Thursday, November 29, 2007

the one

Pwedeng dati mong nakarelasyon. O fling. Pwedeng naging kaklase mo nung high school. O kaya dating officemate. O kaya kapitbahay.

Siya yung taong ngayong mas mature na ang outlook mo sa buhay, ngayong kahit nasa relasyon ka na at maligaya ka, siya yung isang taong naaalala mo pa rin.

At higit sa lahat, pinanghihinayangan.

The one that got away, sabi nga sa blog ng isa kong kaibigan. Tungkol sa isang lalaking minahal niya pero dahil straight yung guy, ni minsan hindi siya nagkalakas-loob na sabihin dito ang nararamdaman niya.

Kahit daw nung time na super close na sila, at halos sa bahay na niya tumira yung lalaki dahil sa araw-araw nitong pagbisita, kahit noong magbitaw ito ng dialogue na “kung papatol lang ako sa bakla, sa yo na lang”, ni minsan hindi pa rin nakuhang magtapat ng friend ko dun sa lalaki.

Kaya akala nung straight guy, hindi siya interesado.

Hanggang magkahiwalay sila ng landas.

Ngayon pag naaalala niya yung straight guy, nanghihinayang talaga siya. Pwedeng wala rin namang pinuntahan ang relasyon kung sakaling naging sila, lalo na kung babae talaga ang hanap nung lalaki. Pero sana, sana daw nasabi man lang niya ditong “I love you.”

Palagay ko, karamihan sa atin, merong the-one-that-got-away sa buhay niya. At lahat tayo, gusto nating magkaroon ng second chance.

Yung second chance na masabi man lang yung matagal nating kinimkim sa dibdib natin.

Gaya ng friend ko: “I love you.”

Pwede rin namang kabaligtaran. “Hayup ka, demonyo, bottom!” Kasi hindi lahat ng the-one-that-got-away, matinong tao. O nagpaalam man lang ng maayos.

May ilan sa atin, raise your hands kung kayo nga ito: tayo yung the-one-that-got-away.

Tayo yung iniyakan.

Tayo yung pinanghinayangan.

Parang ang haba ng hair di ba?

Pero sa totoo lang, hindi dahil ikaw yung the-one-that-got-away ibig sabihin ikaw yung mas lamang.

Kasi nung lumayo ka, nasaktan ka rin naman di ba?

At minsan nga, mas malalim pa ang sugat mo kesa dun sa iniwan mo.

Minsan, ikaw pa yung may sugat na hanggang ngayon hindi naghihilom.

At sing dalas mo ring naiisip yung iniwan mo.

Gusto mo ring magkaroon ng second chance.

Para mag-“I love you.”

O mag-“hayup ka, demonyo, bottom!”

Dahil hindi naman lahat ng iniiwan, kawawa.

Ako siguro, at ito talaga ang matagal ko nang kinikimkim, gusto ko lang mag-‘thank you.”

Ewan ko ba. Bata pa ako eto na ata ang bagahe ko. Eh ang dali-dali namang mag thank you di ba?

Dalawang salita lang, kahit galing sa ilong, kahit ngongong "Wenk yu", sapat na yun.

Pero sa buhay na to, well so far sa buhay ko, ewan ko senyo, eto ang nadiskubre ko: Madalas, yung napakasimpleng bagay pa ang ipinagkakait natin sa mga taong mahal natin. Lalo na kung gusto natin silang saktan.

“Thank you” lang, at maisasara ko na nang buong-buo ang kabanatang yun sa buhay ko.

Kaya thank you.

Thank you.

Thank you.

Kung nababasa mo man ito.

Thank you.

10 comments:

Anonymous said...

direk, lagi mo naman akong pinaiiyak eh...sobrang relate naman ako dito sa post mo....thanks so much....hayan, kailangan ko tuloy mag-unload this long weekend....huhuhu

charmed one said...

ganda ito.

napaisip tuloy ako who i will consider the one? pero so far, siguro wala pa, kasi i always seize the opportunity.

direk, visit naman my blog when you get the chance.

dont forget to comment ha? i will be super honored.

kazan said...

nakaka relate ako sa post na ito..ewan, thank u.

Anonymous said...

shet direk. bawat word, bawat linya, relate na relate ako! ang galeng mo. fans na kita.

rex said...

nakakalungkot. ako, kung mabibigyan ako ng second chance, ganito ang sasabihin ko sa the-one-that-got-away sa buhay ko: sana ikaw ang nauna sa buhay ko para wala pa akong takot magmahal ng todo.

ang problema nang makilala ko siya sobra akong nasaktan sa ex ko kaya nawalan na ako ng tiwala sa mga tao. takot akong ibigay lahat dahil baka masaktan lang ako. lagi kong pinipigilan ang sarili ko. akala siguro niya hindi ko siya mahal. ang hindi niya alam, takot lang ako.

David said...

nice.. sino kaya ang pinagpapasalamatan niya??

Anonymous said...

eto lang ang sasabihin ko sa the-one ko: belat!

red volkswagen said...
This comment has been removed by a blog administrator.
alimuom said...

ei, jun idol. two words for you: thank you.

juni said...

direk -

naantig ako -

naisip ko rin kung asan na siya...
tagal na akong naghahanap sa kanya -

kaya lang iniwan ko siya nung hindi pa uso ang computer at cellphone -

haaaaaaaiz