Tuesday, August 14, 2007

heartbroken?

Pag direktor ka, iniisip ng mga tao sa production, me sagot ka sa lahat ng tanong nila. Iko-consult sa yo mula make-up ng artista hanggang sa kulay ng kurtina sa set hanggang sa kung anong oras mo gustong magpa-lunch at dinner break. Dati, nung nagsisimula ako, nagpapanic ako tuwing me lalapit sa akin at magtatanong. Kasi sa totoo lang, karamihan sa mga direktor, nagdudunung-dunungan din lang. Karamihan, insecure. At kasama na ako dun. Pero pagtagal-tagal, nasanay na rin ako. Dinadaan ko na lang sa attitude. Last week, may lumapit na PA (production assistant) sa akin sa shoot. As usual, me tanong. Paano daw ba mag-cope kapag heartbroken ang isang tao? Siyempre natigilan ako. Inisip ko muna kung sakop pa yun ng trabaho ko bilang direktor. Kung nagkataong mali ang gising ko, baka natarayan ko siya at inabutan ng blade. Eto ang sagot, maglaslas ka.

Pero dahil batang baklita ang PA ko, na-feel ko ang pain niya. Parang ako nung dalaginding ako. At sa experience ko, wala nang le-level pa sa kalbaryo ng isang baklang sawi sa pag-ibig.

Eto ang tandaan oras na ikaw ay nagdadalamhati: hindi masama ang umiyak. Siguraduhin lang na maganda ka pa rin. Asan na lang ang hustisya kung depressed ka na nga, mukha ka pang kasuklam-suklam. May isa akong kaibigan, nung maghiwalay sila ng partner niya, umiiyak lang siya kapag nasa harap ng salamin. That way, nababantayan niya raw ang hitsura niya. Sa kababantay niya, na-perfect niya ang art ng pag-iyak na isang luha lang ang pumapatak. In fairness talo pa niya si Claudine Baretto pag nagmo-moment. Me angking sweetness pa rin kahit bitter. Yun ang dapat nating i-aspire, mga kapatid.

Iwasang i-channel ang poot ni Celia Rodriguez tuwing maiisip ang ex. Wag nang sayangin ang oras sa paghahanap ng hitman. Remember, walang kontrabidang nagwawagi. Sa halip na maghiganti, maging graciosa. Kahit ikaw ang niloko, magpasalamat na lang na tapos na ang lahat. Pero wag ding tanga. Wag nang pangarapin na magiging friends kayo ever. Iwanan na sa kangkungan ang mga taong nanakit sa yo. Unless mahilig ka sa kangkong.

Pwedeng makipagdate. Pwedeng makipagsex. Malaking tulong yan sa self-esteem. Pero wag na wag nyong tutularan ang isang kakilala ko. Tuwing me matatapos na relasyon, naghahanap agad ng kapalit. Itago natin siya sa nick na Lookingforaseriousrelationship. In fact isa siyang alamat sa bi-manila sa dami ng nabibingwit niyang jowa sa pagchachat. Sa limang nakarelasyon niya, tatlo dun suicidal, yung isa muntik nang sinunog yung condo niya, at yung pinakahuli pinagdududahan niya hanggang ngayon na kinukulam siya dahil laging sira ang tiyan niya. Moral lesson: I-enjoy muna ang pagiging single. Siyempre hindi madali sa simula. Sa gabi, pag wala ka nang amigang makausap, mag-isa kang hihikbi–hikbi sa pillow. At kung gaya ka ng bestfriend ko, malungkot na nga makikinig pa ng Bluer than blue at Tears in heaven, at may-I-sing pa ang bakla habang nakatanaw sa window, tapos maaawa sa sarili. OK lang yan. Walang taong baduy sa nagdadalamhating puso. Siguraduhin mo lang na di ka napapanood ng kapitbahay mo dahil baka tuluyan kang maglaslas sa sobrang kahihiyan.

