Monday, April 30, 2007

man crush

Kakasuklam. May nakasalamuha na naman akong closeta sa isang meeting. Kwento ng kwento tungkol sa “girlfriend” niya. Mesmerized akong nakinig for 2 reasons: 1) Ang nipis ng kilay niya, parang hipan mo lang malalagas na, kating-kati tuloy akong itanong kung bored ba siya sa buhay niya at pinagdidiskitahan niya ang kilay niya, dapat manood siya ng Oprah para malaman niya ang tamang paraan ng pagpluck 2) Parang bilib na bilib siya sa sinasabi niya, eh engot ba siya palagay niya may bumibiling straight siya? Kung negosyo ang pagiging straight, ay day matagal na siyang nalugi.

Sa totoo lang may simpatiya ako sa mga closeta. Galing na rin ako diyan once upon a time. Para kang rapunzel na nakakulong sa tore. Alam mong mahaba ang hair mo, pero alam mo ring walang darating na prince charming para i-save ka. Di ba ang sad? Kaya nirerespeto ko ang mga closeta. Para hindi ka magladlad, siguradong me malalim kang dahilan. Pero may ilang closetang gusto kong i-barbecue. Closeta na nga nanggogoyo pa ng mga babae. Kukuha ng cover girl, gagawing nobya, or worse, papakasalan! Buti sana kung kaya nilang panindigan. Dapat isama yan sa campaign mga tatatakbo ngayon sa senado. No to drugs. No to violence. No to tax hikes. At mas malaking NO sa mga closetang naninira ng buhay ng mga babae.

Nung college ako, hindi ako makapagladlad dahil lahat ng kaibigan ko straight. Natakot akong pag nagladlad ako, mawawalan ako ng kaibigan. At yun lang naman talaga yun di ba, takot. Meron diyan natatakot na itakwil ng pamilya. May iba naman natatakot ma-discriminate sa trabaho. Dahil sa takot, maraming tao ang hindi totoo sa sarili nila. Buti na lang sa panahong ito, di na ganun kahirap ang maging closeta. Kasi uso na ang mga metrosexual. OK na ang maging vain kung straight ka.

May theory ako na ang mga unang metrosexual sa Pilipinas ay mga OFW, lalo na yung mga nagsa-Saudi. Malalaman mo daw kung sino ang nag-Saudi di lang sa dami ng alahas na suot niya, kundi lalo na sa lagay ng mga kuko niya. Ewan kung anong meron sa Saudi, pero lahat na lang yata ng straight na nagtrabaho doon, biglang nawiwiling magpa-manicure at pedicure. Mukhang goons pero ang ang kikintab at pupula ng mga kuko. Winner!

At dati, kung lalaki ka at me crush kang kapwa lalaki, pagdududahan na agad kung straight ka talaga. Pero ngayon, walang kaso. Kasi uso na rin ang man crush. Straight to straight na paghanga. M2M pero walang malisya.

Dudepare, cute talaga niyang si Mike no?

Sa bading di totoo ang man crush. Kung crush mo ang isang lalaki at bakla ka, ate imposibleng kahit slight, wala kang pagnanasa sa tao. Gusto mo siyang maikama, mahalikan.O sige, granted na isa kang dalaginding, siguro kahit konting smack, na-imagine mo. Smack lang. Pero sa tongue.

O baka ako lang to. Baka naman posible ngang magka-man crush ang mga bading? As in non-sexual, platonic. Hmmm. Fun ba yun?

10 comments:

Benito said...

Hehehehehe.

Nakatatawa.

Hyekhyekhyekhyek.

pat said...

dude, di pedeng nanawag ka ng dude ta's secretly winiwish mong akbayan ka o tapikin ka sa wherever. di pwede yun dude.

dyakks said...

pwede naman yun..alang malisya..parang mag sex kayo pero no malice..

ahahhaha

f i l l i b u s t e r o said...

yung kasama ko sa opisina dami nililigawang chicks, minsan sabay-sabay, sunud-sunod, sala-salabid.

pero nung nakarating kami galera ako ang katabi niya sa pagtulog, kalokah, bottomesa.

ava said...

Hahahaha! Winner 'to,Jun. Aliw na aliw ako. Gawin mong play/screenplay ang iba't ibang klaseng closeta/metrosexual atbp. Keep them coming!

Manayski

meganhahaha said...

Hahaha, weiner, ester, winner! :D

Horny Peter said...

Honga. Di uso yang man crush sa mga bading. Siguro pwede sa iba pero imposibleng walang malice.

Mark Xander said...

True, one should always be proud of who he is.

Ang problema, some gay men take it against others who are comfortable with who they are. I guess it's all a generational thing.. gay men my age are more at ease with their sexuality as opposed to those who came generations before us..

Being gay, I am honored to be on the same boat as Lincoln, Shakespeare, and Ellen DeGeneres.

When I am attacked, I simply hold my head up high. (Do check out this article: CLICK HERE.)

JUN LANA said...

i've read the article, mark. saludo ako sa yo.

David said...

hindi ko alam kung makakapag-agree ba ako na hindi pwedeng magka-man crush ang bading..

aminado naman akong gusto ko silang yakapin at halikan.. pero ganon naman ako sa lahat halos ng tao.. XDDD deprived of affection kasi ako as a child.. *naks!!*