Saturday, March 24, 2007

unico hijo

Ala akong mapost na entry, daming ginagawa. Eto muna ilang pics galing sa taping ng “Unico Hijo”, lenten drama na sinulat at dinirek ko. In this retelling of the parable of “the prodigal son” the story becomes a little bit more complicated when the son returns as a woman/transgender. Will the father still welcome him—his unico hijo—without question? It’s a father and son story of overcoming incredible odds through understanding and love. Tienes! Dennis Trillo in drag. In fairnez, ganda niya. At ang daling katrabaho. Walang reklamo, kahit buong araw suot ang prosthetic butt na sobrang init.That’s Eddie Garcia and Mylene Dizon at the back. Dali ng buhay ng direktor when you work with actors like Tito Ed. All you really have to do is put him in front of the camera, siya na bahala sa sarili niya. Kakaoverwhelm pag naiisip kong direktor din siya! Haller, dinirek niya ang isa sa fave movies ko “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig”.
Mylene Dizon and Eva Darren. Ang galing ni Mylene, me sapi talaga ang babaeng ito.Reading lines with Dennis and Eva Darren.
2 in the morning, exhausted na ang lola. 7 am nasa set na lahat, eh me nilamay pa akong script the day before. Karir! Sa Black Saturday ipapalabas ang Unico Hijo, 7 pm. Siyempre sa GMA.

Sunday, March 11, 2007

teaser study 2



I am currently casting for a low budget independently funded feature film. The drama/romance is scheduled to be shot in May 2007.

ROXANNE, 20s
call center agent, beautiful, mysterious
MARY GRACE, 20s
liberated, sexy
MARLON, 20s
closeted teenager, smart, goodlooking, not as innocent as he claims to be
JONAS 20s
sexy rough college dropout, strong, intense
EDDIE, 20s
dark skinned, tricycle driver, troublemaker
LITO, 20s
college student, conservative, jologs
DAN, 20s
college student, Visayan accent, funny guy

Please email a headshot and CV to octobertrain@yahoo.com as soon as possible, indicating the role you would like to be considered for. Short listed applicants will be contacted to attend the auditions which will be held on March 15, 2007 – exact location and times to be advised.

Sunday, March 04, 2007

Friday, March 02, 2007

blogging

Sabi ng isa kong kaibigan, hindi niya maintindihan kung paano ko pa nakukuhang magsulat ng blog sa dami ng ginagawa ko. Ba’t di na lang daw ako manood ng sine, o kaya magpamasahe kesa magsulat. Hindi daw ba ako nagsasawa, nagsusulat na ako para kumita, nagsusulat pa rin ako para mag-unwind.

Hindi.

Elementary pa lang nagsusulat na ako ng plays. At nung high school ako at madiskubre ko ang pagsusulat ng screenplay, linggo-linggo kong pinupuno ng screenplay ang isang buong notebook at pinapabasa ko sa classmates ko. Tapos every month magsu-survey ako kung alin sa mga sinulat ko ang pinakagusto nila. Kahit bakasyon walang takas sa akin ang classmates ko, gumagawa ako ng sarili kong gazette, at nag-iipon ako ng pambili ng selyo para isa-isa ko silang mapadalhan sa koreo (wala pang internet nun imagine). Syempre biktima din ang mga kasama ko sa bahay. Dahil may konti akong dunong sa pagdodrowing, mahilig akong gumawa ng komiks, kinukulayan ko ng watercolor, saka ko ibinebenta sa kapatid ko at sa mga tito at tita ko sa halagang piso. Isang beses, bumuo rin ako ng club, ang tawag ko writers shield, hindi guild, para idiin ang pangangailangan na magtulungan ang mga manunulat para protektahan ang mga karapatan nila. At 14 yo ako nun.

