Wednesday, November 21, 2007

cover girl 2

Ang buong akala ni Rose nung una, dahil sa overfatigue kaya nag-collapse sa trabaho at na-confine ang boyfriend niyang si Bong. Kung papaniwalaan niya ang nanay ng lalaki, mula raw nang hindi makipagkita si Rose kay Bong, nawalan na ito ng ganang kumain, at hindi na makatulog.

Nag-volunteer si Rose na magbantay sa boyfriend ng gabing yun. Hindi para alagaan ito. Kundi para hintayin itong magising at kausapin nang masinsinan.

Pero nung magising si Bong, ang unang tinanong nito sa kanya: Dumaan na ba si Victor?

Nadurog ang puso ni Rose. Na-realize niyang kahit bakla ang boyfriend niya, mahal na niya ito.

At dahil sa pagmamahal na ito kaya siya mismo ang tumawag kay Victor para ipaalam dito ang nangyari kay Bong.

Nang gabi ring yun, dumating si Victor. Dalawa nilang binantayan si Bong habang natutulog ito.

At doon niya nalaman kay Victor ang lahat.

Varsity players noon ang dalawa sa college at kapwa may nobya nang magkaroon sila ng relasyon. Pero dahil lumaki sa isang pamilyang sagrado Katoliko, may guilt complex si Victor tuwing magsi-sex sila ni Bong. Sa halos sampung taon daw na tinagal ng relasyon, mabibilang lang talaga ang pagtatalik nila. Kung maituturing ngang pagtatalik ang ginagawa nila.

Nung ma-diagnose daw na may HIV si Bong, ang unang akala ni Victor ay sa kanya ito nahawa. Na-involve kasi siya dati sa isang car accident at nangailangan ng blood transfusion. Ito lang ang naiisip niyang pwedeng pag-ugatan ng sakit.

Pero nung lumabas na negative ang results ng HIV test kay Victor, saka lang daw umamin si Bong na kung sino-sinong lalaki na pala ang naka-one night stand nito. Tuwing tumatanggi raw makipagsex si Victor sa kanya, madalas dalawa o tatlong lalaki ang kapalit nun.

Mabilis na nasira ang relasyon nina Victor at Bong pagkatapos nun. At dahil sa pangyayari, lalong nakumbinse si Victor na walang mararating ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. Kaya pinilit niyang magmahal ng babae. Hanggang magkanobya siya’t makasal.

Ilang beses daw tinangka ni Bong na makipagbalikan sa kanya. Pero desidido na siyang magpakalalaki. Kaya’t paulit ulit niya ring kinumbinse si Bong na subukang magmahal ng babae.

Pero ayon na rin kay Victor, nang una niyang makitang kasama ni Bong si Rose sa Christian fellowship, nakaramdam siya ng matinding selos.

Doon niya na-realize na mali ang ginawa niyang pagpapakasal. Mali ang ginawa niyang pag-iwan kay Bong. Kaya’t siya naman ang naghabol dito.

Ngayon, hihiwalayan na raw ni Victor ang asawa niya. At ang pakiusap nito kay Rose: pakawalan na rin si Bong.

Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ni Rose, madali niya itong nagawa. Ano bang pakialam niya sa dalawa, lalo na’t niloko siya ng mga ito.

Pero hindi nga ordinaryong babae si Rose.

Dahil kahit bakla, at kahit may HIV ang boyfriend, hindi ito mga sapat na dahilan para mabura ang pagmamahal niya sa boyfriend.

Nang mga sumunod na araw, ganito raw ang mga naging eksena sa ospital: dahil wala nang tinatago ang dalawa, minsan daratnan niyang magka-holding hands sina Bong at Victor, minsan magkukuwentuhan na parang wala siya doon, at minsan inutusan pa siyang magbalat ng suha habang magkayakap na nanonood ng TV ang dalawa.

At ngayong nakalabas na ng ospital si Bong, parang yayang bubuntot-buntot sa dalawa si Rose. Nakikisingit sa date. Nakikisawsaw sa kwentuhan. Kahit siya napapagod na sa ginagawa niya, pero hindi niya mautusan ang sariling iwanan si Bong. Humihingi siya ng tulong sa akin, paano daw siya matatauhan?

Pero hanggang ngayon wala akong maipayo. Kasi paano mo papayuhan ang isang taong nagpapakatanga sa pag-ibig?

22 comments:

aimiff said...

dapat na ngang pakawalan ni Rose si Bong... yun lang naman ang dapat eh. giving him up doesn't mean she loves him less. mukhang dun na masaya si Bong eh. when we love someone, mas uunahin natin ang kasiyahan nila kesa sa ang satin.

John Halcyon von Rothschild said...

