang difference lang, walang orgasm. Asa ka pa eh hindi naman nagpi-peak ang chikahan nyo. Panay foreplay. At ganun lang talaga yun. Forgettable. Walang commitment. Ang problema sa ibang tao, pag nakipag small talk, parang naghahanap ng bestfriend.

Nung istudyante pa ako, sobra akong stressed pag may nakakasabay akong kakilala sa jeep o bus. Dahil bukod sa small talk, mag-uunahan pa kayo sa pagdukot ng pera. At sa unwritten rule ng pakikipag-small talk, pag ikaw ang nilibre sa pamasahe, ikaw ang kelangang magdala ng kwentuhan. At siyempre, ang lagi kong opening line, kung ano ang obvious: “Ang traffic no?” Depende rin sa season, pwede yan maging: “Ang init no?” (pag summer) o “Uulan ba?” (pag rainy season).

Sa industriyang ginagalawan ko, ibang level ang small talk. Madalas, sino-showbiz ka na. Gaya minsan, may nakasabay ako sa elevator ng GMA, hindi ko sure kung taga-ibang department siya o reporter o PA ng isang artista pero pamilyar ang mukha, kaya nag-hi ako. Pwede namang nag-hi na lang siya pabalik, kaso chumika pa ang bakla:

CHICKADORA: Ang ganda-ganda po ng episode n’yo last week, ha! Naiyak ako!

AKO: Thank you. Anong show yun?

CHIKADORA: Yung hawak n’yo po.

AKO: Alin dun?

CHIKADORA: Ang gagaling nga po cast! Napa-clap talaga ako!

AKO: Ah talaga? Sino?

CHIKADORA: Sabagay magagaling naman talaga yun!

AKO: (At this point alam kong sino-showbiz na ako kaya ngumiti na lang ako)

CHIKADORA: Dapat i-submit n’yo po yun sa Asian TV Awards! Siguradong mananalo kayo!

AKO: (Ngiti uli pero kulang na lang malapit ko na siyang tirisin)

Pregnant pause. Ang bagal ng elevator.

CHIKADORA: Ambagal po ng elevator no?

Sunday, June 15, 2008

the ring

Sabi ng friends ko magpalit na raw ako ng cellphone. Bakit kaya?


Hahaha. Cellphone ko yan 5 years ago. Sobrang favorite ko kaya tago-tago ko pa. Yung gamit ko ngayon, medyo jurassic na rin.

Hindi talaga ako mahilig magpalit ng model. Hindi rin ako mahilig mag text. O mag-check ng text. Bilib nga ako sa mga taong pag tinext mo, nakakasagot agad. Eh ako madalas nasa bag ang cellphone, naka-silent pa.

Dati, gigil na gigil sa akin si Mother Lily pag hindi ko nasasagot agad ang tawag niya. Eto yung panahon na lima-lima ata ang cellphones ni Mother. Minsan sa gitna ng meeting namin, sabay-sabay na magri-ring lahat. Sabay-sabay niya ring kakausapin. Yung isang kausap, maririnig mo, minumura niya. Yung isa, kinakantahan ng happy birthday. Siyempre meron din siyang ini-Instik. Tapos minsan magri-ring din yung landline, at sasagutin niya rin yun. Mamaya gulung-gulo na siya kung sino ang kausap niya. Yung may birthday minumura na niya, at yung kaaway kanina bigla na niyang kinakantahan.

Nung bata ako, sobrang traumatic sa akin ang paggamit ng telephono. Hiwalay ang parents ko, at araw-araw pag bakasyon, Lunes hanggang Biyernes, ako ang inuutusan ng mommy kong tawagan ang daddy ko sa office para humingi ng pera.

Sasabihin ng daddy ko, walang pera. Pagbalik ko sa mommy ko, magagalit siya. Tawagan mo uli ang daddy mo at sabihin mo sa kanya, ang dami niyang kotse tapos wala siyang pera? Gago siya, gago, gago! At para eksakto ang sasabihin ko, isusulat pa ng mommy ko sa papel lahat ng pagmumura niya sa daddy ko para basahin ko sa telepono.

Alangan namang hindi ka sumunod. Eh di babasahin ko yun sa daddy ko. Papa, sabi ni mama gago ka raw. Gago, gago, gago… po. At least magalang di ba? Saka walang emotion para maintindihan ng daddy ko na hindi ako ang kaaway niya. Kaya isa sa favorite actresses ko si Jacklyn Jose. Nakaka-relate ako sa underacting technique niya. 8 years old pa lang ako na-master ko na yun. Pa, hayup ka raw. Magsama daw kayo ng kabit n’yo sa impiyerno… po.

Siyempre kahit anong galang ko, magagalit din ang daddy ko. At mumurahin niya rin ang mommy ko. Ma, sabi ni Papa gaga ka rin daw. Gaga, gaga, gaga… po. Eh di lalong titindi ang away. Talo pa nila ang nagpi-pingpong. Ako yung bola.

Buti sana kung may sarili kaming telepono. Kinse minutos ang nilalakad ko papuntang palengke para lang makitawag. Hindi ako pwedeng mag-tricycle kasi sakto lang sa pambayad sa telepono ang dala kong pera. Imagine, trenta minutos ang roundtrip. Nakakailang balik ako, at minsan tinatakbo ko pa pag tanghali para maabutan ang daddy ko bago mag-lunch break. Minsan gusto ko nang mag-collapse sa sobrang pagod at ngarag. Kaya hate ko ang bakasyon nung elementary ako. Pero in fairness, dahil sa training na yun, tuwing may sportsfest sa school, ako ang laging pambato pag may marathon.

Ambilis ko kayang tumakbo.

Wednesday, June 11, 2008

the happening


Inabangan ko talaga ang pelikulang ito. Feeling ko dito babawi si Shyamalan pagkatapos siyang laitin ng buong universe sa Lady in the Water. 11 am pa lang nasa Shangri La na ako para manood. Eh 12:45 pa pala ang 1st screening. OA. Huling beses na inabangan kong magbukas ang sinehan, may career pa si Nora Aunor. Nahila ako ng mommy kong manood ng Ang Totoong Buhay ni Pacita M. Siyempre panay Noranians ang kasabay namin. Tuwing may dramatic moment si Ate Guy, nagpapalakpakan ang fans. At may mga taong pumupwesto sa harap ng screen pag may close up si Ate Guy at nagpapapiktyur. How bakya, sabi ko sa sarili ko. Siyempre feeling ko sosyal ako. Naloka ako nung biglang maglabas ng camera ang mommy ko at gustong magpapiktyur din.

Pero aamin ko, pagdating kay Shyamalan, kasing diehard ako ng mga Noranian. Nilagay ko siya sa google alert ko. Kaya linggo-linggo may chika ako tungkol sa kanya. At inorder ko pa sa Amazon yung The Man Who Heard Voices kung saan ikinuwento niya lahat ng kalbaryong pinagdaanan niya para lang maproduce ang Lady in the Water. At dahil dun lalo akong bumilib sa kanya.

