Sunday, July 29, 2007

Cinemalaya 2007



Di ako makapagblog lately sa dami ng ginagawa. Sa sobrang busy ko, yung boyfriend ko isang beses kinumusta ako sa email. Email ha. Eh magkasama kaya kami sa bahay.

Miss ko nang magbasa ng libro. Miss ko nang tumanga. At higit sa lahat, miss ko nang magblog. Kay eto... I'm baaack! Well, kunwari lang. Kapapadala lang sa akin ng email na to. Galing sa friend kong si Elmer Gatchalian. Si Elmer ay isang playwright, screenwriter, at youngest 1st prize winner sa history ng Palanca (nung 21 yo siya. Taraaay!) Pinanood niya lahat ng pelikula sa Cinemalaya, at gumawa siya ng review. Eh wala siyang blog, so kaming friends niya lang ang makakabasa nito. Sayang naman. Kaya eto. Mabuhay ang indie filmmakers!

EMAIL NI ELMER:

Kinarir ko ang panonood ng Cinemalaya ngayong taon sa CCP kaya kinarir ko na rin ang paggawa ng isang unsolicited movie review. Hehehe. Note: Because I was forewarned, hindi ko na pinanood ang "Ligaw Liham". So yun lang ang pelikulang na-miss ko sa pitong films in competition.

STILL LIFE
-OK na rin. may promise ang director. pero sa umpisa pa lang ng movie, alam ko na ang twist. that kinda ruined it for me. pero panoorin nyo pa rin. magaling si glaiza de castro. pero medyo OA si ron capinding. hindi pala medyo. OA SI RON CAPINDING. nung naimbento ang salitang OA, isa si ron capinding sa mga naisip ng nakaimbento ng salitang yan. "hmmm... OA... bagay na bagay ang salitang ito kay... ron capinding!" pero si glaiza, pwedeng manalo ng best actress. sensitive at intelligent ang portrayal ng bagets. may cameo performance si john lloyd cruz. which makes you think, bakit hindi na lang si john lloyd ang kinuhang bida? sorry sa mga fans ni ron capinding.

KADIN
-sa sobrang nipis ng kwento, pwedeng short film na lang sana ito. nilalamon ng setting ang napakanipis na kuwento. gustong ipahatid ng pelikula na ang bagal ng buhay sa batanes. at nakakapagod maglakad. at kailangan mong magtiyaga. pero medyo hindi raw culturally correct, ayon kay liza magtoto. kasi nga naman, zero crime rate sa batanes. so hindi uso ang nakawan. so dun palang, bagsak na ang premise. ang daming pwedeng title ng pelikulang ito: magtiyaga kadin. maghintay kadin. babalik kadin. pero ang pinakapanalo ay: matatapos kadin. dahil yun talaga ang iwiwish nyo habang nanonood kayo nito. ok lang na manood ng isang eksena kung saan pumapasok at lumalabas ang isang tauhan sa frame nang pagkahaba-haba at pagkalayu-layo ang pinagmumulan. pero ang mapanood ito ng ilang beses sa isang pelikula? medyo self-indulgent na yata. at may suspetsa ako na kaya maraming ganito ay para umabot sa time requirement para matawag na full-length feature ang pelikula. pwede rin palang part 2 nito ay: kadiyan. part 2 kadiyan.

