Tuesday, November 13, 2007

cover girl

Dati kong istudiyante si Rose. At dahil karamihan sa mga istudiyante ko noon naging kaibigan ko, hanggang ngayon nagti-text pa rin kami sa isa’t isa. May isa kayong dapat malaman kay Rose: lahat ng naging boyfriend niya, bading. Sabi ko nga minsan kay Rose, talo pa niya ang beauty queen. Kasi 3 consecutive years na siyang title holder: Mula 2003-2006 siya ang nag-iisa at bukod tanging Miss Cover Girl Philippines. At di biro yan ha. For every year, meron talaga siyang naging jowang closeta.

Nitong huli kaming magkita ni Rose sa isang restaurant sa Ortigas, sa kalagitnaan ng dinner, bigla siyang umiyak. Problema daw sa bago niyang boyfriend. Siyempre alam ko na. At di ko napagilan ang sarili ko: Don’t tell me… Ikaw na naman ang nagwagi bilang Miss Cover Girl Philippines 2007? Gusto ko pa sanang mag-joke na makakatanggap na siya ng certificate sa Guinness World Records pero may sinabi si Rose na bigla na lang akong natulala.

Minsan, iniisip ko, siguro kaya ako naging writer, kasi lagi akong napapaligiran ng mga taong makukulay ang buhay. Ni hindi ko na kailangang mag-imbento ng kwento.

Gaya ng kwento ni Rose.

Mag-iisang taon na dapat ngayong December sina Rose at ang boyfriend niya. Matagal na silang nagkakasabay sa isang aerobics class ng isang sikat na gym. Pero naging close lang talaga sila nang malaman nilang pareho sila ng pinupuntahang Christian fellowship.

Simula pa lang sumagi na agad sa isip ni Rose na baka bakla ang boyfriend niya. Kasi iisa lang naman ang hulma ng mga lalaking nagugustuhan niya: malinis sa katawan, witty, at sensitive. Eh di ba sa standards na yan, parang naghahanap ka talaga ng closeta sa buhay mo. Pero hindi takot tumaya sa pag-ibig si Rose. Kaya kahit paulit-ulit nang natisod, sige pa rin ang lola.

Sabi ni Rose, ngayon lang daw siya umibig ng todo. Kasi pakiramdam niya, hindi lang yung lalaki ang ka-relasyon niya, kundi pati nanay, tatay, at mga kapatid nito. Nung unang ipinakilala pa lang daw si Rose sa pamilya ng lalaki, kulang na lang eh magpatawag agad ito ng pari para makasal na sila. Siyempre me dahilan pala kung bakit.

Unang nagduda si Rose sa boyfriend niya nung minsang pilitin niya itong magmotel. Kahit anong pang-aakit daw ang gawin niya, ayaw siyang galawin ng lalaki. Kasi nirerespeto niya raw si Rose.

Bigla-bigla, tumunog ang closeta alarm ni Rose. Kasi ilang beses na niya itong narinig sa iba niyang boyfriends. Kaya nang mga sunod na linggo naging alerto siya.

At isang araw nga, habang nasa mall sila ng boyfriend at naghihintay ng schedule ng papanooring sine, nakatanggap bigla ng text ang lalaki. May emergency daw sa trabaho, at ganun lang, iniwan siya ng boyfriend niya. Sinundan ito ni Rose.

Sa isang coffee shop sa labas ng mall, nakita niyang nakipag-meet ang boyfriend niya sa isang lalaki. Bigyan natin ng pangalan ang lalaking ito. Tawagin natin siyang Victor. Minsan na siyang nakilala ni Rose sa Christian Fellowship na pinupuntahan nila ng boyfriend niya. Hi-hello lang. Ang alam niya may asawa na ito pero ni minsan hindi niya nakilala.

Mula sa restaurant, kinarir ni Rose na sundan pa rin ang boyfriend niya at si Victor. Halos himatayin siya nung ma-realize kung saan papunta ang dalawa. Sa motel. Sa mismong motel kung saan siya dati ayaw galawin ng boyfriend.

