Tuesday, May 01, 2007

para sa mga sumali sa palanca

Eto ang dahilan kung bakit matagal akong hindi nakapag-blog: May bago akong screenplay. Ang title: Kung Ako Si Kris Aquino. Hehehe. Ang saya. Ako siguro uli magpo-produce nito pagkatapos ng Roxxxanne. Etong period na to sa buhay ko, isa to sa pinakamasaya. Masaya ako. Bukas pwedeng magbago yan, pero ngayon at nitong mga nakalipas na buwan, masaya ako. Lalo na at nagsusulat uli ako para sa sarili ko. Parang nung college ako. Gusto ko nga sanang sumali uli sa Palanca ngayon pero nahihiya na ako. Tantanan na. Ibigay na sa iba ang pagkakataon.

2nd year high school ako nung una akong sumali sa Palanca. Siyempre talo. Ang unang Palancang napanalunan ko, 3rd year college ako. Pero di ako masaya. Kasi honorable mention lang. Ni hindi 3rd place. At tatlo kaming honorable mention. Di ko naisip na hindi na masamang achievement yun for a 17 yo.

Nung unang punta ko sa awards night ng Palanca, nagkaroon ako ng epiphany. Na-visualize kong mananalo ako ng 1st place, at sa mismong gabi ng awards night lalapitan ako ng isang producer, bibilhin niya ang sinulat ko, at yun ang magbibigay sa akin ng break na maging scriptwriter.

Di ko alam kung saan nanggaling ang ilusyong yun, pero pinaniwalaan ko siya. Kaya sali ako nang sali. Pero di ako nananalo ng 1st place. Panay 2nd or 3rd. Nakakasampung Palanca na ako, wala pa ring 1st place. Ako lang ata ang nananalo noon sa Palanca na hindi masaya. Kasi hindi yun ang na-imagine ko.

Finally, after 7 years, nanalo ako ng 1st place sa screenplay category. Si Armida Siguion-Reyna ang judge. Nung time na yun, active pa ang Reyna films sa paggawa ng mga pelikula. Siguradong-sigurado ako na lalapitan ako ni Armida sa gabi ng awards night at bibilhin niya ang screenplay ko.

Pero hindi dumating si Armida. Ang masaklap, nabalitaan kong ang binili niyang screenplay sa Palanca ay yung hindi pa nanalo.

Sobra akong disappointed. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako sasali sa Palanca. Pero dalawang linggo bago dumating uli ang deadline ng Palanca, nag-crash ang computer ko, at isa sa mga na-retrieve na files eh isang lumang outline para sa isang screenplay.

Nakalimutan ko na ang outline na yun, pero nung nabasa ko, na-excite uli akong magsulat, at hindi para sa Palanca, kundi para sa sarili ko.

Siyempre sinali ko uli siya. At nanalo siya ng 1st place. At nung gabi ng awards night, nilapitan ako ng chairman ng board of judges na si Marilou Diaz-Abaya at binili niya ang screenplay. At dahil doon, nagkaroon ako ng break sa industriya.

Kahapon, deadline uli ng Palanca. Sa lahat ng mga sumali, good luck. Maniwala kayo sa sarili ninyo. Kahit matalo kayo, maniwala pa rin kayo. Maniwala kayong nangyari na ang pangarap nyo at isang araw magugulat na lang kayo.

5 comments:

nam said...

u mean mananalo na ako next time?... 3x na ko sumali...laging talo. kaya pag nagpublish ako ng book, imbes na palanca winner ang nakalagay sa likod, palanca loser ang isusulat ko. publish ng book ba kamo? thats another illusion...

buti ka pa, super grandslam! kainggit.

Bienvenido's Boss said...

that was sweet and inspirational. Happy ur happy.

trinity said...

very inspiring ang story mo tungkol sa palanca. bilib ako sa perseverance mo. question lang po, ano po ba ang nakakapag-motivate sa inyo na magsulat?

f i l l i b u s t e r o said...

may isa akong "friend" na nanalo na rin ng palanca, at sabi niya sumali daw ako. yay, ano naman ang isusulat ko, eh puro kabaklaan tungkol sa sarili ko lang kaya ko i-chorva.

pero after reading this post, mukhang posible naman ang lahat. try ko next year.

congrats nga pala sa mga awards mo. galeng-galeng naman!

Paul Bayani said...

Hi Kuya Jun,

Tama ka, hindi masama ang mangarap. Kaya lang may mga pagkakataon na papipiliin ka ng pangarap mo, siya ba o ang mga taong mahal mo sa buhay? Mahirap pumili diba? Lalo na kung ang pangarap mo ay makakasakit sa mga mahal mo sa buhay. Kaya in the end, magpaparaya ka. Eto ang tanong, masasabi mo bang pangarap mo na paligayahin ang ibang tao, habang nagdurusa ka?