Thursday, August 23, 2007

palanca


Nagulat ako may dumating na invitation galing sa Palanca. Eh di naman ako sumali. Tapos naalala ko nag-hall of fame nga pala ako last year hehe. Wow, ibig sabihin ba nito di ko na kailangang mag-gate crash sa Palanca ever? Paksyet. Tuwing mananalo ako noon ng Palanca, ang lagi kong tanong eh kung magbabarong o hindi; kung magpapaka-cool o formal. Siyempre big deal, Palanca yan eh, pero ayaw mo namang magmukhang magre-reyna elena ka sa santa cruzan di ba, yung kulang na lang lagyan ka ng kapa. Me iba naman sobrang casual, kasi nga artist daw, kunwari they don't care, kaya astang parang manonood lang ng sine sa Star Mall, pero wag ka, secretly nagpa-pedicure pa sila bago pumunta sa Palanca. Well di naman talaga importante kung ano ang isusuot mo. Hello, nanalo ka na ng Palanca. Wala ka nang kailangan pang patunayan.Sa lahat ng winners this years, oy congrats mga ate!

4 comments:

Anonymous said...

Palanca Hall of Fame! Wow! Isa kang tunay na palangkera! Go girl!
- Marky

pat said...

ang angas.

hall. of. fame. be casual lang jun. casually sosyal.

eto lang. barong is so nineties. baston is so noong unang panahon.

pero palanca pa ren yan. dapat todo outfit.

Ü

Daniel Ted said...

Palanca? Astig mo bro.. Galing ah.

kalansaycollector said...

ano man ang suot mo,kiber! palanca pa rin! hehe