Wednesday, October 31, 2007

gym

Sinamahan ko minsan mag-shopping ang isang friend ko. Eh magja-Japan na kasi ang jowa niya, at maiiwan siya. Although hindi naman sila hiwalay, feeling niya, dun rin papunta yun kaya nag-decide siyang magmaganda uli. In short, balik gym ang lola.

Ang una niyang concern: outfit.

AKO: Anong outfit? Bakit, balak mong mag-gown sa gym?

FRIEND: Hello! Siyempre hinde. Pero dapat may look.

AKO: Anong look?

FRIEND: Straightcurious.

AKO: Look ba yun?

FRIEND: Gaga, oo. Parang Piolo and Sam. Bago sila nakita ni Lolit sa Sofitel.

Heehee. So shopping kami ng outfit. Karir. Ang hirap pala i-achieve ng straightcurious look. Dahil pa-straight, di pwede ang color coordinated. Pero dahil curious, dapat may konting flair, so pwede ang accessory gaya ng cute na water jug. Pero wag masyadong cute gaya ng jug na may Astroboy design. O kaya hello, Hello Kitty.

Bumili rin ng bagong shoes ang lola. Dahil pa-straight we made sure na boring yung design ng shoes. Pero dahil curious, bumawi na lang kami sa medyas. Looney Tunes. Pastel.

At siyempre, naghanap kami ng disenteng underwear. Kasi siyempre pag naghubad siya sa locker room, underwear niya ang unang mapapansin ng mga tao. Eh may pagka sosyal ang friend ko, karamihan sa briefs niya Versace. Yung may belt buckle. Sino ba namang straight ang nagsusuot ng brief na may sariling sinturon? Para safe, bumili kami sa Bench. White. Tapos payo ko: Para lalo siyang magmukhang butch, bago mag-gym lumain niya sa kalalaba yung brief hanggang magmukhang bacon ang garter.

Finally, hindi kumpleto ang look nang walang tamang haircut. So fly kami sa favorite salon namin. Straightcurious ba kamo? Astig? Walang bahid? Eh di nagpa-semikal ang lola. Ewan ko ba kung bakit, pero ang daming bading na semikal.

FRIEND: Ano, how do I look?

AKO: In fairnez ate, mukha ka nang tambay diyan sa kanto.

Tapos biglang naiyak ang bakla.

FRIEND: Nag-gi-gym lang ako pag single ako. Ang lungkot lungkot mag-gym.

AKO: Bakla, wag kang mag-emote dito. Magpa-trim ka na lang ng kilay para madistract ka.

FRIEND: Straightcurious nga eh! Tapos magpapatrim ako ng kilay?

AKO: Kasi nga mukha kang tambay. Kailangang ma-soften ang features mo.

So nagpatrim ang bakla. Ending, mukha pa rin siyang tambay. Na nagpatrim ng kilay.

Pag may kaibigan akong nakikipag hiwalay, naiisip ko lagi, pwedeng sa akin nangyari yun. Pwedeng ako yun. Kasi sa totoo lang, wala namang sigurado sa pakikipagrelasyon hindi ba? At kung bakla ka, alam mong ang katumbas ng bawat taon na itinatagal ng relasyon mo eh parang buhay ng isang aso. Multiply by 7. Or 10. Or 20.

Minsan naiisip ko, hanggang kelan ganito ang cycle ng buhay ng isang bakla? Pag iniwan, maghahanap. Pwede mong pilitin ang sarili mong pumirmi sa isang lugar, hintaying ikaw ang hanapin ng pag-ibig (in the meantime, kung tumatanda ka na, pwede kang mag-ampon para may security blanket ka, gaya ng paniniwala ng ibang kakilala ko) pero dahil tao ka lang, maghahanap ka pa rin. At makikita mo uli ang sarili mong patalon-talon sa iba’t ibang relasyon. Minsan sa katatalon, may makaka-one night stand ka na naka-one night stand mo na pala at di mo maalala, kasi hindi mo napapansin, binabalikan mo na lang yung mga taong dapat matagal mo nang iniwan,.

Well, 2-3 weeks na ang lumipas mula nang sinamahan kong mag shopping ang friend ko. Ngayon araw-araw na siyang nag-gi-gym. Gusto atang lumevel kina Vina Morales at Jackie Lou Blanco.

Recently nag-text siya. May na-meet daw siya. At masaya na uli siya. Ang text back ko: Ate, wag kang tumigil sa pag-gi-gym.

4 comments:

pat said...

parang intimidating makipagflirt sa naka-versace na brief. feeling mo mamatahin ka nung brief.

ang hirap maging 'straightcurious'. :c

in-Betweener said...

bakit nga ba ganun. kahit ako, sabi ng bestfriend ko, may sariling cycle ang love life ko. paulit ulit na lang.

lahat ba tayo ganun?

mrs.j said...

i love to go to d gym hindi para mag gym

para magboys hehe ang mahal lng maggym,...

hay..

ang mahal ng lalaki!

daniel said...

huy hindi lahat ng bading may cycle cycle chuva. Ako after two failed relationships i've found the one. We met in graduate school and we've been together three years and going strong. Straight or gay, girl or boy, mahirap lang talagang makita ang the one!

@jun: sobrang nataawa ako sa post na to! hahaha. and can i just say, ang bading ng versace briefs ha! pati bench! stay with jockey or hanes kung gusto mong straight-curious! hehehe