Wednesday, December 05, 2007

tanong

Sa isang relasyon, minsan lalambingin ka ng jowa mo, at itatanong sa yo: mahal mo ba ako?

Ang karaniwang sagot: mahal na mahal.

Pero kung magsasabi ka lang ng totoo, marahil ang isasagot mo:

a) mahal kita basta mas mahal mo ako

O kaya

b) mahal kita hangga’t mahal mo ako

Dahil sa totoo lang, kahit ikaw, tinatanong mo ang sarili mo: Hanggang saan ang pagmamahalang ito?

Paano pag nagkasakit o naaksidente ang isa sa inyo, magagawa nyo ba talagang alagaan ang isa’t isa?

Uubusin mo ba ang ipon mo para gumaling siya?

Paano pag dumating ang araw na hindi na kayo nagsi-sex?

Lalo na ang araw pag sinabi niya sa yo

O sinabi mo sa kanyang

“OK lang kung gusto mong makipag-sex sa iba basta mag-iingat ka at sa akin ka pa rin uuwi”

Papayag ka ba sa ganoong klase ng pagsasama, parang mag-amiga?

Pero nakakasira ng moment isipin ang mga bagay na ito. Lalo na kung magkaholding hands kayo sa kama at nangangarap bumili ng una nyong aso (most probably toy dog, kasi cute at pwede nyong damitan).

Kaya pag nilambing ka niya at tinanong kung gaano mo siya kamahal, mas mabuting sabihin mo na lang na mahal mo siya.

Mahal na mahal.

Period.

5 comments:

-quinbee- said...

yeah..tama ung tanong mo...

rAzAzO'o said...

aktwali, pag tinatanong ako ng ganun, nagdadalawang isip na agad ako. hindi pala niya nararamdaman ang pagmamahal ko kaya kailangan pa niyang i-assure ang sarili niya by asking. after a while pinapakawalan ko na rin ang tukmol. mas gusto kong ako ang nagtatanong ng ganun, at kung ang sagot ay :'tinatanong pa ba 'yon?', tiyak kahit anong hihilingin niyang nabibili ng pera dito sa earth, ba-buy ko agad without batting a mascaraed eyelash!

Anonymous said...

ako, naiirita ako pag tinatanong ako ng ganun. pa-gerl! kainis! :)

charmed one said...

usually may follow up question pa dun eh:

bakit mo ako mahal?

pano ko naman sasagutin yon?

www.dcharmedone.wordpress.com

Dave said...

Kelan po kaya maipapalabas ang Roxxxane? D po kasi kami nakapanood... Sana ipalabas sa Robinson Ermita:)