Monday, November 05, 2007

butch

May interesting article sa Genre magazine: “Should I butch it up to get a man?” Many years ago, may kakilala akong filmmaker na may na-meet na Australyano sa chat. In fairnez, kamukha ni Brad Pitt yung Australyano. At rica peralejo (read: rich, ate). Para mabingwit ang Australyano, nagpanggap na straightacting ang kakilala ko. Di nagtagal, pumunta dito ang Australyano. Nagmeet sila ng kakilala ko, nagsex, hanggang yung 2 weeks na bakasyon ng Australyano naging one month. Siyempre diring-diri ang kakilala ko sa pagpapanggap niya, pero mahal na niya yung Australyano. Afraid siyang iwan nito. Isa pa, nakakatulala talaga sa gwapo yung guy (kahit ako na taga-showbiz muntik na akong ma-comatose nung makita ko ang picture, at picture pa lang yun ha), at napaka-sweet, imagine ikinuha siya ng condo sa WackWack para maging love nest nila. Isang araw nagpropose yung Australyano na mag-move in na lang yung kakilala ko sa bahay ng Australyano… sa Australia! Kilig na kilig yung kakilala ko, pero naisip niya, panahon na para sabihin niya sa Australyano ang totoo. Panahon na para ipakita niya sa Australyano lahat ng sash at koronang napanalunan niya sa mga beaucon (hehe dagdag ko na lang ito, although beauconera talaga ang kakilala ko, at favorite niyang irepresent ang Puerto Rico). Saka tama naman ang katwiran ng kakilala ko: kung love talaga siya ng Australyano, dapat matangap nito ang totoo niyang pagkatao, di ba? Sadly, hindi lahat ng katwiran, kahit tama, nasusunod. Dahil nung bumalik sa Australia ang jowa niya, ni ha, ni ho, wala na siyang narinig dito.

Should I butch it up to get a man?
Ate, lahat gagawin ko!
Deadma sa love! I am what I am!
  
pollcode.com free polls

13 comments:

in-Betweener said...

and bf ko, sabi sakin nung minsan, mag-straight acting daw ulit ako. sa ibang tao kasi, ganun naman ako. pero dito sa bahay, ndi. kesihodang kumanta ako ng mga kanta ni regine, ok lang sakin. pero miss na raw nya yung mejo matigas ako. nu ba yun. pingabigyan ko. pareho kaming na-bore. halos di na ako nagsalita. pag paminta kasi ako, mejo seryoso. at ndi masaya. kaya ndi maganda kung dito lang naman ako sa bahay.

nga pala, i-link kita sa blogs ko ha. salamas.

ron said...

uy... may bago na naman akong nakitang blog... hehehe.. mauubos na naman ang oras ko sa office nito... hahahah... anyway, bf ko ayaw nya na nagsasalita ko ng gay lingo kasi weird daw, gusto nya lalaki ako magsalita... pero kpag nag-aasaran kami ok lng...

mrs.j said...

ang lungkt gawain k rin yn minsan pero nakakapgod n din kasi.. hay darating din un noh...

themindisfree said...

hi jun. hindi mo ko kakilala pero ikaw, parang matagal na kitang kakilala. i was surfing the net and came across your blog. kung aksidente o talagang hinipan ako ng hangin papunta rito, di ko alam. i have been living in the states for 20 yrs. yung 13 dito ko na sa new york ginugol. madalas, iniisip ko kung paano pa mabuhay sa manila after all these years. but through your blog parang nata-transport ako. enjoy ako sa pagbabasa. ni hindi ko namalayan pasado alas dos na ng umaga eto at dilat pa rin ako. maaga pa naman akong gigising bukas. di ko na natapos basahin yung iba. pero natouched ako do'n sa "baon" at humahalakhak ako don sa tungkol sa PA mong heartbroken. nasa industriya rin ako kahit pa'no nage-AD minsan. ngayon nangangarap magsulat uli. nangarap din akong magpalanca pero lagi akong namamatet...takot ako eh! a writer friend who is with me right now knows you, si senedy. napansin niya tawa ko nang tawa habang nagbabasa and i told him i was reading your blog. sabihin mo dun sa friend mo na nagreview ng cinemalaya films, di naman gano'n kapangit ang "kadin". dinalhan ko ni sen ng kopya non. parang iranian film ang dating ha? mas tinulugan ko pa nga yung donsol kesa don. i also saw "endo" dahil dinala rito ni raymund sa film academy. okay lang siya. kaso ang tanong ng mga non-pinoys na nakasama naming nanood bakit daw ang mga pinoy papalit-palit ng trabaho? di nila nagets yung end of contract premise. anyway, i know what i have written so far have nothing to do with being butch. paminta lang ako pag may bagong tao. para makalalaki? yup, ginagawa ko rin minsan kasi dito naman di ka makakahala basta-basta kung di ka pamin. kasi ang laban naman dito bading sa bading. di ka puwedeng humabol sa supposedly straight. kahit paminta ka it doesn't matter kung top or bottom ka. magkakadiskubrihan na lang kayo sa loob ng cubicle. kung nagkataong pompiyang pala, eh di escape? kung nasa park kayo puwede kang magdahilan ng "i think someone's coming!" Eching lang pero ligtas ka na. anyway, kahit pinuyat mo ko, gusto ko na ring magpasalamat kasi nag-enjoy ako sa pagbabasa ng blog mo. sabi mo nga sa "baon" dapat maalala nating magthank you before it's too late. kita mo nagtiyaga pa kong magpost? i hope you keep them coming and you keep on cumming as well. lol! mahalaga yon kasi iyon ang magpapapabata sa yo! siguro balang araw magkukrus din ang mga landas natin. binabasa pa lang kita para na rin kitang kaibigan. sabi nga, a stranger is a friend you just haven't met. salamat lola!

Anonymous said...

hi jun, i really want to see roxxxanne, but i'm a closeted gay. will it be released in the market. thanks.

JUN LANA said...

hi. baka 2nd quarter pa next year ang release ng video. february 2008 ang theatrical run ng movie. regards. =D

Baklang AJ said...

Deadma sa love! I am what I am talaga! Cliche man, but if it is love, it must be unconditional. I don't wanna grow old and end up na isang panggaperang kuba. :)

David said...

no way.. my lalaki ka nga di ka naman totoong masaya dahil pigil na pigil at tantyado mo lahat ng kilos mo..

p.s. medyo na-weird-an ako sa isang comment dito.. hehe.. ang panonood ba ng roXXXanne ay pag-aming bakla ka?! hehe..

kalansaycollector said...

well ako ang stand ko true love waits.

im still waiting for 20 years. hala kumusta naman, OA pala ang 20 years, kaloka kung noong baby pa ako eh bakla na akong naghihintay ng jowa.haha

daniel said...

hi jun...love the picture! cute. =)

anyway, i think that there are more gay men who are attracted to straight-acting men than the effems. so if you wanna hook up with a MAN, be a man! if youre ok with being effem then you should get involved with other effems, kasi if you can't see the beauty in them, how can anyone see the beauty in you?

NM said...

i guess it was really heading towards a heartbreaking demise if you don't set the record straight. in this story, pun intended. :p

Agent Boytoy said...

maging totoo lang... maraming mga lalaki ang gusto ng bading.... trust me... :)

Anonymous said...

i agree boytoy... bf ko may asawa na... ako pa rin hinahanap nya at nagkakuyangyangan pa rin kami... straight sya no i'm sure...iba daw ako magmahal at sa kama...seeee?