And finally, reinvent yourself. Parang si Madonna. O kung masyadong mataas para sa yo si Madonna, andiyan naman si Juday, in fairnez glamorosa na ang ate nyo. Salamat sa Fitrum. Pag-aralan kung paano nila nirepackage ang sarili. Baka pwede mong i-apply sa buhay mo? Hindi kailangan si Belo at Calayan. Walang masama sa pagpapalagay ng pwet at pagpapa-lipo pero mas maganda kung magpapaka-career woman ka muna. Kung wala kang career, pwes maghanap ka. Wala sa bokabularyo ng mga bakla ang katamaran. Magpakabusy sa work. Kahit di mo work, angkinin mo. Siguraduhin mo lang na wala kang maaapakan sa pangangarir mo ng trabaho ng iba. Maging competitive. Magkamal ng yaman. At pag nasa tugatog ka na ng tagumpay, darating ang araw at magkikita uli kayo ng ex mo. Sa araw na yun, matipid kang ngingiti (yung ngiting walang kurap para mas may impact), saka magbibitiw ng one liner: well, fancy meeting you here stranger (dapat ma-carry mo ang line na to bakla, walang buckle!) sabay flip ng hair at walk away. Yun ang best revenge, ate.

21 comments:

Phoenix said...

i love this post! ; )

Clark Can't said...

Ang galing!
I found your blog thru Migs of MGG.
Ang sayang basahin ng post na to!
Educational and entertaining as well!
Galing talaga!
Good work!

meow said...

im officially a fan! i love your blog . ang galing mo magsulat. i love it. :D

JUN LANA said...

thanks, guys. :D

kalansaycollector said...

wow parang advice column lang sa mga bading na nawawasak ang love life! go!

Nick said...

Aray! Parang natamaan yata ako nun. I enjoyed reading your post. Thanks!

Anonymous said...

=D

Keitaro Hanazawa said...

Nakakaaliw ang post na ito. Anyway, kelan ba ipapalabas ang movie?

luwwi said...

funniest blog post i've read in a while (actually LMAO)...definitely lifted me out of my blues...

Anonymous said...

natural, totoo at kakaaliw!

keep it up!

bwisit diaries said...

plangank lolah! dapat effect pa rin kahit iniwanan na ng jowa ever! love your blog by the way.

Anonymous said...

ENjoy talaga ako dito sa post na ito kuya jun,

i love this post...

noreen said...

sir jun, naaliw ako dito! gusto ko i-post ang link na ito sa blog ko, hehehe.

btw, ginawa na naming santo si juday. isa na siyang patron saint ng mga overweight na walang lovelife. gabi-gabi, sabay-sabay kaming yumuyuko at sinasabing, "judy ann, pray for us!"

noel said...

ang galing mong magsulat idol. kahit ayaw ko matawa napapatawa ako ng piece na to. hindi sa dahil nakakatawa ha, kundi dahil nakakatuwa kang magsulat. galing galing!

Anonymous said...

whew...i love this piece.. how i wish i have read this earlier, para nalaman ko ang gagawin ko, when my first bf broke up with me...
galing po talaga.. mahusay!

Anonymous said...

heartbroken din ako ngayon. :) i chanced upon your blog and naka relate ako.

magaling! :) salamat sa blog :)

PJ said...

Tinamaan ako sa sinabi mong wag nang umasang magiging friends kayo ever. It's happening to me and my ex right now. Every time I reach out to him, I end up feeling self pity.

Chino said...

How true. Dapat gawing manual ito. Kakaaliw ;)

clinton said...

when i read your blog, I was thinking of Bob Ong - the gay version. Kudos! nice piece..

Pepe said...

Bago lang sa blogging at eto ang una sa mga nabasa ko.. ang galing. 3 years after this entry has been posted and here I feel as if you are writing what I currently near to hear. Salamat! You can also try to visit my blog account if you have time.

Anonymous said...

Panalong-panalo ang article na to Te. Ang saya saya mong basahin. Sa totoo lang, nalulungkot din ako ngayon. Dahil nabasa ko ito, na-empower din ako. Pwede ka sigurong magsulat ng novel na parang ala-Bob Ong..pwede sigurong Bading Ong ang pen name. Kung ako ang teacher mo, bibigyan kita ng 11/10. Mahusay!