Wednesday, October 24, 2007

october 24

1. Birthday kahapon ng dad ko.

Kahapon ko pa siya naiisip. Wala naman akong mapagsabihan. Di ko naman ma-remind ang mommy ko, dahil baka biglang ma-depress.

Kung ako nga nalungkot.

Nakakalungkot kasi di ako sure kung tama pa rin ang memory ko ng mukha niya.

Anyway.

Happy birthday, Pa. Wherever you are. Sana OK ka.

2. Na-X ng MTRCB ang trailer ng Roxxxanne.

Kanina ko lang nalaman. Di ko pa sure kung ano ang mararamdaman ko.

3. May gumagamit daw ng name ko. At picture galing sa friendster.

Weird. Meron talagang nag-abala. Para saan? Panakot sa daga?

4. Finally nagdecide akong gamitin ang iphone ko, pero ayaw niyang mag send ng text. Pwede akong itext, di lang ako makaka-reply. Ewan ko.

5. Kanina pa umuulan.

It’s just not a good day today.

3 comments:

noreen said...

sabi ko noon, alam mong sikat ka na kapag may nag-aabalang gumawa ng pekeng friendster account mo. :)

Michelle Lana said...

HI Jun - My name is Michelle Lana. I'm a cousin of yours - my dad is your dad's older brother. just wanted to say hello... :)

Anonymous said...

Hi Jun. Kelan ang commercial release ng latest movie mo? Di ko kasi napanood yung sa UP Film Center. Thanks