Ang pagsusulat sa akin, parang first love na hindi mamatay-matay. Kahit ayoko na, kahit pagod na ako, binabalik-balikan ko pa rin siya. Pinupuyat niya ako nang walang dahilan. Pinapabilis niya ang tibok ng puso ko. At minsan, minsan pag hindi maganda ang kinalalabasan ng mga sinusulat ko, nagdudulot din siya sa akin ng matinding kalungkutan.

Pag iniisip kong magsusulat ako ng blog, nae-excite ako. Kasi dito ako nakakapagsulat para sa sarili ko. Di gaya ng mga ginagawa ko para sa pelikula at telebisyon, ang una kong inaaliw pag nagsusulat ako ng blog ay ang sarili ko, hindi ang audience. Sa totoo lang, wala akong pakialam kung may babasa o hindi. Ewan ko nga kung bat may nagkaka-interes na magbasa eh panay kalokohan ang pinagsusulat ko. Kung hindi naman, panay tungkol sa akin. Syempre nakakatuwa pag may mga nagrereact. Pero kahit wala OK lang. Kasi sapat na sa akin ang magsulat.

Ke kumikita ako o hindi sa pagsusulat, susulat at susulat ako. Kasama na dito ang pagbablog. Gaya ngayon kagigising ko lang, walang laman ang tiyan ko, ito ang una kong inatupag kahit may occular ako mayamaya lang para sa isang pelikulang ididirek ko. Kasi kahit sa pagdidirek, mangingibabaw at mangingibaw ang pagiging manunulat ko. Para sa akin, kwento ang pinakaimportante. Kasi ano na lang ang halaga ng sine… o ng buhay… kung walang kwento?

Thursday, March 01, 2007

tests

1. Cellphone test

Para malaman ang totoong pag-uugali ng bagong jowa/fling/friend, itago ang cellphone niya. Umarteng deadma. Pretend-pretend at obserbahan ang jowa/fling/friend sa loob ng 24 oras. Kung paano siya mag-react, yun ang tunay na kulay niya.

Panalo ang jowa/fling/friend kung calm and collected (ibig sabihin, low maintenance). Worrisome kung walang pakialam (baka afraid sa commitment). Makipag-break agad kung bigla itong mag-breakdown (malamang sa hindi, EDP ang nabingwit mo: emotionally disturbed person).

Siyempre dapat may plano ka kung paano ibabalik ang cellphone the next day. Wag eengot-engot, wag papahuli kung ayaw maipapulis ng sariling jowa. At sana, hindi rin ma-tempt na basahin ang messages sa inbox. (Kapag ginawa mo yun, ikaw ang magiging subject ng test na ito. Pyschotic daw ang mga taong nagbabasa ng text ng may text. Psycho na, tsismoso pa.)

2. Manny Pacquiao test

AKA the Lito Lapid test. Me lalim bang mag-isip ang bago mong jowa? Pwes alamin. Habang nagkukuwentuhan kayo, (best done after sex para unguarded siya, pwede rin during kung makakarir why not) tanungin mo: Kung taga-GenSan/Makati ka, iboboto mo ba si Paquiao/Lapid? Dapat kaswal lang ang delivery, example: nagku-cutex ka ng kuko habang nagtatanong, parang it’s not really that important. Pero pag sumagot ng Oo, react ka ng Ay Tanga! sabay walkout. At wag mo na yan babalikan ever!

3. Best Friend test

Is your jowa your best friend? Sure ka? Then tell him a deep, dark secret. Hindi kailangang totoo; in fact mas mabuting mag-imbento ka muna. Sabihin mong anak ka sa labas ni erap. O kunwari naging kept man ka ng Prince of Brunei. And then wait ka. Pag kumalat ang tsismis, alam mong hindi kay Boy Abunda galing yun. Unless si Boy Abunda ang jowa mo.