Kaya eto depressed ako. Dahil mahirap tanggapin pag pumapalpak ang idol mo. Katulad ito ng depression ng mommy ko nang manood kami ng ’Merika ni Ate Guy. Tatatlo lang kami sa loob ng sinehan. At yung pangatlo eh usher pa. Pero kahit papano may angking ganda naman ang ‘Merika. Eh etong The Happening? Hay. Di ko alam kung saan magsisimula.

Ang unang-unang mapapansin mo eh kung gaano kasama ang acting. Diba na-nominate dati itong si Mark Wahlberg para sa The Departed? Anong nangyari? Aba eh talo pa niya ang nag-workshop sa Batibot kasabay nina Pong Pagong at Kiko Matsing. Panay boses, yung mukha hindi nagbabago. Buti sana kung puppet siya. Sana nagbuhad na lang siya. Baka mas naging effective ang portrayal niya.

Ilang beses daw ni-rewrite ni Shyamalan ang script nito. Suspetsa ko, nung mga panahong yun, tumigil din siya sa panonood ng pelikula. Kaya hindi niya siguro napanood ang Right at Your Door na naka-sentro din sa isang lalaki, at yung paranoia niya tungkol sa mga nangyayari sa paligid niya. Kasi kung nasilip man lang niya ito, baka hindi na niya itinuloy ang The Happening. Although tungkol sa terorrism ang Right At Your Door pareho sila ng tone at motiff. Parehong tumatalakay sa ecological disaster at paranoia. Yun nga lang, di hamak na mas pulido at entertaining ang Right At Your Door. At gaya ng mga pelikula ni Shyamalan, meron din siyang twist sa dulo. Yun ang wala sa The Happening. Siguro nagsawa na si Shyamalan. Pero sana nag-isip siya ng matinong ending. Kasi wala ring ending ang pelikula. Kung saan-saan ka dinala, tapos parang naisip na lang niya, hmmm 1 hour and 20 minutes na, kailangang tapusin ko na ‘to.


Sobra akong disappointed kay Shyamalan gusto kong i-quote si Melanie Marquez nung interbyuhin siya ni Inday Badiday at tanungin kung ano ang message niya sa kaaway niyang mother-in-law: "Ate Luds, I have to say this in English because I want her to understand what I'm saying. This is what I want to say... Mommy- (breathes deeply) Ang labo mo!"

Mr. Shyamalan, labo mo.

Tuesday, June 03, 2008

congratulations

Palakpakan para kay mygulch@gmail.com. Sa kanya mapupunta ang mga libro ko. Para sa ibang sumali, ni-raffle ko ang mga pangalan n'yo at eto ang dalawang nabunot ko para sa consolation prizes: amityville_24@yahoo.com (Powerbooks GCs worth 3K) at hastydevil (Powerbooks GCs worth 2K).

O siya yun na muna at ngarag ang lola. Sa mga nanalo texttext na lang tayo. Salamat sa lahat ng sumali. In fairness masaya palang magpa-contest!

Tuesday, May 06, 2008

books! (AND THE WINNERS ARE...)

Hello, siyempre wala pa. Ang daming sumali! Me iba gumawa pa talaga ng ibang e-mail address para maraming entries haha. Pag-iisipan ko itong mabuti. Abangan n'yo sa Sunday or Monday (June 1/2). Salamat!


Kelangan ko ng mag-a-ampon sa ilang libro ko. Ayoko sanang ipamigay pero nag-uumapaw na sila sa dami. Pati toilet sa maid’s room ginawa ko nang tambakan (eh tutal wala naman kaming maid), tapos sa sala may dalawang balikbayan boxes pa ng mga libro na wala na talaga akong mapaglagyan. Plano ko nung December mag-garage sale. Siyempre hindi ko nagawa dahil na-imbento ang tinatawag nating Christmas party. Sa kaso ko, dalawampung parties ata ang pinuntahan ko. Habang tumatagal sumusungit ako, kaya nung huling party padabog na akong mamigay ng gifts. Akala ata ng friends ko masama sa loob kong regaluhan sila. Pagod lang po ako.

Balik tayo sa mga libro ko. In fairness nahirapan akong mamili kung anong ipamimigay ko kaya karamihan dito extra copies ng mga librong paborito ko (mahilig akong mamigay ng librong nagustuhan ko). In short, karamihan sa kanila mukhang bago pa, yung iba nga hindi pa nabubuksan.

Meron pa akong 3 copies ng The Kite Runner ni Khaled Hosseini. Meron din akong books nina Haruki Murakami (2 copies ng After the Quake; Kafka on the Shore); Gregory Maguire (2 copies ng Wicked at Confessions of An Ugly Sister; The Dream Stealer); Jose Saramago (The Double); Luis Alberto Urrea (The Hummingbird’s Daughter)… at kung sinu-sino pa.

May travel lit (A Year in Provence by Peter Maybe; Bangkok Babylon by Peter Hopkins), chick lit (The Mermaid Chair by Sue Monk Kidd; I Don’t Know How She Does It by Allison Pearson); young adult (Mostly Philip Pullpman- Butterfly Tattoo; The Broken Bridge etc) saka graphic novels (Sandman Endless Nights, sandamakmak na X-men, Spider-man, Batman; compendium ng League of Extraordinary Gentlemen, Justice League, etc.


Yung isang balikbayan box ng bestsellers pinamigay ko na (Lahat ng Agatha Christie, Dan Brown, John Grisham, copies ng 5 people you meet in Heaven, ang walang kamatayang Purpose Driven Life, at The Secret etc). Ang natira eh yung box na ayokong ibigay kung kani-kanino lang. Hello, Murakami? Saramago? Kelangan dito serious reader. At graphic novels? Kelangan geek. O medyo geek (basta cute hehe).


Pero ayoko ring mamigay nang patingi-tingi kasi karir. One time big time ito. Buong box ibibigay ko sa taong makakasagot sa tanong na ito: What is the essence of being a woman? Ching. Seriously, mag-iwan kayo ng message sa comments section, ilista n’yo dun ang 10 most recent books na nabasa n’yo this year. Kung swak ang taste natin, sa inyo na ang box ng mga librong ito! Wag n’yo kalimutang mag-iwan ng email address. Hanggang May 29 lang ang “contest” na ito. (Dahil pag walang pumatol, dadalhin ko na lang lahat ito sa Zambales field trip ng troublefree group ngayong May 30. Madame, humanda ka, mag-uuwi ka ng X-men!)

UPDATE:


Tama si Ate Sienna, nakakaloka nga ang dami ng sumali. At maraming umaapila. May gustong mag-donate sa libraries, may mga nagmamakaawa, at merong nagkwento ng buhay nila. Muntik na akong maiyak sa iba pramis, tinawagan ko tuloy ang "Wish Ko Lang" pero sabi nila sari-sari store lang ang ipinamimigay nila.

Kaya eto... dahil naniniwala ako sa halaga ng pagbabasa, at dahil medyo naantig din ako, sige na, babasagin ko na ang pinakaiingatan kong piggy bank at mamimigay na rin ako ng consolation prizes- 3K (1st runner up, with sash) at 2K (2nd runner up at ang titulong miss friendship) na gift certificates sa Powerbooks. Ayan ha, todo na yan mga kapatid.