This is great movie material. Maybe you should write a screenplay about it.

rAzAzO'o said...

sawsawan rin lang ang usapan, makikidawdaw na rin aketch. hindi tanga si rose. deeprooted lang ang kawalan niya ng access sa isang role model kung paano magmahal. dapat sabunutan niya ang kanyang mga magulang o mga nagpalaki sa kanya dahil hindi sila nagsikap na magpalaki ng isang emotionally stable na tao. i-assess na lang ni rose ang sarili. kung ano ang worth niya at mga weaknesses. kapag nabalanse niya ay samahan na rin niya ng mapagkaabalahan. something positive and productive. or better still puede siyang maghanap ng psychotherapist para matulungan siyang tanggalin ang katarata ng puso niya. oo, isa siyang boba, pero boba man ay bahagi pa rin siya ng lahat ng pangyayari sa mundo.

David said...

e alam na naman pala niyang kailangan niyang matauhan e.. sa kanya na dapat manggaling an paraan..

pero sa tingin ko dapat lumayo siya.. kasi habang pinagsisiksikan niya ang sarili niya, bukod sa nagmu-mukha siyang tanga, e mas magiging mahirap pa ang makalimot..

charmed one said...

when you love someone deeply, it doesn't matter kahit na mukha kang tanga, kahit na panget ang mahal mo, kahit na lumalabas kang bobo. the only way she can really get through this is go cold turkey. lumayo siya, in the beginning mahirap pero she'll get through it in time.

Porn Gay Guy said...

agree with john direk.. magandang plot ito sa movie.. suggest mo kay mother habang mainit pa ang piolo-sam scandal.. maybe piolo could play bong while si sam naman si victor.. tapos ang bidang girl eh si angel locsin tapos ang wife ni victor eh si ann curtis.. tapos isama sa mga naging ka sex ni bong sila victor basa, rustom padilla, luis manzano, uma, paulo ballesteros, andrew wolfe.. tapos ang mga scene eh pang rated R talaga... naku for sure mega blockbuster yan... ha ha ha

Porn Gay Guy said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Porn Gay Guy said...

agree with john direk.. magandang plot ito sa movie.. suggest mo kay mother habang mainit pa ang piolo-sam scandal.. maybe piolo could play bong while si sam naman si victor.. tapos ang bidang girl eh si angel locsin tapos ang wife ni victor eh si ann curtis.. tapos isama sa mga naging ka sex ni bong sila victor basa, rustom padilla, luis manzano, uma, paulo ballesteros, andrew wolfe.. tapos ang mga scene eh pang rated R talaga... naku for sure mega blockbuster yan... ha ha ha

Ronald said...

ang sakit-sakit.

lalu na yung huling linyang: "paano mo papayuhan ang isang taong nagpapakatanga sa pag-ibig."

sapul. ouch.

themindisfree said...

Jun, plis lang alisan mo ng helmet si rose at iuntog mo sa pader.
Kita mo kahit thanksgiving day dito nandito pa rin ako. Kinarir ko na rin yata pagbabasa ng blog mo. Bagsak ako dun sa quiz mo about gay lingo. Kasi naman ke giovanni calvo pa ko natuto non, sumalangit nawa ang kanyang soul. Kahit nga si sen hindi maget yung ibang term. dapat gumawa ka na rin ng dictionary ng mga bading. unfortunately, dito sa states hindi ganun kainfluential ang mga friends of dorothy's kaya wala sa mainstream ang gayspeak.
Since thanksgiving day ditis, happy thank you sa yo uli. I have been telling my friends here to read your blog at sila rin naloloka. Mukha ka raw kasing loka-loka sa pic mo. Lukring ka ba? O loka-lokahan lang? Pero teka, kelan ba namin mapapanood ang roxxxane dito sa nyc? ikaw, di mo pa hinusto yung entry mo kay janvier. di mo pa nilagay yung pic na hubo. anyway, nakita rin naman namin. mukhang may pramis ang batang yon. pero parang kailangan pa ng workshop. sabihin mo punta siya dito, bibigyan ko siya ng libreng workshop. basta lang ang suot niya yung suot niya sa pic na kumakalat sa mga cellphones at websites ngayon na naging dahilan para maakusahan kang ginagamit iyon para sa publicity ng film mo.
para don sa mga nagsasuggest na gawing film itong cover girl story, eh di ba meron na yung "making love" with kate (from charlie's angels) and whatever this ex-hunk's name is who is now married to rina whatever her name is. that film by the way has a beautiful theme song.
and thinking of that song by roberta flack reminds me i must go to bed now... titi u later...yet

Pinoy Gay Guy said...

Kahit kelan, hindi talaga maganda ang gumamit ng babae para mag "accessorize". Hay, may God Bless the three of them.