Pagkatapos nun, ilang araw na hindi nagpakita si Rose sa boyfriend niya. Galit na galit siya, hindi lang sa lalaki, kundi lalo na sa sarili niya. Ano bang magnet meron siya at lagi siyang natatanso? At bakit ang tanga-tanga niya?

Dahil sensitive ang boyfriend, nakatunog itong may problema, at ilang beses na pinuntahan si Rose sa bahay para kausapin pero hindi niya ito hinarap. Lahat ng tawag at text nito, hindi niya rin pinansin. Hanggang isang gabi, yung nanay ng lalaki ang biglang dumating sa bahay niya.

Sinugod daw sa ospital ang boyfriend ni Rose. Bigla na lang daw nag-collapse habang nasa trabaho. Sobrang guilty si Rose. Ang daming naglaro sa isip niya: Siguro dahil sa hindi niya pagpansin dito, hindi na kumakain ang boyfriend niya. Siguro gulong-gulo rin ang isip nito. Lahat ng siguro naisip niya. Pati: siguro, hindi naman siya bading.

Pero sa ospital, malalaman ni Rose kung bakit talaga nag-collapse ang boyfriend niya. May isa pa pala itong sekretong pinagkatago-tago sa kanya. Matagal na palang maysakit ang lalaki. At hindi basta simpleng sakit.

Anong sakit?

click nyo dito

22 comments:

rex said...

OMG! Serious? What happened next?

rex said...

OMG! Serious? What happened next?

Anonymous said...

OMG!
naduling pa ako nung simula akala ko joke. :( so sad.

aimiff said...

twing binabasa ko ang blogs mo direk, parang nagbabasa ako ng tagalog pocketbook. at katulad naman ng isang ito, parang pelikulang may sequel pa. direk, lab na kita. =)

aimiff said...
This comment has been removed by the author.
chris said...

akala ko rin punchline! grabe! sobra akong affected! sana makatulog ako!

Anonymous said...

direk, paanung nahawa si Rose kung ni minsan ay di naman sila nag sex ng boyfriend nya? :)

jetblue said...

jeez, ganyan na ba tlga kadami may HIV sa pinas?.. its really sad and scary at the same time..

themindisfree said...

ikaw talaga jun, tinakot mo pa ko. kala ko bakla na yung boylash, may hiv lang pala! lol! seriously, in the west, it is no longer a death sentence. the advancement in medicine has generated new and more powerful drugs against hiv. believe it or not, dito sa states, you will come across some ads by gay men who are cruising in various websites like craigslist, adam4adam, cruisingforsex, asking specifically for hiv positive men not because they are infected themselves, but because they would like to be infected as well. weird di ba? para bang pag nalaman na negative sila ayaw nilang masabihan na "that's so 60's! parang baduy kasi di sila "in" sa fad. parang may death wish. i said 60's kasi according to research the first hiv + man from haiti reached american shores in 1969. so bale nung 70's may mga infected na pero di nila alam. tapos, by the early 80's isa-isang nang natitigok ang mga bading without knowing what exactly was causing it. come to think of it, di ba kakainggit yung mga bading noon pre-1969 kasi you don't have to jugjug to death? well, may syphillis pero at least treatable naman. kaya sabihin mo kay rose, huwag siyang mag-alala. eh di magdoble ng goma? hiv+ positive men or women have sex lives as well. di naman nawawala libog kaya don? pero teka, na-intriga na rin lang ang readers mo, eh ano ba talaga ang problema? kelan ang susunod na chapter? salamat uli sa isa na namang kapana-panabik na entry...till the next ish...yet

charmed one said...

omigosh!!! buti na lang din pala hindi niya napilit makipag sex or else lalo siyang nagka problema ng mas malaki.

Anonymous said...

jun maganda ang site mo kaya lang naiisip ng mga readers since you're a scriptwriter, totoo lahat kaya toh o imahinasyon lang ni Jun?

Pero nakaka-aliw!