Monday, April 21, 2008

gym

Usually umaga ako nasa gym. Para konti pa ang tao. Pag 6 pm kasi ang dami nang rumarampa. Sa dami ng tao parang gusto mong mag-request ng traffic light. Saka fashion police. Ang daming babaeng naka-body suit with matching legwarmers at wristbands. Kulang na lang belt (o kaya shoulder pads, why not!) pwede ka nang mamigay ng award for best in costume. Jane Fonda eez dat yu? Or eez dat yu Olivia Newton-John? Sabagay, nung una din kaming mag-gym ng mga amiga ko, mas napapagod kami sa pagsa-shopping ng outfit kesa sa pagbubuhat ng weights. Isang beses sobra naming kinarir ang pagiging color-coordinated. Talo pa ang star rangers. Favorite show ko to dati sa RPN 9 nung bata pa ako. Red 1! Yellow 3! Green 5! Ayun, nagmukhang kaming christmas tree.

Ang hindi ko talaga maintindihan, eh bakit may mga babaeng kinakarir mag-make up sa gym? Tapos retouch nang retouch pag pinagpawisan. May isa akong donyang nakakasabay lagi sa gym, pati kilay kinakarir. Isang beses pagkatapos niyang mag-retouch, paglabas niya ng CR, mas mataas yung isa. Akala tuloy ng mga tao nagtataray siya. Eh ikaw ba naman ang magdrowing ng kilay pagtapos mong mag-bodyjam. Nakakahilo yun a. Ako nga kulang na lang gumapang pauwi sa sobrang pagod, magdrowing pa talaga ng kilay?

Nung may trainer pa ako, sabi niya sa akin mas nakakagigil daw magbuhat ng weights pag nakikinig ka sa music. Importante daw ang gigil. Eh yun ang wala ako. Kaya napabili ako ng ipod. Kaso pinuno ko ng emote songs. Tuloy, sa halip na manggigil medyo nateary eyed pa ako habang nagba-biceps curl sa Hopelessly Devoted To You.

Ngayon may bago na akong motivation sa paggi-gym. Doon ko pinapanood ang “Barefoot Contessa”. Talo ko pa ang uma-attend ng cooking class habang nagti-treadmill. Kanina lang natutunan ko kung paano gumawa ng potato pancakes. At meron pang tips kung paano gumawa ng isang bonggang picnic basket. Fabulousness!

Para sa lahat ng mga nangangarir mag-gym, eto lang ang masasabi ko: Girl, wag OA. Sabi nga ng idolo kong si Mika...

Tuesday, April 15, 2008

up workshop

Nung 1994 natanggap ako sa UP National Workshop. 2 weeks kami sa Baguio. Sa umaga nasa workshop, sa gabi naglalasing. O kunwari naglalasing. Eh di ba ganun ang trip pag bata ka, kunwari tipsy, para next day kunwari hindi mo maalalang hinalikan ka ng crush mo na akala mo super straight. Eh semi straight pala syet. Saka hindi naman talaga yun halikan. Smack lang. With tongue.




Sa workshop noong 1994 ako unang nakakita ng multo. Saka naligo sa ulan sa Burnham Park. Dun ko rin unang nakilala si Auraeus Solito kasama ang jowa niya- na in fairness, cute. Lagi silang makaholding hands. At minsang gumimik kami sa Spirits, naghalikan pa sila sa harap ko. Dahil closeta—o semi-straight—pa ako nun, na-iskandalo ako kay Auraeus. Tapos nalaman ko, taga-Sampaloc din pala siya, halos magkapitbahay kami. Pagbalik ko sa Manila, madalas tumatambay na ako sa bahay niya. At sa bahay ng iba ko pang nakasama sa workshop.




Nung imbitahan akong sumali sa UP Workshop ngayong taon, hindi ako nagdalawang isip. Lahat ng deadlines, lahat ng trabaho, inusog ko. Nung hindi ko maiusog, tinakasan ko. Kaya ngayon wanted ako.




Kumustahan ang workshop. Writers in mid-career. In short, ngayong tumatanda na kami, ano ba talagang plano namin sa buhay namin? Siyempre ako mas concerned ako sa outfit na isusuot ko araw-araw sa workhop. Hello, Baguio yun, may excuse akong mag-scarf! At kumarir ng buhok. In fact, limang klaseng hair wax ang dala ko. Medyo nahiya lang ako nung may makapansin na ang dami kong dalang sapatos. Kaya hindi ko na sinuot yung isang pares. Baka isipin hindi ako serious writer.





Pero eto ang totoo: sobra akong nagpapasalamat na napasama ako sa workshop. Lahat ng hinahangaan kong writers, andun. Lahat sila, nag-abalang basahin ang sinulat ko. At nagbigay ng opinyon. Ang dami kong natutunan. At ang lalong nakakatuwa, ang dami kong naging bagong kaibigan.

Friday, March 28, 2008

top gun



Gay film ni Tom Cruise. Hehe.

Wednesday, March 26, 2008

TV

Nung bata ako, siguro kinder ako nun, ganito ako magdasal: “In the name of the father, the son and the holy spirit, amen. Jesus, ang idadasal ko po ngayon ay yung dinasal ko kahapon. Thank you po. Amen.” Medyo madugas pero iisa lang naman kasi ang dinadasal ko pag hindi ako inaantok: “Jesus, sana magka-TV na kami. Saka pridyeder (frigidaire, sikat na brand noon ng ref). Saka game-and-watch.” Etong tatlong bagay lang talaga ang pinagdarasal ko dati. Eh mahirap kasi kami, kaya rurok na ito ng kaligayahan para sa akin. Lalo na ang magkaroon ng TV!

Grade 1 na ata ako nung nagka-TV kami. Bago yun, nakikinood lang ako sa kapitbahay namin, si Aling Melba. Lagi ko ring ipinagdarasal noon na sana maganda ang mood ni Aling Melba. Para bukas ang bintana ng bahay niya. Dun ka lang kasi pwedeng manood, makikipagsiksikan ka pa sa ibang bata na sumisilip din sa bintana.

Bata pa ako alam kong bading na ako kasi ang favorite TV shows ko noon “Charlie’s Angels” saka siyempre “Wonder Woman”. Favorite ko rin pala yung “Man from Atlantis” kasi cute yung bida. Lagi kong inaabangan kung kelan siya matitilamsikan ng tubig. Anladi kong bata di ba.

Eto ang totoo: nakapunta na ako sa kung saan-saang bansa, nakakain ng masasarap, nanalo ng kung ano-anong awards, pero wala pa ring papantay sa happiness na naramdaman ko nung araw na i-deliver sa bahay namin ang una naming TV.

Tumagal din siguro yun ng 5 years, tapos isang araw, bigla siyang namatay mag-isa. Nung binubuksan namin, ayaw nang gumana. Hindi pa uso ang El Shaddai noon, ni wala pang mga Born Again, pero may konsepto na ako ng pray-over: Hinawakan ko yung TV at dinasalan ko. As in dasal na mangiyak-ngiyak. Dasal na humihingi ng miracle.In fairness, nung binuksan uli namin, bigla siyang gumana! Pero audio lang.