GULONG
-balita ko taga-advertising ang nagdirek ng pelikula. at si lee meilly ang cinematographer. kaya ang buong pelikula ay isang malaking "commercial" para sa pinoy values. children's movie ito. may mga nagustuhan din naman akong children's movies. pero hindi ito. think magnifico, na kung saan ay mabait na bata ang pangunahing tauhan. pero this time, hindi namatay ang bida. at hindi gritty and rough ang pelikula kundi "sunny", "cheerful", "bright", at lahat na ng positive adjectives na maiisip nyo. sa madaling salita, hindi ko nga gusto. kasi gusto ko dark? oo. pero para ka lang nanood ng "hiraya manawari" na maganda ang cinematography. at maraming contrived sequences. hindi ko maiwasang ikumpara ito sa "magnifico" dahil ina-attempt din ng "gulong" na magpaka-poignant at heartwarming. ganun din ang premise: isang bata na may gustong makuha. sa magnifico, gusto niyang mabigyan ng magandang ataol ang lola niya. sa gulong, gusto niyang magkaroon ng bisikleta. sa magnifico, na-touch ang mga taong nasa paligid ng bata dahil sa kanyang kabutihan. ganun din ang "gulong". charming at funny ang performance ng mga bata. pero nakakasuya ang medyo pilit na pagbibigay ng "aral" ng pelikula.

TUKSO
directed by dennis marasigan. kung pamilyar kayo sa mga pelikula ni todd field (in the bedroom, little children), may ganitong dating ang pelikulang ito. intelihente ang script tungkol sa mala-rashomon na paghahanap ng katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng isang dalaga. may kanya-kanyang version ang mga tauhan kung ano talaga ang nangyari. tungkol rin ito sa konsepto ng tukso--kung paano ito nagsisimula, kung sino nga ba ang nagsisimula (ang nanunukso o ang natutukso?), kung paano ito nilalabanan, at sa bandang huli, kung paano ito itinatakwil. mahusay ang buong cast na karamihan ay mga taga-tanghalang pilipino. pero pinaka-kapuri- puri si irma adlawan sa papel ng isang biyudang "natukso" kay ping medina. at sa kanyang kauna-unahang pelikula (i think), bagay na bagay kay diana malahay ang papel bilang dalaga na sa tingin ng lahat ay isang malaking "tukso". mahusay nga rin pala si sol cruz bilang ama na tila "natutukso" sa kanyang sariling anak. may mga pahiwatig na may incest na nagaganap pero hindi ito direktang ipinakita ng pelikula. na nagustuhan ko dahil nakakadagdag sa misteryo. mahusay rin ang pagkakalapat ng musika ni vince de jesus. enigmatic. yun sa tingin ko ang tamang paglalararawan sa pelikulang ito.

TRIBU
-gang war sa tondo. sex and violence. at gangsta rap pinoy style. winner ang texture at milieu ng pelikula. mala-dokyu ang approach. another subculture movie. lumelevel sa "city of god". it's a tight match between this film and endo for best picture. if you want heart, go for endo. if you want sex and violence, go for tribu. nakakadagdag sa tensyon ng pelikula ang malamang karamihan sa mga aktor na gumanap ay taga-tondo at ang iba ay miyembro talaga ng gang. (at ang iba sa kanila ay umattend sa screening. buti na lang walang rambol na naganap. hehe.) thugz angels, fight!

PISAY
-nostalgia trip sa 80s ang pelikulang ito. subculture movie na minsan ay nakaka-alienate (lalo na kung hindi ka taga-pisay). winner ang second story. yung first, medyo boring. yung 3rd and 4th, parang magkapareho. pero enjoyable pa rin. may igaganda pa sana ang script. pero very assured at confident ang direction ni aureaus. na nararapat lang naman dahil galing siya sa pisay. at magagaling ang mga batang bida. at si eugene domingo ay pwedeng ma-nominate for best supporting actress bilang ilonggong guro (sa kanyang "lumelevel kay meryl streep with an accent" performance) at "pasistang may puso" (ayon kay mike). go uge! pero maganda ang pagkakapili sa time at setting ng pelikula. mahusay ang pagkaka-juxtapose ng internal conflict ng mga estudyante sa loob ng pisay sa mas malawak na political conflict na pinagdadaanan ng bansa sa labas ng paaralan. at tila habang binubuo ng mga batang estudyante ang kanilang mga sarili sa loob ng paaralan, sa labas naman ay unti-unti ring nabubuo ang direksyon ng isang bayan. ang lalim 'no? kainis.