JUN LANA said...

hi anonymous nov 14, magaling lang talaga ako kaya kahit tsismis nagmumukhang entry sa palanca. joke. baka isipin nyo cute na nga ako mayabang pa. sobra na di ba? lol.

pero ang totoo niyan, nung sinimulan ko tong blog na to, di ko naisip na magkakaroon ako ng audience. biruan lang naming magkakaibigan kaya ako nag blog eh. pero siyempre kahit biruan, kinarir ko. kasi nag-e-enjoy talaga akong magsulat. ako ang unang audience ng mga sinusulat ko. kaya kahit walang magbasa, basta natuwa ako, solve na ako.

kaso maraming naglink sa blog ko. may ibang entries napublish pa sa tabloids. tapos maraming nag-iwan ng messages. may iba nag-email pa. nagti thank you kasi naaliw ko sila.

eh ako ata ang taong pwedeng mabuhay sa thank you. thank you lang natutuwa na ako. mababaw talaga kaligayahan ko. kaya yan, sa dami ng thank you na nakukuha ko dahil sa blog na to, nag decide ako last week—hindi nga, last week lang talaga—na gawin nang karir ito. lol. kaya kita nyo ang daming entries bigla. (saka baka maglabas ako ng libro hehehe kaya kailangang sumulat nang sumulat)

ngayon pag nagsusulat ako, iniisip ko nang may readers ako, kaya ginagawa ko siyang entertaining. nag-i-inject ako ng humor. naglalagay ng mga palabok. at minsan may gimik. gaya nung post na “butch”, meron siyang poll. yung iba, may kanta. eto halimbawa, merong “click nyo dito” fuction para may konting suspense.

pero lahat ng nandito, totoo. pramis.

JUN LANA said...

hi aimiff, ym minsan, basta online ako. ym: octobertrain. lab na nga rin kita eh. pero yung lab na walang malisya ha. baka magselos mga jowa natin. lol.

Kazan said...

naaliw ako sa kwento, nalungkot at nabitin. ang galing mong magkwento direk.

Anonymous said...

direk, hindi mo naman sinagut ang tanung ko, panung nag ka HIV si rose eh sabi mo nga ni minsan di naman sila nag sex ng dyowa nyang closeta?

JUN LANA said...

anonymous nov 15,
hindi si rose ang may hiv. read mo uli, bilis! =D

Anonymous said...

Hi Jun! Ako ang anonymous nov 14 na nagcomment kung imahinasayon lang ang mga sinusulat mo.

Nais ko lang iparating sa yo na your answer to my comment is well appreciated and I really did enjoy reading your commments!

At saka maganda ang template ng blogsite mo, it's a contrast of black and green, very cool to the eyes! Specially I like yung icon na "Toilet Paper" parang in a way you're suggesting to your readers na may "Toilet Humor" sa blog na ito na maglelead sa curiosity ng mga readers!

Ok lang kung palitan mo ang background o template mo later maganda naman ang taste mo sa pagpili!

Kaya lang baka pag nagtagal at naging popular na eh dumami ang mga pop-up advertisements mo sa blogsite mo! Hehe!

Again, thanks sa pagsagot mo! More power!

David said...

yun yun e..

Danica said...

hello po nirecommend lang ng friend ko ang blog ninyo (dahil masunurin akong bata binasa ko naman)

in fairness nakakarelate ako kay rose

feeling ko isinumpa ako ni Lord na lahat ng magugustuhan kong lalaki either bakla o magiging bakla

hindi nga ako sure kung SUMPA or BLESSING :)

and i must say i'm officially a fan

MABUHAY ANG MGA BAKLA!!!

btw BABAE PO AKO (I SWEAR) dururut dururut durururururot

roseee said...

i'll say thank you din para magsulat ka pa ng marami. =) love all your posts. =)

Anonymous said...

taob si bryanboy.

Trixie said...

I'm in love with a gay right now so I can relate. So anong nangyari, did Rose stay with the guy kahit na harap-harapan siyang kinakaliwa?