Dun ata ako unang nadisappoint sa Diyos (turo sa atin wala tayong karapatang madisappoint sa Diyos, pero hello wag na tayong maglokohan, mga tao lang tayo). Hindi ko maintindihan kung bakit ibibigay na lang niya ang hiling ko, hindi pa niya tinodo. Imagine, naririnig ko ang boses ni Wonder Woman pero hindi ko siya nakikita! Ano’ng point di ba?

Maraming beses sa buhay natin, sa pag-ibig, sa career, sa pamilya, o kung bata ka at ang gusto mo lang naman ay mapanood ang favorite TV show mo, may mangyayari at mangyayari na hindi kakayanin ng powers mo, at maitatanong mo na lang: Ano’ng point?

Wednesday, March 19, 2008

gucci gang

Alam n’yo yung feeling ng pagiging makasalanan? Para kang bumili ng chocolate truffles sa Shangri La. Pagkamahal-mahal pero pagkasarap-sarap. Ilalagay mo sa freezer tapos susubukan mong kalimutan kasi nakakasira ng diet. Pero siyempre hindi mo makakalimutan. Kaya titikim ka. Isa lang. Pero sinong niloko mo? Dahil nakatikim ka na, wala ka nang pigil. Kukuha ka ng isa pa. Hanggang mamaya, nilalantakan mo na yung buong kahon ng tsokolate.

Ganyan ang pakiramdam ko pag binibisita ko ang blog ni Brian Gorell.

Sa halip na nagsusulat ako ng script, hala binabasa ko ultimo comments sa blog. Adik di ba. Eh kasi naman, lahat na ata ng bonggang elements na hahanapin mo sa isang soap, andito: may melodrama, suspense, cliffhangers, unlikely coincidences, excessive lifestyle, love triangles, evil characters, deep dark secrets, pati overheard conversations meron! Ang kulang na lang, isang character na magkaka-amnesia.

Pero tayo na pala yun. Kasi tayong mga Pinoy, sa dinami-dami ng expose at scandal na binalandra sa atin mula Edsa Dos hanggang Hello Garci, eh talaga namang talo pa ang bidang character sa soap na laging nakaka-amnesia. Ambilis natin makalimot. Kaya sigurado ako, next month, wala na to. Next month, baka binibili na natin ang relo na ine-endorse ng isa sa Gucci Gang. Next month, baka nililibing na natin si Lozada.

May eksena sa volume 8 ng Ultimate Spiderman na favorite ko. Tinanong ni Peter Parker ang teacher niya sa klase kung bakit hindi pa rin nakukulong si Kingpin kahit may malakas na ebidensiyang pumatay ito. Sagot ng teacher: “I think that our judicial system has its flaws, but it does serve us well, you have to look at the bigger picture… I guess, well, he does a lot of good for the city as well.”

Eto ang pam-Famas na dialogue ni Peter Parker: “When does it happen exactly? During college? After college? When you turn thirty? When do you just give up? To the point where you can actually look me in the eye and say ‘sure he murders, but he’s got good qualities too.”

Sunday, March 16, 2008

Saturday, March 08, 2008

deadma

Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, may isang bagay akong natutunan bukod sa pagtataray. Yan ay ang art ng pandedeadma.

Basic ang pagtataray. Lahat tayo pwedeng magtaray.

Pero hindi lahat kayang mandeadma. Kasi marami sa atin mapagpatol.

Eh sa karanasan ko, madalas mas effective ang pandedeadma.

Wag mong pansinin ang tao. Pabayaan mo siyang mamatay sa ngitngit.

Eto ang ilang exercises para ma-perfect n’yo ang art ng pandedeadma:

1) Magpunta sa Amsterdam kung saan may pinakaraming cute guys per square meter. Kung hindi afford ang Amsterdam, pwede na rin ang Boracay kung saan maraming artista at artistahin tuwing Holy Week. Simple lang ang dapat mong gawin. Maglakad-lakad. Siguradong hindi magtatagal, may masasalubong kang cute. Eto ang challenge: Wag mo siyang lilingunin o hahabulin ng tingin! Kahit nginingitian ka na, kahit nakalabas pa ang dila! Para mandeadma ng isang tao, dapat kaya mong i-resist na mag-react sa kahit anong paraan. Kung kaya mong pigilan makipag-eyeball sa isang super cute guy, chances are kaya mo ring mandeadma.

2) Magsimba. Magsimba nang naka-corset at belong pula. Siguradong pagtitinginan ka ng mga tao, pero bakit ba? Basta taimtim ang iyong pagdarasal at wagas ang iyong pananampalataya, sino sila para husgahan ka? Tapusin ang buong misa sa outfit na suot. Pag nagawa ito sa kabila ng bulung-bulungan, panlilibak at tinginan ng mga tao, ateng panalo ka. Narating mo na ang rurok ng pandedeadma!

3) Pag-ipunan at bilhin ang pinakaaasam na Prada leather bag. O Gucci belt. O kahit anong mamahaling branded item. Tapos ipagkalat mong fake siya at binili mo lang sa Greenhills. Ang tawag dito ay self-denial. Pagpipigil kahit gigil na gigil ka nang ipagyabang na na-afford mong bumili ng sosyal na bagay. Pag nalagpasan mo ang desire na magyabang, siguradong kaya mo ring mandeadma. In short, hindi importante sa yo ang makipagpatalbuhan kahit kanino. Sa sarili mo, alam mo, alam mo ate, alam mooo na totoo ang Gucci bag mo. At yun ang importante syet.

At siyempre, ang pinakamahalagang aspeto ng pandedeadma: Be happy. Magtrabaho ka kung kelan mo gusto. Magbakasyon ka kelan mo rin gusto. Be in total, complete control of your life. Tingnan lang natin kung hindi sila lalong mamatay sa inggit.

One word: Belat.

Thursday, March 06, 2008

pagod


Pagod ako. As in. Sa sobrang pagod, hindi ako umaalis ngayon nang walang unan sa sasakyan. Minsan late na ako papuntang set, bumalik pa ako sa condo. Kasi nakalimutan ko ang unan ko. Eto yung pagod na pag naglalakad ka ang iniisip mo: konting hakbang na lang nasa van ka na, pwede ka nang matulog. Sa sobrang pagod eto lang ang kaya kong ipost.

Wednesday, February 27, 2008

incredible tales

5th season na ng Incredible Tales sa Singapore. Parang siyang "Nginig" o "Wag Kukurap" dati. Si DJ Utt ang host. Every week, iba't ibang horror stories mula sa Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia at Australia ang ipinapalabas nila. Ito ang first time na may ipapalabas silang kwento galing Pilipinas.

Aktwali wala sa plano kong idirek ang episodes. Na-involve lang ako dahil nagpapatulong maghanap ng writers si Mr J para sa show. Pero nung pumunta ako sa Asian TV Awards last year, na-meet ko ang producers at nung malaman nilang nagdidirek din ako, tinanong nila kung ok lang na magsubmit ako ng sample work. Eh di nagsubmit ako. Siyempre ang pinadala ko yung "Milagroso" kasi na-nanominate yung best tv drama sa Asian TV Awards. Tapos na-realize ko, drama nga pala ang "Milagroso", eh horror ang "Incredible Tales". Haha. Buti na lang natuloy pa rin.

