Wednesday, December 05, 2007

rene

Titigil muna ako sa pagbablog. Isang linggo. Dalawang linggo. Bahala na. Patay na si Rene. At parang naubusan din ako ng sasabihin. Gusto kong kumatok sa mga bahay-bahay, kalampagin ang mga tao at sabihin sa kanila, patay na si Rene. Pero ano bang pakialam nila? Hindi naman artista ang namatay. Kanina sa meeting nang matanggap ko ang text, gusto kong sabihin, mag-uwian na tayo, patay na si Rene. Pero sino ba si Rene sa buhay nila? Kahit buuhin ko ang pangalan niya: Rene O. Villanueva. Ano naman sa kanila? Kahit sabihin kong maraming nakamit na karangalan si Rene sa maikli niyang buhay. TOYM Awardee. Palanca Hall of Fame. Awtor ng napakaraming libro. Ninong nga di mabilang na henerasyon ng mga manunulat. Naging instrumento sa pag-usbong ng children’s literature sa ating bansa. Kahit isa-isahin ko ito sa kanila, makikidalamhati ba sila? Kahit sabihin kong i-google nyo si Rene para makilala nyo siya, walang mag-aaksaya ng panahon. Kasi ano ba naman kung namatay si Rene eh mas masarap pag-usapan kung bakla nga ba o hindi sina Piolo at Sam. Kahit magmura ako putang ina at ipagsigawan kong patay na si Rene, ganun pa rin ang traffic sa Cubao, eere pa rin tuwing gabi ang Marimar. Pero ako, titigil ang mundo ko. Ngayong gabi. Bukas. Sa mga susunod na araw. Dahil patay na si Rene. Ang mentor ko mula nung high school ako. Ang nagturo sa akin ng lahat ng nalalaman ko sa pagsusulat. Si Rene O. Villanueva. Patay na siya.

12 comments:

Anonymous said...

so sorry to hear that. i may be from surigao but i know rene and i have some of his books.

sad. really!

Anonymous said...

Condolense. :(

Nadia Camit Upton said...

Kahit hindi ako mag-google, kilala ko si Rene.
8 years old pa lang ako, nababasa kong paulit-ulit ang pangalan pag tapos na ang palabas nina Pong Pagong, Kiko Matsing, Ate Ningning at Ate Gingging. Nakakalungkot. Isang henyo na naman ang pumanaw. Hindi man niya ako kilala, ipapagdasal ko siya ngayong gabi.

minerva said...

nang marinig ko ang balitang patay na siya.

pinatugtog ko ang batibot theme song sa laptop ko.

umaasang ihahatid siya ng kantang yun sa kabilang buhay . . .

Michelle Lana said...

My condolences, kuya jun.

Anonymous said...

condolence to rene's family and friends . . . and those who know him.

may ilang libro nya ako sa pagsusulat ng teleplay. Ikaw din, may libro mo rin ako. Screenplay ng Rizal.

Hindi ko nga lang napapapirmahan sa iyo. Nandun yun libro ko ni rene at libro mo, nangongolekta ng alikabok sa bookshelves.

Darating ang panahon, mabubuklat ko silang muli, at kahit patay na si rene . . . muling mabubuhay ang mga karakter na nilikha ninyo sa aking isipan.

muli, ang aking pakikiramay sa industriyang kanyang inulila.

f i l l i b u s t e r o said...

condolences.

charmed one said...

i send my deepest condolences to his loved ones.

www.dcharmedone.wordpress.com

kalansaycollector said...

kagabi dinadownload ko ang batibot theme song...

nakikiramay kaming mga bata ng dekada 90.

raymund said...

hindi ko kilala si rene. pasensiya na, pero hindi ko talaga kilala si rene. pero kahit hindi ko kilala si rene alam kong malungkot siya ngayon. baka nga galit. kung nababasa niya ito, marahil sabihin niya, "jun, bakit titigil ka? hindi iyan ang tinuro ko sa iyo. magsulat ka. wag ka titigil. magsulat ka."

pat said...

rene would have wanted you to not stop blogging. before he died daw, he blogged about trillanes. i hope he reads it.

(my condolences)

Anonymous said...

sir jun..kalungkot nga wala na ang isa sa mga pinakamagaling na manunulat ng kwentong pambata na alam ko..-brix ust