ENDO
-simple pero rock. hehe. may puso. at matutuwa ang lahat ng mga salespersons at service crew dahil love story nila ito at tribute sa kanilang pagpupunyagi. dapat gawin itong required viewing ng mga casual employee sa malls. siyangapala, endo stands for "end of contract". mahusay ang 2 leads. si ina feleo, natural na natural. si jason abalos, pwedeng maging best actor. on the surface, isa lang itong love story. pero kung susuriing mabuti, ipinapakita ng "endo" ang epekto ng contractual work sa buhay, damdamin at pag-iisip ng mga taong "nabibiktima" nito. ang pangunahing tauhan ay hindi marunong mangarap, walang gaanong ambisyon, at wala ring kapasidad na magkaroon ng matino at mahaba-habang relasyon dahil alam niyang pagkaraan ng lima o anim na buwan, matatapos ang kontrata. at kailangan na naman niyang maghanap ng panibagong trabaho at magkaroon ng koneksyon sa isang panibagong environment at grupo ng mga tao. ito marahil ang trahedya ng pagiging isang contractual worker: dahil paudlot-udlot ang trabaho, paudlot-udlot din ang pagkakaroon ng pangarap at pakikipagrelasyon. and there goes my attempt at psychosocial analysis.

o siya. ang haba na. yun lang. salamat!

elmer

--------

Dahil halos araw-araw akong nagti-taping at shooting, di ko nakarir ang Cinemalaya. Nangako ako kay Auraeus na papanoorin ko ang Pisay last Friday. Pero Friday 8 am din natapos ang shoot ko, at 10 am ang screening ng Pisay. Siyempre hindi na ako nakapanood, kailangan ko ring matulog paminsan-minsan. Nagising ako ng 12 noon, takbo agad ako sa CCP para habulin ang 12:45 screening ng Endo. In fairnez, sobra akong nag-enjoy. Considering puyat ako, di ako inantok sa pelikula. Aba eh kegaling talaga ni Michiko magsulat ng script. At very promising ang director. Winner talaga itong group ni Raymond Lee. Sana dumami pa sila. Pagkatapos ng screening, tumingin-tingin ako sa lobby. Napaka-festive ng mood ng festival. Ang daming istudiyante. Kakatuwa. Nakakapanghinayang talaga, hindi ko napanood yung iba. Pero may screenings din sa UP ngayong August. Try nating manood lahat.

4 comments:

pat said...

jun kahit mag-'shet' ka lang sa blog mo every once in a while, ok na. aliw na aliw na mga tao nu'n.

good luck with the movie ha.

ps, bakit kasi sa ccp pinagpapapalabas yang cinemalaya, hindi tuloy ma-reach ang mas malawak na demographics, demograpi?

anyway, yun nga good luck sa movie. sana ipalabas naman sha sa glorietta or somewhere accessible.

JUN LANA said...

oy pat, salamat! tenks 4 d kind words. eh bat pag binabasa ko blog mo parang di ka mabait? hahaha. pero enjoy ako sa blog mo. winner! i'm editing my movie, may isang sequence lang na ire-reshoot. mid-september pede ko na siya pakawalan para laitin ng mga tao. imbitahin kita sa premiere.

Keitaro Hanazawa said...

Mr. Lana! Namiss ko kayo. Tagal niyo din nawala? kelan po ipapalabas ang movie?

nadia camit upton said...

Diyos ko, na-google ko na lahat ng "cinemalaya" eklavu, dito ko lang pala makikita ang tarush na mga review sa mga entries--salamat sa kaibigan mong si Elmer. Kaiinggit! Di ko napanuod! Sana magpremiere din dito sa West End. ..Jun, dito ka na rin mag-release ng pelikula mo para maloka ang mga shungang Breton ever, at matigil ang pagtsa-tsaa ng mga hitad. :) Dun lang naman sila magaling.