One-cam set-up ang shoot. At ang super high tech ang camerang gamit namin, dinala pa galing Singapore dahil wala pa raw nun dito sa Pilipinas. 5 million pesos yung camera, kaya ingat na ingat kami. In fairness parang pelikula ang rehistro. At hindi matakaw sa ilaw kaya kahit halos 7 pm na, pwede pa rin kaming mag-shoot ng exterior scenes nang hindi nag-iilaw.

Pakiramdam ko, TV commercial ang dinirek ko. Kasi nakadikit sa kin the whole time ang Singaporean producers, laging nakatitig sa monitor, tinitingnan ang shots ko. Talo pa ang me nanonood na ahensiya (ad agency). Buti na lang mabait sila, at hindi pinapakialaman ang pagdidirek ko.

Gulat na gulat ang Singaporean producers nung 1st day. Halos 100 kasi ang tao sa set, pero sabi ko nga, maliit pa yun kumpara sa set ng isang soap opera. Pero sa Singapore daw, 10 lang sila per show. At drama series ito ha. Sabi ko dapat magtayo sila ng school dito.


Ninakaw ko to sa facebook ni Julianna.


7 am the next day, sinabit namin si Julianna sa ibabaw ng kotse habang umuulan. Napakaprofessional ng lola nyo. Walang reklamo.


May dalang mini-ref si Lance Raymundo na puno ng pagkain. Siyempre buong araw naming niri raid.


Reading. Kahit antok na antok pa ako. Dinadaan ko na lang sa projection.


Bisibisihan.


Kodakan habang hinihintay tumigil ang ulan


Anne Garcia. Lahat ata ng projects ko, andun siya.


Waiting. Waiting. Waiting.


Nina Jose (FHM cover girl this month)

Sunday, February 17, 2008

still showing




Eto ang mga pelikulang maipagmamalaki talaga natin. Palabas pa rin sila.

Nood kayo.

Please.

Ibibless kayo ni Lord. :)

pssssst… your puwet is showing

1. Buong araw akong nasa Tagaytay nung Feb 14, hindi para mag-date kundi para maghanap ng locations para sa Singapore project na ididirek ko. Halos 7 pm na nang makabalik kami sa Makati. Wala kaming planong mag-date ng partner ko pero dahil pareho kaming nasa area nag-decide kaming magkita at magdinner sa Greenbelt 5. Soft opening nung restaurant na kinainan namin. Pumuwesto kami sa may balcony para may view. Mula sa kinauupuan ko, kita ko rin ang glass partition wall ng restaurant, at ang mga taong kumakain sa loob, ang iba nakatalikod sa akin. Kabilang ang isang celebrity at ang model friends niya. Itago natin siya sa pangalang JJ. Bakla si JJ. At fashionista. Nang gabing yun, naka-baby tee siya na puno ng glitters at super tight na low-waist red pants. Mga kapatid, alam naman nating maganda lang pang-rampa ang super tight at low waist na pants… pero karir i-carry oras na umupo ka kasi 1) sa sobrang sikip, pag-upo mo, siguradong luluwa ang bilbil mo at 2) sa sobrang low waist naman, luluwa rin ang puwet mo. At dahil nakatalikod sa akin si JJ, kitang-kita kong naghe-hello ang crack ng puwet niya. Lalo na pag humahagalpak sila ng tawa ng friends niya. Lalong naghe-hello. Hindi lang basta hello. Naha-how-are-you din. Ganun kalala. Siyempre distracting. Kasi parang wala siyang suot na brief. O baka naman naka t-back ang bakla. Lalo ring distracting kasi parang hindi pantay ang kulay ng puwet niya. May part na medyo maputi, may part na parang nangingitim. O baka an-an lang yun. Hindi ko tuloy makain nang maayos yung hototay na inorder ko. May puwet ba namang nakaharap sa akin. Gusto ko talaga siyang katukin, “Excuse me po, your puwet is showing.” O di ba. At least magalang pa rin ako.

2. Dahil puwet na rin lang ang pinag-uusapan, naalala ko tuloy, minsang nasa Jollibee kami at kumakain ng chicken joy, tinanong ako ni Rene (Villanueva) kung kumakain ako ng puwet. Sabi ko, hindi. Wings at legs lang. Sagot niya, matututo rin daw ako. Masarap daw ang puwet. Tapos nagtawanan sila ng friends niya. Rene, nasaan ka man ngayon, hindi pa rin ako natututong kumain ng puwet. At sa na-experience ko sa Greenbelt 5, parang di naman siya appetizing.

3. Sabagay kanya-kanyang trip lang talaga yan. Rule ko nga sa buhay: Walang basagan ng trip. Gusto mo ng puwet, by all means. Wala ka namang tinatapakan eh, kumakain ka lang ng puwet. Hahahaha.

4. Maiba naman ako. Nakatanggap ako ng text mula sa Creative Writing Center ng UP. Inimbitahan akong maging Fellow for Drama sa 47th UP ICW National Writers Workshop. Tinanggap ko agad. Di ko lang sure kung gaano kangarag kasi parang kinagabihan pagkagaling kong Tokyo diretso agad akong Baguio. At di ko rin sure kung anong screenplay ang isa-submit ko: “Kung Ako si Kris Aquino” o “Mr & Mr Lee”. Eto ang problema: nag-crash ang macbook pro ko 3 days ago. At mukhang hindi ko mareretrieve lahat ng files ko. Kaya kung anuman ang isa-submit ko sa workshop, parang isusulat ko uli from scratch. Hello.

5. Finally magre-resume na raw ang shooting namin ng Kulam. Ewan ko na lang talaga kung anong kalalabasan ng pelikulang ito. Baka sumabit kami sa continuity. Kalahati ng staff ko nung sinimulan ko ang pelikulang ito, wala na. Yung iba, sumampa na sa barko para magtrabaho sa ibang bansa. Hindi mo naman masisisi. Siyempre kailangan nilang kumita.

6. May deadline ako sa sarili ko ngayong March 15. Pag hindi kami nagkasundo at hindi ko nakuha ang hinihingi ko, malamang hindi na talaga. Eto na yun. Excited ako na kinakabahan na hindi ko alam. Pero ready na ako. As in.

7. Pag hindi, eh di hindi. Eat my puwet.

Saturday, February 09, 2008

PDI reviews Roxxxanne


We got a rave review today from the Philippine Daily Inquirer!

"... in the taut and gripping cautionary drama, “Roxxxanne,” Lana finds the perfect balance between social commentary and mature entertainment. Lead actor Jay Aquitania is pitch-perfect as Marlon, a handsome but closeted gay student who collects cell-phone porn videos to impress his friends—especially tricycle driver, Jonas (Janvier Daily), to whom he’s attracted.

Then, the sexually confused protagonist’s pastime takes a deadly turn: In his search for the ultimate sex video, he consequently ends up creating a scandal involving one of his mother’s (the scene-stealing Elizabeth Oropesa) boarders, the mysterious Roxanne (Sheree, who’s beautiful but awkward)—that leads to unspeakable tragedy!