Agent Boytoy said...

ito lang, sa lahat ng kakalabanen, wag lang babae... dahel iba sila. sila pa ren mananalo... at sila ang tama.

basta... hehe

droidz said...

reminds me of the "moral" sub-plot (of johnny delgado and sandy andolong). true, rose should leave them be and start over aas friends. maybe she's confusing her real "platonic" concern for bong as "love".

David said...

@agent boytoy
bakla ka ba?? kasi sa tono ng comment mo parang sinasabi mong laging tayo ang nasa mali e..

Agent Boytoy said...

diko naman sinasabi mali ka o sila. pero nararamdaman ko mas tama si Rose... ipaglaban ang isang bagay hanggat kaya... :)

may kaibigan akong gay, lagi niya sinasabi, kalabanin na lahat sa pag-ibig wag lang babae... hehe

kaya di ako nag gegelpren. baka matalo ang gay lover ko eh... iba lumaban ang babae eh... dimo pansen?

maktub said...

ummm... dapat siguro yung Bong ang magsabi ng "dapat" gawin ni Rose para sa sarili niya... although, yes, given na siguro na pinaglalaban niya yung damdamin niya for Bong pero... di pa niya siguro matanto (naks) na may mga laban na alam mo dapat kung kelan ka sumuko.. =)

Anonymous said...

Juice ko, tumikim siya ng tunay na lalake, yung walang bahid ng kabadingan sa katawan, at malalaman niyang kay sarap pala ng tunay na lalake kesa sa isang bakla!

But seriously, dapat mahalin muna ni rose ang sarili niya, bago niya mahalin ang iba. It sounds like she is a girl of very low self-esteem, siguro walang ibang magmamahal sa kanya, kaya yung pagmamahal ni Bong, no matter how worthless it is, ay tinatanggap niya.

Ngayon, kung maganda si Rose, at least mala-Katrina Halili, Iwa MOtto or Ehra Madrigal, hinding-hindi nya kakailanganing umeffort ng ganyan sa boyfriend niyang malansa na, HIV positive pah! Yaiks!

Anonymous said...

forum ba ito? winoworkshop na ang istorya! dali, isulat na ang script! tawagin na si mother! hehe:)

im such a fan. i wish i had that wit. that talent to find the choicest words to whip up those captivating stories entry after entry. (tama ba ang grammar ko 'day?)

David said...

@agent boytoy
i don't mean to be all negative.. pero iba kasi yung 'ipaglaban hangga't kaya' sa 'kahit anong mangyari babae pa rin ang lalabas na tama'..

Ba-Lake said...

mga ate, nanoticed ko pinagtatalunan ang pagpapatalo ng bading sa babae. i have 6 sisters, a mom, several aunts, and of course mga nanay-nanayan. naisip ko, kahit bading ako, dapat iginagalang ko pa rin ang mga babae. kasi babae sila. ako, nagbabababaihan lang. kung tutuusin, women are really stronger. kaya nilang magprocreate ng kapwa nila tao (of course kailangan ng semilya ng lalaki, but recently there was a news item that intimated that scientists are now trying to discover how to get a woman pregnant without a man's sperm cells). ako, matay ko mang isipin, pagpantasyahan ko man ng "ano kaya kung sa likod ko ilagay ang bata para di ako magkaroon ng stretch marks pagkapanganak ko? hitsura ni ate vi sa kampanerang kuba!" hindi mangyayari iyon kasi wah ako matris. the bottom line is this: huwag makikipag-away sa mga babae. at lalong huwag makikipag-agawan ng lalaki sa babae. ang mga binabae dapat marunong ding rumespeto sa mga babae. kasi sila babae talaga - tayo, nagpipilit lang maging babae...eh pa'no kung mahal mo nga yung guy? mahal? mahal ang bigas! mahal ang gaso. mahal ang pa-load sa cellphone. mas maraming mahal pa kesa diyan! pagbali-baligtarin man ang mundo, lalaki pa rin ang mga bading. perhaps pusong babae, pero sikmurang lalaki!

Anonymous said...

nagpakarose na ko dati pero eventually pinili ko din umalis sa ubod ng samang relationship na yun. masama hindi dahil sa bading siya pero dahil hindi ako ang mahal niya at accessory lang niya ako. wala naman sa sexual preference yan e kahit lalaking lalaki pa siya, kung ginagamit ka din niya, then bygolly get out of the freaking relationship.

Anonymous said...

buntong hining...patay na si bong. si rose, patuloy parin sa buhay. ilang ulit niya nang sinabi na naka move on na siya pero sa palagay ko hindi. siya parin ang bukang bibig niya tuwing magkikita kaming mga college friends niya. ke maka move on siya o hindi, nandito lang kaming mga kaibigan niya para sa kanya. kahit abutin pa ng 100 years.