Thursday, September 27, 2007

sheree


Trivia:

1. Launching movie dapat ni Sheree ang Scorpio Nights 3. Mas pinili niyang unahin ang Roxxxanne.

2. May sikat na kanta akong gustong gamiting theme song para sa pelikula. Kinausap ni Sheree ang composer at napapayag niya itong ibigay sa amin ng libre. Nung nag e edit na, biglang naghabol ang recording company. Nagpapabayad bigla ng 150,000 pesos. Nag-offer si Sheree na siya na lang ang magbabayad. Hindi ako pumayag. Sabi ko, tatayo naman ang pelikula kahit wala ang kanta. (150,000 pesos ang cost ng isang araw ng shoot ng Roxxxanne. Sa 150,000 pesos, mababayaran ko ang camera, locations, lighting, at ang tf ng halos isandaang katao—100!—na bahagi ng cast, catering, crew at production staff; ganun kalaki ang halaga ng 150,000 sa isang indie movie. Sa isang commercial movie, kalahati araw na tf lang siguro ni Sharon Cuneta ang 150,000 pesos).

Thanks, Sheree.

1 comment:

David said...

ayos pala si sheree.. naengganyo tuloy akong subaybayan ang career niya.. sana malayo ang marating niya..