Lana’s film deftly tackles Filipino society’s destructive culture of gossip as he interweaves issues involving homosexuality, physical (and verbal) abuse—and the dangers of modern technology!"

-Rito P. Asilo
Philippine Daily Inquirer
9 February 2006

Wednesday, February 06, 2008

showreel

I'm posting my showreel here for prospective producers who want to finance/produce my indie projects. I am currently working on two: "KUNG AKO SI KRIS AQUINO" (a woman is magically transformed every time she wears what she believes to be Kris Aquino's old pair of heels) and "MR & MR LEE" (a Filipino gay couple based in Australia files for divorce; who gets the child?).




I have not updated this showreel. It does not include my TV work for GMA 7 and the movie I produced Roxxxanne. Btw, Milagroso was nominated for Best Drama at the 2006 Asian TV Awards.

My email: octobertrain@yahoo.com.

Thanks.

Tuesday, February 05, 2008

sagot sa comments

Pasensiya na hindi ako nakakasagot lagi sa comments nyo. Eto subukan kong humabol:

1. Blogger Quentin X said...
Will we get to see this film at the Brisbane Queer Film Festival this year? (February 4, 2008 5:01 AM)

JL: Sa totoo lang, di ko pa talaga alam kung saang festival isasali ang Roxxxanne. Tiningnan ko minsan ang listahan ng festivals sa withoutabox.com at nawindang ako sa dami. At mahirap ding mag assume na matatanggap siya.

May nag-iwan ng message na ito sa blog ko recently: “hi jun. my name is xxxxx and I’m the programming director of xxxxx. our website is xxxxx, in case you want to check it out. i saw the trailer in youtube and was instantly intrigued. i’m originally from the Philippines so I can understand Tagalog. i was wondering if you can send me a dvd screener for consideration in the festival. i assure you, once you get into one of the festivals, you will definitely get noticed and you might even get US distribution or at least dvd rights. send me an email at xxxxx and we can chat more. oh and please don’t publish this comment since it has my email addy.”

Siyempre naflatter ako nung matanggap ko ang message. Pero nakaisang linggo ata bago ako nakapag-email. Medyo na-tense ako… na-tense ako sa gagastusin haha. Hindi biro gumawa ng screener. Gagastos ka sa subtitles. At medyo mahal din magpadala ng entry. 3k din per package sa Fedex. Imagine kung sampung film festivals ang padadalhan mo, 30k na yun. Tapos hindi lang pala matatanggap. Tingnan na lang natin. Bahala na si Batman.

Pero amazing ang youtube no? Me balita nga ako, yung “Daybreak” daw ni Adolf Alix, napanood ng isang foreign distributor ang trailer sa youtube, at sa basis ng napanood na trailer, binili na agad ang pelikula. Wow! Siyempre tsismis lang yan, at di pa confirmed, nasagap ko lang mula sa isa sa mga producers ng “Sikil” habang nagtsi-tsismisan kami sa MTRCB.

2. Anonymous said...

sir jun ang galing ng roxxxane! pero may galit ba kayo sa ust? parang nega kasi ang ust sa pelikula nyo. (February 4, 2008 6:01 PM)

JL: Nega ba ang image ng UST sa Roxxxanne? Parang hindi naman. Ang sinabi lang naman ni Oropesa sa pelikula: “Mabuti na lang talaga at sa UST ka namin pinag-aral. May breeding na, may takot pa sa Diyos.” Pero nung sinusulat ko ang “Jose Rizal” aaminin ko, marami akong hinanakit sa UST, at mukhang lumabas yun sa pelikula hahaha. Pero love ko ang UST. Diyan kaya ako nagdalaga.

3. Anonymous said...

Congratulations mr lana. I just saw the movie with my friends this afternoon. We all loved it. That girl playing roxanne's bestfriend stole the show from sheree. Is she a theatre actress? Jay was also very good. And the ending was really moving. I hope you make more movies like this. All the best to your career! (February 3, 2008 10:59 PM)

JL: Si Hanni Miller ang gumanap na bestfriend ni Sheree sa pelikula. At magaling talaga siya. Isa siya sa paborito kong artista. Para siyang Jacklyn Jose at Cherry Pie Picache nung bata pa sila di ba? May screen presence, magaling bumitaw ng dialogue. Kung pwede nga lang, isasama ko siya sa lahat ng projects ko.

4. Cha-Cha said...
Napanood ko na din sya last Sunday. Congratulations JL! :) More films like this please! (Medyo nde ko rin nga pla naintindihan yung last line ni Janvier... what did he say?) Anyway, more power ulit! :)(February 5, 2008 12:36 PM)

JL: Yan ang tanong sa akin ng lahat. Ang makakahula, ililibre ko ng dinner.

5. Blogger Chinito said...
Hi, Jun. Di ka na sumagot sa email ko. Malamang nakukulitan ka na sa'kin. Sensya na, huhuhu! :'( Anyway, congrats! (February 5, 2008 12:54 PM)

JL: Sensya na hindi ako nakakasagot agad, lalo na pag email. Ate, hindi biro mag-maintain ng blog, at magsulat, at magdirek. Tapos next week, hindi ko naman alam kung ba't ko naisip, may sinalihan akong workshop kung paano gumawa ng prosthetics, at hindi na ako pwedeng umatras. Nagkabuhol-buhol tuloy ang schedule ko. Pero mukhang masaya yun e, matututo akong gumawa ng halimaw! Although marami na akong kilalang ganyan sa industriya.

Monday, February 04, 2008

sheree

Youtube ng sayaw ni Sheree. Dahil dito pinahanap ko siya para ialok ang Roxxxanne.




Screening time: 1:20/ 3:25/ 5:30/ 7:35/ 9:40 PM

Sunday, February 03, 2008

Wagi

Ate kuya maraming salamat! Waging wagi ang 1st day ng Roxxxanne kahapon. 10:30 pa lang nasa Galleria na ako, inaayos ang projector. Tapos nag-lunch, nakipagtsismisan sa cinematographer ko. Saka ko lang na-realize nagsimula na ang first screening. So go kami sa sinehan. Pero iniisip ko wala pa masyadong tao. Hello, tanghaling tapat eh. Pero pagpasok namin, ang dami nang bading! Siyempre dahil gay film, hindi lang basta nanonood ang mga tao. May audience participation! May mga nakatayo, may palipat-lipat ng upuan, merong palakad-lakad, may ilang nag-a-eyeball, kulang na nga lang dancers para ka nang gumimik sa Bed. In fairness, may mga cute, at ang gaganda ng ayos ng hair, gulogulo, kunwari wa care pero kinarir. I'm so proud to be bading, I swear. Malalaman ko ang exact figures today. But as of 5 pm yesterday na-exceed na niya ang target namin. Sa mga nagtatanong ng screening eto: 1:20/ 3:25/ 5:30/ 7:35/ 9:40. Wish ko lang magtuloy-tuloy hanggang last day. Kaya sa mga hindi pa nakakapanood, join na kayo!

Try kong magpost uli mamaya pero medyo ngarag ang lola. May kinakarir akong lenten drama at nagkacasting din para sa dalawang episodes na ididirek ko para sa isang TV show sa Singapore.