4. Arkansas test

Arkan-SO. Hindi Arkan-SAS. That’s the only way to pronounce it. Siyempre dapat alam mo yan. Kung hindi, ikaw ang victim ng blog na to. Me angking dunong ang jowa kapag maayos niyang nabigkas ang southern state na ito ng U.S. Henyo kapag dinagdag pa niyang Little Rock ang capital nito. Kung hindi, OK lang. Hindi naman talaga ito ang batayan ng tunay na pag-ibig (tienes). Yun nga lang, kilala ang mga bading sa pagiging smart (aminin), kaya i-encourage ang jowa na wag magpahuli. Mag-enroll agad sa Wilma Cruz Tapalla Academe of Speech and Personality.

5. Miss Universe Test

What is the essence of being a woman? If you could interview any female leader, who would it be and why? What do you think has been women's greatest contribution to today's world and why? Ilang lang yan sa classic questions sa Miss Universe. Mga tanong na matalinhaga. Mga tanong na sumubok sa liksi ng isipan at poise ng mga kandidata.

Para sa pinakamamahal mong jowa, eto ang iyong nag-iisang miss universe question na susubok sa pasensiya at galing niya: “Am I fat?” O kung gusto mong maging mas specific: “Lumalaki ba ang tiyan/bilbil ko?” Siyempre ateng, alam mo ang sagot. Dahil kahit di ka huminga talo mo pa rin ang nakalunok ng pakwan. Pero sa tanong na ito mo malalaman kung gaano ka talaga kamahal ng iyong jowa (at kung gaano siya kagaling magsinungaling).

6. Misty Blue test

Si Misty Blue ay dating miyembro ng That’s Entertainment. Tinawag siyang Misty Blue dahil lagi siyang naka-contacts na blue (isang beses nagreport siya sa That’s na walang contacts, di siya nakilala ni Kuya Germs.) Tuwing may pagtatalo kayo ng jowa at kailangan nyong mag-agree sa isang bagay (kung ano’ng papanoorin sa tv, kung sino ang dapat umupo sa aisle seat, kung saan kakain, kung sino ang bottom/top) eto ang gawin n’yong deciding game: Magpaligsahan kung sino ang may pinakamaraming maaalalang miyembro ng That’s Entertainment.

Siyempre madaling maalala si Janno Gibbs o Lotlot de Leon o Romnick Sarmienta and let’s not forget Lea Salonga (trivia: sa That’s inannounce ni Lea na gusto niyang manalo ng Tony someday, pinagtawanan siya sa ilang tabloids ng sumunod na araw, ilusyunada daw ang lola nyo. Well, well, well). Pero dapat me baon kang alas para magwagi sa game na to. Aside from Misty Blue, siguradong titiklop ang jowa mo kina Cheliza Padilla, Natz dela Cruz, MJ Pajarillo to name a few.

Kung di nyo inabot ang That’s, pwedeng isubstitute ang Ang TV, pero wala talagang mas titindi pa sa That’s. Screen names pa lang ng mga artista, happiness na. Nasobrahan siguro sa Birch Tree si Kuya Germs kaya high na high sa pagbibigay ng pangalan. KUYA GERMS: Hmmm… ikaw mukha kang kuneho. Kaya tatawagin kitang Bunny Paras! At ikaw naman… well, wala na akong maisip kaya tatawagin kitang Jennylyn. TALENT: Wala po akong apelyido? KUYA GERMS: Hmmm… oo nga ano. Pwes, tatawagin kitang Jenny…. (MAG-IISIP NG APELYIDO) … Lyn. Tama! Makikilala ka bilang si Jenny Lyn! Bwahahaha!

7. Ten million peso test

Tanungin ang jowa/fling/friend: “Magpapalit ka ba ng religion sa halagang… (makipagtawaran mula five hundred thousand hanggang 10 million pesos)?” Sa anong halaga niya ipinagpalit ang kanyang religion? Ano sa palagay mo ang totoong halaga ng kanyang prinsipyo? At higit sa lahat, ano ba talaga ang purpose ng tests na to? Kumuha ng papel at ilista ang maidudulot na kabutihan nito sa mundo, lalo na sa darating na eleksyon.