Thursday, March 01, 2007

tests

1. Cellphone test

Para malaman ang totoong pag-uugali ng bagong jowa/fling/friend, itago ang cellphone niya. Umarteng deadma. Pretend-pretend at obserbahan ang jowa/fling/friend sa loob ng 24 oras. Kung paano siya mag-react, yun ang tunay na kulay niya.

Panalo ang jowa/fling/friend kung calm and collected (ibig sabihin, low maintenance). Worrisome kung walang pakialam (baka afraid sa commitment). Makipag-break agad kung bigla itong mag-breakdown (malamang sa hindi, EDP ang nabingwit mo: emotionally disturbed person).

Siyempre dapat may plano ka kung paano ibabalik ang cellphone the next day. Wag eengot-engot, wag papahuli kung ayaw maipapulis ng sariling jowa. At sana, hindi rin ma-tempt na basahin ang messages sa inbox. (Kapag ginawa mo yun, ikaw ang magiging subject ng test na ito. Pyschotic daw ang mga taong nagbabasa ng text ng may text. Psycho na, tsismoso pa.)

2. Manny Pacquiao test

AKA the Lito Lapid test. Me lalim bang mag-isip ang bago mong jowa? Pwes alamin. Habang nagkukuwentuhan kayo, (best done after sex para unguarded siya, pwede rin during kung makakarir why not) tanungin mo: Kung taga-GenSan/Makati ka, iboboto mo ba si Paquiao/Lapid? Dapat kaswal lang ang delivery, example: nagku-cutex ka ng kuko habang nagtatanong, parang it’s not really that important. Pero pag sumagot ng Oo, react ka ng Ay Tanga! sabay walkout. At wag mo na yan babalikan ever!

3. Best Friend test

Is your jowa your best friend? Sure ka? Then tell him a deep, dark secret. Hindi kailangang totoo; in fact mas mabuting mag-imbento ka muna. Sabihin mong anak ka sa labas ni erap. O kunwari naging kept man ka ng Prince of Brunei. And then wait ka. Pag kumalat ang tsismis, alam mong hindi kay Boy Abunda galing yun. Unless si Boy Abunda ang jowa mo.

4. Arkansas test

Arkan-SO. Hindi Arkan-SAS. That’s the only way to pronounce it. Siyempre dapat alam mo yan. Kung hindi, ikaw ang victim ng blog na to. Me angking dunong ang jowa kapag maayos niyang nabigkas ang southern state na ito ng U.S. Henyo kapag dinagdag pa niyang Little Rock ang capital nito. Kung hindi, OK lang. Hindi naman talaga ito ang batayan ng tunay na pag-ibig (tienes). Yun nga lang, kilala ang mga bading sa pagiging smart (aminin), kaya i-encourage ang jowa na wag magpahuli. Mag-enroll agad sa Wilma Cruz Tapalla Academe of Speech and Personality.

5. Miss Universe Test

What is the essence of being a woman? If you could interview any female leader, who would it be and why? What do you think has been women's greatest contribution to today's world and why? Ilang lang yan sa classic questions sa Miss Universe. Mga tanong na matalinhaga. Mga tanong na sumubok sa liksi ng isipan at poise ng mga kandidata.

Para sa pinakamamahal mong jowa, eto ang iyong nag-iisang miss universe question na susubok sa pasensiya at galing niya: “Am I fat?” O kung gusto mong maging mas specific: “Lumalaki ba ang tiyan/bilbil ko?” Siyempre ateng, alam mo ang sagot. Dahil kahit di ka huminga talo mo pa rin ang nakalunok ng pakwan. Pero sa tanong na ito mo malalaman kung gaano ka talaga kamahal ng iyong jowa (at kung gaano siya kagaling magsinungaling).

6. Misty Blue test

Si Misty Blue ay dating miyembro ng That’s Entertainment. Tinawag siyang Misty Blue dahil lagi siyang naka-contacts na blue (isang beses nagreport siya sa That’s na walang contacts, di siya nakilala ni Kuya Germs.) Tuwing may pagtatalo kayo ng jowa at kailangan nyong mag-agree sa isang bagay (kung ano’ng papanoorin sa tv, kung sino ang dapat umupo sa aisle seat, kung saan kakain, kung sino ang bottom/top) eto ang gawin n’yong deciding game: Magpaligsahan kung sino ang may pinakamaraming maaalalang miyembro ng That’s Entertainment.

Siyempre madaling maalala si Janno Gibbs o Lotlot de Leon o Romnick Sarmienta and let’s not forget Lea Salonga (trivia: sa That’s inannounce ni Lea na gusto niyang manalo ng Tony someday, pinagtawanan siya sa ilang tabloids ng sumunod na araw, ilusyunada daw ang lola nyo. Well, well, well). Pero dapat me baon kang alas para magwagi sa game na to. Aside from Misty Blue, siguradong titiklop ang jowa mo kina Cheliza Padilla, Natz dela Cruz, MJ Pajarillo to name a few.

Kung di nyo inabot ang That’s, pwedeng isubstitute ang Ang TV, pero wala talagang mas titindi pa sa That’s. Screen names pa lang ng mga artista, happiness na. Nasobrahan siguro sa Birch Tree si Kuya Germs kaya high na high sa pagbibigay ng pangalan. KUYA GERMS: Hmmm… ikaw mukha kang kuneho. Kaya tatawagin kitang Bunny Paras! At ikaw naman… well, wala na akong maisip kaya tatawagin kitang Jennylyn. TALENT: Wala po akong apelyido? KUYA GERMS: Hmmm… oo nga ano. Pwes, tatawagin kitang Jenny…. (MAG-IISIP NG APELYIDO) … Lyn. Tama! Makikilala ka bilang si Jenny Lyn! Bwahahaha!

7. Ten million peso test

Tanungin ang jowa/fling/friend: “Magpapalit ka ba ng religion sa halagang… (makipagtawaran mula five hundred thousand hanggang 10 million pesos)?” Sa anong halaga niya ipinagpalit ang kanyang religion? Ano sa palagay mo ang totoong halaga ng kanyang prinsipyo? At higit sa lahat, ano ba talaga ang purpose ng tests na to? Kumuha ng papel at ilista ang maidudulot na kabutihan nito sa mundo, lalo na sa darating na eleksyon.

5 comments:

Anonymous said...

i love ur blog...funny and entertaining..


more entries please..

Bienvenido's Boss said...

Jun,

Loka loka. I love this test series..Karirin ang comedy writing! Galing mo talaga, college pa lang IDOL na kita.

-- Carina

Anonymous said...

harsh ang test!
may mga sagot naman kasing pu-pwede..

sa lito lapid test:
pwedeng "oo" ang sagot basta ang dahilan nya eh para naman magkaroon ng pulis na nakabayo sa makati. very new york why not! at para mabigyan ng trabaho ang mga pinag-retire na kabayo nang ipasara ng SM ang racetrack. o di ba environmentally friendly?

sa arkansas test
malay mo kung sa call center nagtatrabaho ang new found jowa, eh di perfect ang accent? dapat may follow-up question like "how do you turn on a computer?" kapag ang sagot sa yo eh "please hold" eh go na, iwanan mo na

Benito said...

Gwaaaaaaaaaaaaaahahahahahaha!

....

Gwaaaaaaaaahahahhahahahahahha!

Horny Peter said...

Wahahaha! Nag-enjoy ako dun sa Lito Lapid test! Ang sa akin lang, kapg nag-Yes to Lito Lapid ang jowa mo, eh ibaon mo na siya sa lahar. Kumusta naman kung si Lito magiging mayor ng Makati, di bagay na venue ng Tatlong Baraha!