Isang still galing sa TV show, ang galing n’yo pag nahulaan n’yo:


Oo nga pala. Worsh-worsh ang drama dito. Kailangang fluent mag-English. As in.

Sa mga interesadong mag-artista, eto na ang pagkakataon n’yo!

CASTING CALL FOR AN ASIAN TV SERIES TO BE SHOT IN MANILA. MINIMAL PAY BUT TREMENDOUS EXPOSURE TO TOP PRODUCERS. APPLICANTS MUST BE FLUENT IN ENGLISH.

EPISODE 1

JAKE – 20s, handsome (as in guwapo ha, mga ate kuya wag ipilit ang sarili kung hindi kaguwapuhan, fair naman si Lord I’m sure may iba kayong talent)

RICA – 20s, the pretty and sexy but sickly and secretive girlfriend of Jake

PAOLO – 20s, good-looking, happy-go-lucky and talkative Filipino-American

GRETCHEN – 20s, pretty Fil-Am. Paolo’s pregnant wife.

AMELIA– mid 30s, sensual, dark and mysterious.

OLD LADY – 60s, kind of scary and suspicious-looking.

PREGNANT WOMAN – 20s or 30s.

EPISODE 2

ROMMEL – 20s or 30s, righteous and helpful newbie cab driver

PRECY – 20s or 30s, Rommel’s loving fiancĂ©e

ARNOLD – 30s or 40s, the cab-driver friend of Rommel

BERT – 20s or 30s, also a cab-driver friend of Rommel.

LYNETTE– 20s, innocent looking, pretty; intensely dramatic role

OLD FRANK – 50s

YOUNG FRANK – 20s

TWO DRUNK MEN – 30s

ITALIAN GUY – 30s or 40s, generous client of Rommel.

CAB DRIVER 1

CAB DRIVER 2

SECURITY GUARD

OTHER CAB DRIVERS

If interested, please email your photo (can be a non-professional shot) and your contact information to manila_auditions@yahoo.com. The actual audition is private and by invitation only.

Oy nood pa kayo ng Roxxxanne ha.

Thursday, January 31, 2008

pictorial ni jay

Sa interview ko kay Jay, natuloy din finally ang mala-slumbook Q&A na dapat gagawin ko noon kay Janvier. Simpleng tanong, simpleng sagot, walang drama. Pero makikita n’yo, me lalim ang batang ito.


Isa sa mga tanong ko: Kung may 1 million pesos ka, ano ang una mong bibilhin? Tapos naisip kong idagdag… “Para sa sarili mo.” Kasi baka bigyan ako ng showbiz na sagot. Eh sampu silang magkakapatid, at tatlo pa lang daw ang nakakapagtapos kaya hanggang ngayon tumutulong siya sa pagsuporta sa pamilya. Siyempre puwede niya akong sagutin ng: “Edukasyon. Ibibili ko po ng edukasyon ang mga kapatid ko. Pag-aaralin ko silang lahat. That’s all thank you.”
Kaya diniin ko: “Yung para sa sarili mo lang, Jay. Ano’ng bibilhin mo?”


Ang inaasahan kong sagot, kotse. Kasi hanggang ngayon nagta-taxi pa rin siya. Minus pogi points, di ba? Artista ka nga, pero wala kang kotse. Paano ka na lang poporma sa mga babae?


Pero iba mag-isip si Jay. Kung magkakapera raw siya, gusto niyang bumiyahe nang bumiyahe. At Israel daw ang unang lugar na gusto niyang puntahan. Kasi fascinated siya sa teachings ng Kabbalah. May binanggit siyang tomb na gustong bisitahin doon… tapos nagkuwento tungkol sa red string bracelet (i-google n’yo na lang ate, karir mag-explain)… saka nilinaw na hindi religion ang Kabbalah kundi technology for the soul. O di ba.


Eto pa. Nabasa na rin niya ang halos lahat ng libro ni Paulo Coelho. Lalo na ang The Alchemist. In fact, dahil sobra niyang favorite si Paulo Coelho, ni-research niya ang buhay nito para lalong makilala ang author.


In fairness!

Tuesday, January 29, 2008

and now meet jay

Hindi lang si Janvier ang artista sa Roxxxanne.


Eto si Jay Aquitania. 19 yo. Mas kilala bilang nakababatang kapatid ni Antonio Aquitania.

2 years ago, sinusulat ko pa lang ang Roxxxanne nasa isip ko na siya. Pero nag-alangan akong kunin siya para sa role ng isang nagbibinatang closeta dahil halos sigurado akong hindi papayag ang manager niyang si Tito Dougs (Douglas Quijano). Una, masyadong bata pa noon si Jay (mukha siyang trese anyos noon kahit 17 na siya), at pangalawa, karamihan sa managers iniiwas ang alaga nilang tumanggap ng gay role. At hindi mo sila masisisi. Oras ma-stereotype ka sa role na bakla (o matsismis na closeta) baka wala nang puntahan ang career mo.

Nag-audition ako ng ilang beses. May ilang baguhan artista akong sinubukan pero maraming aberya. Muntik nang ma-shelve ang project, at nung matutuloy na, dalawang linggo bago ang shooting, wala pa rin akong makuhang artista na gaganap kay Marlon, ang nagbibinatang may lihim na pagtingin sa kaibigan niya.

Isang beses napanood ko sa TV si Jay. Nag-mature na ang hitsura niya, at may lalim na siyang umarte. Pakiramdam ko, hinintay lang siya ng project.

Pero hindi pa rin ako sure kung aaprubahan ni Tito Dougs na gumanap ng role na closeta si Jay. Kaya ang ginawa ko, sinulatan ko ng “love letter” si Tito Dougs. Nakiusap ako, nagsumamo, kulang na lang manikluhod. Kasama ng letter pinadala ko ang script ng Roxxxanne.

Nung sumunod na araw, tumawag sa akin si Tito Dougs. Maganda daw ang script, at kelan ang first shooting day? Siyempre tuwang-tuwa ako. Nag-thank nang nag-thank you. Saka nakipagtawaran sa talent fee. Hehe.

(Post ko ibang pics ni Jay sa susunod. Pero hintayin n’yo rin sa Manilagayguy. Salamat pala kay Migs na nagtiyagang manood sa pictorial, at kumain ng cheap kong pa-merienda.

Di ko alam ang kalalabasan ng pelikulang ito sa takilya, sa totoo lang. Sana kumita kahit paano para makagawa pa kami ng projects sa labas ng mainstream. Para hindi kami nakakahon. Pero ngayon pa lang gusto ko nang pasalamatan lahat ng taong tumutulong sa amin: Ms Cristy Fermin and Jobert Sucaldito, Jojo Gabinete, Dinno Erece, Ogie Diaz at maraming marami pa. Sa susunod na ako maglilitanya ng mga pasasalamatan.

I swear, karir mag-promote ng indie. Para kang nagtayo ng isang sari-sari store sa tabi ng SM Hypermart. May bibili sa yo ng patingi-tingi, may ilang tatambay sa puwesto mo, pero 99% ng mga tao didiretso sa SM. Pero sana sa Feb 2, daan muna kayo sa Galleria.)

Thursday, January 24, 2008

nang maghubad uli si janvier

Kinausap ko si Ihman (manager ni Janvier) at ipinagpaalam ko kung pwedeng ma-interview ang alaga niya para sa promo ng Roxxxanne. Ganito talaga pag indie, writer-director-producer noon, reporter ngayon. Tipidity productions ito kaya ako na rin ang kumakarir sa publicity.

Pero sabi ko magiging brutal ang mga tanong ko. At ayoko ng mga sagot na pa-cute. Kung kumalat na sa internet ang nude pic mo, magpapa-cute ka pa ba? Nakita na ng mga tao ang titi mo. Ano pa ang pwede mong itago?

Pero magugulat kayo, dahil marami pa.

Sa mababasa n’yong interview, makikita n’yo kung paano hinubaran uli ni Janvier ang sarili niya.

At kung ako ang tatanungin n’yo, ito ang pinakamatinding paghuhubad na pwedeng gawin ni Janvier sa buong buhay niya.

JL
Eto Janvier, babasahin ko sa yo ang isang comment na iniwan sa blog ko tungkol sa latest post ko sa yo. Hindi ko ito pinayagang ma-publish, pero tinago ko para makita mo.

Eto ang comment: “Pahada naman yang si Janvier eh. Tsupain ko yan.” Tanggap mo na bang pag nakikita ka ng mga tao, ang unang pumapasok sa isip nila sex?

(Halata kong medyo uneasy si Janvier, ngumiti lang.)

JD
Hindi naman po siguro.

JL
May iba ang tingin sa yo naglalakad na titi. Tanggap mo na ba yun?

JD
Trabaho lang naman para sa akin ang paghuhubad, Direk. Kung ano ang isipin sa akin ng mga tao, wala na akong magagawa.

JL
At siyempre sasabihin mo sa akin, naghuhubad ka para maiahon sa hirap ang pamilya mo.

JD
Para po sa Mama ko. Lahat ng ginagawa ko, para sa kanya. Hindi po biro ang pinagdaanan niya para lang mapalaki kami ng maayos.

JL
Gaya ng?

(Hindi agad sumagot si Janvier, parang naninimbang kung ano ang pwedeng sabihin.)



JD
Nung bata pa po ako, bigla kaming nilusob ng crew ng “Magandang Gabi Bayan”, pinagbintangan nilang bugaw ang nanay ko.

JL
Sino daw ang binubugaw niya?

JD
Kami pong mga anak niya. Ang totoo, naghahanap lang siya ng mag-i-sponsor sa studies namin, pa’no walo kaming magkakapatid, hindi niya kami mapag-aral lahat. Pero akala ng mga tao binubugaw niya kami.

JL
Sino naman ang mga malisyosong taong yan, at nireport pa talaga ang nanay mo sa “Magandang Gabi Bayan”?

JD
Yung mga kasama po namin sa kalye.

JL
Kalye? Anong kalye?

JD
Sa Ermita, Direk. Minsan sa U.N. Avenue… sa Luneta. Kung saan kami abutin ng gabi.

JL
Teka, naguguluhan ako. Tumira kayo sa kalsada?

(Napatingin ako sa manager ni Janvier sa tabi ko. Hindi ito umiimik.)



JL
Seryoso ka ba? Wala kayong bahay? Wala kayong kamag-anak na pwedeng tirhan?

JD
Taga-Surigao po ang Mama ko, wala siyang pamilya dito. Ang Papa ko naman po, taga-Laguna.

JL
O, e ba’t hindi kayo tumira sa Papa mo?

JD
Siya po ang tinatakasan namin. Lagi po kasi kaming binubugbog. Lalo na si Mama. Muntik na niyang mapatay si Mama.


JL
Ilang taon ka nung mapadpad kayo sa Ermita?

JD
4-5 po.

JL
Gaano kayo katagal tumira sa kalsada?

JD
11 na po ako nung kunin ako ng MYRC.

JL
Ano yun?

JD
Juvenile center po.

JL
Teka, 6 years kayong nakatira sa kalsada? Lahat kayo? Paano kayo nabuhay?

JD
Nung nagtagal po nag-squatter kami sa estero sa may U.N. Tapos nag-waitress ang Mama ko sa Ermita. Kaming magkakapatid, kung anu-anong trabaho. Ako po nagbenta ng diyaryo.

JL
Buti hindi kayo nababagansiya?

JD
Maraming beses, Direk. Ang pinakamatindi nung naghahanap kami ng matutulugan sa Ermita Center, umalis sandali si Mama, pagbalik niya isinasakay na kami sa mobile ng mga pulis. Pinagbabato ni Mama yung presinto para pakawalan kami.

(Tumigil sandali sa pagkukuwento si Janvier, parang iiyak.)

JD
Pinakawalan kami ng mga pulis pero si Mama ang pinagtripan nila. Binugbog nila, tapos hinubaran, saka kinulong. Pagkatapos po nun, madalas nang magkaroon ng breakdown si Mama.


JL
Anong klaseng breakdown?

JD
Minsan bigla na lang po siyang iiyak, magwawala, tapos maglalakad nang nakahubad sa Ermita.

JL
Anong ginagawa nyo?

JD
Susundan po namin siya hanggang mapagod siya. Basta makatulog siya, OK na siya paggising niya.

JL
Buti sa kabila ng lahat ng yan, hindi kayo nagkahiwa-hiwalay?

JD
Nung 11 po ako, dun dumating ang MYRC. Ang pakilala sa Mama ko, social worker sila. Pag-aaralin daw kami. Pero Juvenile center pala, ginawa akong katulong, taga-ipon ng kaning baboy. Yung ibang kapatid ko, pinagkukuha ng ibang ampunan. May napunta sa Kapatiran, yung iba sa Asilo.

JL
Ba’t hindi kayo kinuha ng Mama mo?

JD
Wala po siyang trabaho noon. Kung babawiin niya kami, magugutom lang kami. Pero ako, nung isang beses na bumisita si Mama, pagkaalis niya, tumakas ako, hinabol ko siya.

JL
Janvier, hindi ko kaya ang pinagdaanan mo. Talo pa ang episode ng Magpakailanman. Paano nabuo uli ang pamilya mo? Paano kayo nakaahon sa hirap?

JD
Direk… sasabihin ko po sa inyo pero off the record.


Sa mga ikinuwento ni Janvier, eto lang pwede kong i-reveal: Nang magkapera sila, sa kagustuhang makapag-aral, gumamit siya ng fake diplomas (hindi siya nakapag-elementary at high school) para matanggap sa isang university, kung saan hindi lang siya basta nakapasok, naging basketball varsity player din siya. Habang nagkukuwento si Janvier, may isang tanong na hindi maalis-alis sa isip ko:

JL
Janvier… sa dami ng pinagdanan mo… wala bang nang-molestiya sa yo… nang-abuso?

(Matagal bago nakasagot si Janvier. Parang nag-iisip. Kahit ako naging uncomfortable, iniwasan ko ang tingin niya, nagkunwaring busy sa pagtatype sa laptop)

JD
Wala po.